Chapter POV: Cheska Mae Lauren
Inalalayan pa ako ni Jethro papasok sa loob ng kotse niya.
'Syempre kinikilig ang lola niyo'
Halos gusto ng sumabog ng dibdib ko sa sobrang kakiligan.
"Ang ganda mo, parang hindi ikaw yung nakikita ko sa school" sabi niya at tumingin pa sa akin, syempre ngumiti lang ako.
"Salamat" tanging wika ko.
"You know what, dapat pati sa school ganyan ka nalang, siguro marami kang mapapa-inlab na lalaki" nagsimula na siyang magdrive.
'Hindi naman ikaw lang' sabi ko sa isip ko
"Diba ikaw yung nanjan sa park na nagpapahinga" sabay turo sa park sa harap village.
"Oo katatapos ko lang mag-jogging, tyaka may hinihintay rin ako nun" napatingin ako sa kanya pero sa harap lang siya nakatingin.
Hindi ko alam kung tatanungin ko pa ba kung sino yun?, o papabayaan ko nalang.
'Aishh, wag na nga'
Hindi nalang ako nagsalita at tumingin nalang ako sa labas.
Ang dilim ng kalangitan at nagbabadyang umulan, sasabay pa ata ang kidlat at kulog.
"Ang tahimik naman" sabi niya at binuksan yung music.
-itanong mo sa akin
Kung sino aking mahal-
Ikaw lang naman mahal ko wala ng iba.
-itanong mo sa akin
Sagot ko'y di magtatagal-
Syempre ahh, dapat deretsyahan na, pero ako pa ngalang hindi masabi ehh, hanggang kilig nalang sa sulok.
Nakarating na kami sa pagkakainan namin.
"Bakit ka nga pala naka-tira kila Seb.?" Tanong niya.
'Yiee! Curious ang baby ko'
"Ahh, kasi si mama may business trip siya in europe, nag-iisang anak lang kasi ako kaya walang akong kasama sa bahay, ayaw rin naman kumuha ni mama ng maid kasi hindi na siya nagtitiwala" sagot ko.
"Ehh yung daddy mo?" Tanong niya, pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tanobg niyang yun.
"Wala na" tanging sagot ko nalang.
"Ay sorry" malungkot na sabi niya kaya nginitian ko lang siya.
"Hindi pa siya patay" natatawang sabi ko
"Sorry, haha!" Sabi niya sabay tawa, kaya tumawa lang rin ako "e ano?"
'Ang dami namang tanong ng baby ko'
"Sumama na siya sa mistress niya" wika ko.
"Nakuu! Sorry talafa ang dami kong tanong" napatingin ako sa kanya, at nakatingin lang ito sa harap.
"E ikaw?, saan yung mommy at daddy mo?" Ako naman ang nag tanong sa kanya at tumingin siya saglit sa akin.
"a patay na sila, car accident five years ago, kaya tumira na ako sa lola ko, pero wala yung lola ko dahil nasa Italy siya at duon naman talaga ang bahay niya, hindi niya ako matagalan dahil, sinisisi niya parin ako sa pagkamatay ng mga magulang ko, uuwi siya jan para isumbat na wala akong kwenta, idiot, moron, walang laman ang utak..." napahinto siya sa pagkwe-kwento at napagtanto kong umiiyak na siya.
ngayon ko lang napagtanto na ang stupid pala ng tanong ko, dapat pala hindi ko na tinanong yung ganong bagay, inabot ko sa kanya at kinuha niya naman yun.
"Napaka-hina ko, dapat hindi ako umiiyak ng ganito" ngumiti na siya ulit, pero halata parin ang kanyang kalungkutan.
"Tatandaan mo nandito lang ako para makinig sayo at intindihin ka" sambit ko at hinagod yung likod niya, huminto na kami at napatingin ako sa labas.
Entrance palang, punong-puno na ng roses, at napaka-romantic ng lugar na ito.
"Let's go" sabi niya at binuksan na yung pinto ng kotse niya.
Ngumiti lang ako dahil sa ginawa niyang yun.
'Ang gentleman talaga niya, ang swerte ko siguro kung magiging kami'
"Alam mo Cheska, ikaw palang ang babaeng maganda na nakita kong hindi maarte at walang paki-alam kung pangit man siya o hindi, laitin man o hindi" sabi niya at hindi ko napansin na nakalimutan ko nga palang tanggalin yung kamay ko sa kamay niya.
'Nakakahiya'
Napangiti lang ako sa sinabi niya at hindi alam ang isasagot.
"Galingan mo sa pageant mo ahh, kaya mo yan, fighting!" Sabi niya at itinaas pa yung kamay niya sa ere kaya nagulat ako sa ginawa niya.
'Hyper rin pala siya kung minsan, ang cute lang!'
"Good evening ma'am and sir enjoy your stay, you are cute couple" bungad nung staff duon.
'Couple?'
"Haha! Ang ganda dito nuh?, ikaw palang ang napupunta ko dito" sabi niya at pumunta na kami sa table at ipinaghila niya pa ako ng upuan bago siya pumunta sa harap ko "ngingiti ngiti ka nalang ba jan, wala ka bang balak mag salita?, sige ka masakit matuyuan ng lalamunan" dumating na yung waiter na may dalang menu para sa amin.
"Anong bang masarap dito?" Tanong ko sa kanya.
Matagal pa siya bago sumagot sa akin.
May itinuro lang siya sa waiter at umalis na ito.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Basta magugustuhan mo yun" sabi lang niya "excuse lang ah, mag-c-cr lang ako saglit" sabi niya at umalis na.
Napatingin ako sa paligid, maganda rin yung theme nila at iisa lang yun, dahil romantic place dito panay couple ang nandito.
'So kung ganun couple kami ni Jethro,yieeeee!'
*****
ItutuloyPlease enjoy, support, read and vote...
YOU ARE READING
She Change My Life
RomancePinagtagpo ng panahon at pagkakataon Na ang isang katulad mo'y mahulog sa akin at ako'y ibigin, hindi man ako kagandahan o kasing pino ng isang babae kung gumalaw, pero ang gusto ko ikaw, sa bawat oras na ikaw ay lalapit sa akin o ako ay iyong aasar...