Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago. Pagbabago sa mundo. Ang mga nasimulan noong 21st century ay natapos na. Ang mga pangyayari sa buhay ay laging nagbabago, ang pagpapahalaga, pag-uugali. Kailangan lamang na tanggapin natin ang mga nangyari ay nakalipas na at dapat matutunan ang mahahalagang aral na dulot nito.
Sa taong 2273, ang mundo ay tinawag na ngayong Giorgeo. Napakalaki ng naging pagbabago sa taon. Mga makabagong teknolohiya, human behavior at nagkaroon ng kani-kaniyang paniniwala na naayon sa kanilang taglay na katangian.
Ang Giorgeo ay ang mundong binubuo ng apat na bayan. Ang apat na bayan ay may kanya kanyang paniniwala at pinanggalingan. Sa paglipas ng matagal na panahon, napangalagaan ng mga tao ang kalikasan kaya't naging malaki ang pag-unlad ng Giorgio. Ang malulunbhang karamdaman noon na wala ng solusyon kudi maghintay na lamang sa kanilang kabilang buhay, ngayon ay nalutas dahil sa pagtitiyaga na malutas ang ganitong kaso ng sakit. Ang malaking pagbabago ng siyensa at dulot din ng mga makabagong imbensyon ang naging susi para malutas ang mga kinatatakutang sakit.
Ang Imper ang sentro ng Giorgeo matatagpuan ang kaharian na pinamumunuan ng Mahaharlika. Mga sakim sa kapangyarihan at kayaman. Pinamumunuan niya ang 3 pang bayan sa Girogeo ng naayon sa kanyang gusto. Sibilisado sila dahil ito ang sentro ng Giorgeo. Ang mga naninirahan sa Imper ay may kakayahang makagawa ng enchant, malakas man o mahina. Mas malakas ang pag incant pag narinig mong parang umaalon ang ang boses ng gumagamit nito. Dapat tama at malinaw ang sasabihin sa paggawa ng enchant upang maging perpekto ang nais na gawing enchant. Sila ay labis na mga nakamamangha dahil likas sa kanilang katawan ang Maho na sila lamang ang nagtataglay. Ang Maho na taglay nila ay katumbas din ng kanilnag buhay. Kung malakas ang maho ay malakas din ang nagmamay-ari ng katawan nito.
Kaagapay ng Imper ang bayan ng Lumos dahil sa kanila nagmumula ang mga makabagong teknolohiya at dekalidad na mga sandata. Mga dalubhasa at eksperto ang mga Lumosian pagdating sa agham, teknolohiya at sinapsiyam. Sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lunas ang mga sakit na wala dapat lunas. Taglay nila ang talas ng pag-iisip na naging dahilan sa pagkakaiba nila sa ibang siyudad at paniniwala. Kontrolado ng Imper ang bayan ng Lumos dahil sila ang nagsusupply ng mga pangangailangan at mga materyales sa mga imbensyon at ideya. Sila ang may pinakamaliit na bayan kaya't mabilis nasakop ng Imper ang bayan ng Lumos.
Ang bayan ng Crassus ang nagpasimuno noon ng malaking digmaan sa pagitan ng apat na bayan. Sa pamumuno ng dating Hari na si Teiga, nabigo ang mga mandirigma sa nais nilang pamunuaan ang Giorgeo. Bilang parusa sa mga taga Crassus, pinahihirapan ng Imper ang bayan ng Crassus dahil sa nangyari noon. Nakatago sa sagradong lugar ng Crassus ang isang kakaibang panangga at mga sandata na may kakaibang abilidad, ngunit ito ay naging alamat na lamang ng ng matapos ang nakaraang digmaan. Nanatili ito sa isang sagradong lugar dahil sa kakaibang taglay na enerhiya ang bumabalot sa mga ito. Hindi maitatanggi na malalakas sila ngunit mahina sa sratehiya na nagresulta sa pagkatalo ng sinimulan nilang digmaan. Naging alipin ang ilan sa kanila upang maging hukbo ng Imper.
Ang Meridan kung saan naninirahan ng tahimik at payapa ang mga tao sa ilalim ng Imper. May mga kakaibang tao o peculiar ang naninirahan dito gaya ng ibang normal na tao at pilit na itinatago ang kanilang abilidad o 'sixth sense'. Ngunit may mali sa pamamalakad ng Imper sa kanila. Dahilan para magkaroon ng pagkakagulo sa bayan. Sila ang tagasunod sa utos ng Imper sa kung ano man ang nais na ipagawa sa kanilang bayan. Ang bayan ng Meridan ang halos bumubuo ng populasyon sa Giorge
BINABASA MO ANG
Affiliation
Mystery / ThrillerLet's find out how Demea will find her comrades/allies to stop the regime of the city Imper.