Chapter 2: Triumvirate

3 1 2
                                    


Demea

Napaaga ang pasok ko ngayon, mamaya pa naman talaga ang simula ng klase.Naisipan kong tumambay muna sa cafeteria, umorder ako ng frappe gaya ng ibang estudyante.

Masaya silang nagkekwentuhan tungkol sa kanilang firstday. May hampas hampas pa sila habang tumatawa.

Hindi ko talaga maalis ang pagiging keen observant ko sa paligid, pero sinusubukan ko pa ring itigil, habit na siguro ito. Hindi nalang ako nagpapahalata sa iba para hindi magmukhang obvious.

Sumisimsim lang ako sa frappe at doon nakatuon ang pangin habang active na active ang aking pandinig. Sa pamamagitan ng kanilang mga boses, na iidentify ko kung lalaki o babae kahit boses lalaki ang isang babae at boses babae ang babae. Ang tangkad, bigat ay nalalaman ko rin.

Kailangan ko pang matutunan kay tita Kim ang 'echolocation' . Hindi ko pa masyado gamay at nahihirapan ako sa pagtukoy ng specific location ng isang tao.

Busy busy muna sa school. Kailangan ko munang pagtuunan ang pag aaral.
Wala na palang laman ang frappe na aking sinisimsim. Tumayo ako at umalis na sa cafeteria, inabot pala ako ng 30 minutes pag tambay dito. Medyo napasarap ang pag upo.

May hallway naman akong dinadaanan pero hindi naman malayo ang room ko. Isang liko pakliwa lang at matatanaw sa kintatayuan ang building kung saan naroon ang room.
Maraming estudyante ang pumapasok sa Meridan dahil iisa lamang ito sa Meridan. May mga pre-school, high school, shs at college.

Pumapasok ako bilang Grade 12 at GAS ang kinuha ko, wala naman talaga akong maisip na kuhanin kahit isa sa mga strand, kailangan lang talaga at napili ko lang ang GAS. Trip lang.

***

Napaaga si maam Carla ng dating. Inayos niya ang projector, laptop at kung ano pang gagamitin niya sa pagtuturo. Naghahanda na rin ang mga kaklase ko sa pagsisimula ng unang lesson para sa History.

Ang sabi ni Ms. Carla kahapon ay puro mga ekpedisyon at pananakop lang ang sakop ng ituturo niya sa buong taon.

Nang matapos ng ayusin ang gagamitin ni Ms. Carlaa ay nagflash sa projector ang salitang 'The Great Alliance'.

"Wow! parang ang astig naman ng topic natin ngayon" sabi nung medyo matabang lalaki sa kanyang katabi sa bandang gitna, halata sa kanyang mukha ang pagkaexcite. "Tsk. excited ka sa boring na subject na yan? Ang boring kaya ng History Class" tugon sa kanya ng kanyang katabi. Sa tono palang ng boses at nilalaman ng kanyang sinabi ay masasabi mong sarkastikong sagot.

Nilabas ko nalang ang aking gamit sa bag, Tablet na salamin. Nagsisilbing notebook ito sa ngayon. Nakalista ito sa mga kailangang bilhin bilang isang estudyante sa Meridan.

"The Great Alliance, any idea from the class?. Who are they?" Panimula ni Ms. Carla sa kanyang lesson. Walang naglakas loob na tumaas ang kamay sa klase. Kahit ako nga di ko rin alam ehhh. May isang hindi mapakali tila nais sumagot kaso bakas sa knayng mukha ang pangamba sa isasagot.

"Ang alliance o alyansa nila ang naging pinakamagaling sa kasysayan." sinagot niya ang sarili niyang tanong. May bakas na pagkamangha sa iilan. "Ang alliance ay isang relasyon kung saan parehong nakikinabang ang mga kasapi o kaalyado, Mutual relationship kungbaga dahil pareho ang nais nilang isagawa o isakatupad" pagpuputuloy ni Ms. Carla. Nakikinig ang iba sa kanyang pagtuturo kakaiba talaga ang alindog ni Ms., tila naakit niya na ang lahat ay makinig
.
"Same purpose, benefit, achiecements and other. Pareho sila ng nais na Goal" nagjutt down ako gaya ng ginagawa ng mga kalapit ko, mga seryoso silang nakikinig. Sa bandang likod ay nandon yung pitong lalaki kahapon na nag uusap, hindi na akong nag atubili na tignan sila.

"Triumvirate comes from the latin word 'Triumviratus'. Binubuo sila ng tatlong tao at pinamumunuan ang iba't ibang bansa dahil sa tagumpay sa pananakop nila" Binasa ni Ms. Carla ang next slide at inexplain naman ng maayos. Ang mga daliri ng aking mga kaklase ay mabilis na tinitipa ang keyboard sa tablet, tila walang pinalalampas na impormasyon ang bawat isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AffiliationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon