Demea
Ginising ako ni Tita Kim dahil ngayon daw ang unang araw ng klase ko sa Meridan High. Hindi na ako nag-atubili na tanungin pa kung bakit kailangan kong pumasok.
Utang ko kay Tita Kim ang aking buhay dahil siya ang nagpalaki sa akin, siya na rin ang tumayo kong magulang dahil patay na sila - ang aking tunay na ama at ina.
Si tita Kim ang nag-aasikaso ng lahat para sa akin. Pina-enroll niya ako sa Meridan High kahapon lamang at bumili ng mga damit na aking gagamitin sa pag pasok at pang araw araw.
Ang bahay na aking tinutuluyan ay bahay rin ng aking mga magulang. Napakalaki kasi ng aming bahay, tila isang mansion na nasa dulo ng Meridan.Binuksan ko ang H-TV habang kumakain ng almusal. Laman na naman ang mga bagong teknolohiya at bagong proyekto na ilalabas ng Lumos. Tunay na nakamamangha ang mga imbensyon nila.
Dumaretso ako sa banyo matapos kumain at nag linis ng aking katawan. Inaantok pa ako dahil napaaga yung paggising sa akin ni Tita Kim. Ang mga tubig na dumadampi sa aking balat mula sa shower ay unti unting nagpabuhay ng aking isipan. Gising na ang aking diwa.
Ang uniporme ng Meridan High ay bumagay sa akin. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Simula ng aking tungkulin bilang estudyante. Kailangan mamuhay ng normal at magpadala sa agos gaya ng iba.Babalik pa rin naman ako sa dati pag natapos ko ang sampung buwan sa Meridan High. Wala dapat akong maging abiso sa iba.
***
Hinatid ako ni Manong Jek, ang driver ng aming pamilya. Malayo pa kasi ang Meridan High sa aming bahay kaya kailangan kong magpahatid.
Pagkababa ko sa ______, bumungad sa akin ang gate ng Meridan High, malinis at maayos ang pagkakagawa nito, kahit na luma at matagal na ay hindi mo masasabi dahil sa kalagayan nito.
Matagal ng ipinatayo ang Meridan High, hanggang ngayon ay eskwelehan pa rin. Masasabi ko na luma ang disenyo ng ibang gusali at ang ibang parte dahil pinag-aralan ko na ito sa bahay.
Tinahak ko ang hallway pagpasok ng school, may kahabaan ito kaya mapapagod ang mga paa ng mga estudyante at guro. Ngalay na ngalay siguro sila.May mga nakasabay naman akong mga estudyante at guro na papunta sa kani kanilang kwng.
Ang mga nakatambay sa labas ng silid, nagkekwentuhan at may tawanan pa, may bangkang bangka at tsismisan sa paligid. Ang kikire ehhh.***
Nakarating ako sa harap ng aming silid, rinig na rinig ko ang mga bulong bulongan pati na rin ang mga tawanan kahit na nasa labas pa lang ako. Sa mga boses palang nila ay nauulinigan ko na hindi kami magkakasundo.
Wala pa ngang guro, gaya ng inasahan ko. Ang mga ingay nila ang dahilan kung bakit alam kong wala pang guro. Wala naman sigurong classroom na napakaingay gaya ng speaker na naka high ang volume tapos rock pa ang tunog, is that a joke?
Tuluyan na akong pumasok sa silid at dumaretso sa pangalawa sa dulong upuan katabi ng bintana. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin na animo'y isa akong killer. Mula ulo hanggang paa, para akong isang experiment na inoobserbahan angbawat reaction o kilos na aking gagawin, isabay pa ang biglaan na nakabibinging katahimikan.
Umupo na ako sa silya at tulyan na silang bumitaw sa pagkakatitig.
Tahimik lang ako.
Tahimik lang akong nagmamasid at inoobserbahan ang iba dito sa loob ng kwarto. Napakagulo ng mga upuan, may mga kalat sa unahan at gayundin sa iba pa, mga baboy ang mga hayop. Mga pinagkainan nalang nila kung saan saan pa tinatapon ang kalat.
Ang mga bulong bulongan kanina ay naging sigawan at tawanan.Napatingin ako sa bandang unahan kung saan may grupo ng mga babae na nag-uusap usap ng parang magkakalayo sa isa't isa. Ang lalakas ng boses aakalain mong mga nakamikropono sila ng tag-iisa. Dinig na dinig ang pinag-uusapan nila.
Sa kabilang banda may pitong lalaking nakapalibot ang mga silya na tila bang may group activity at nag bebrainstorming. Seryoso ang bawat isa at sinserong nakikinig sa nagsasalita sa kanila. "Guys malapit na nating matapos ang nasimulan nating project, konting konti nalang at magiging maayos na..." napatigil ang pagsasalita ng kanilang lider at tumingin s'ya sa kinauupuan ko dahilan para mapatingin rin ang anim pa sa kanila. Tinitigan lang nila ako, ang mga walang ekspresyon nilang mukha ay sapat na para bumitaw sa pagtitig at pag eavesdrop sa kanila.
"Ang tagal naman ng magtuturo sa atin, bagot na bagot na ako" sabi ng isang babae mula sa aking likuran. Sa tono pa lang ng boses ay masasabi mo na naasar sya dahil sa kabagutan na kahit ako ay kanina ko pa rin dama.
"Baka naman nagkamali lang s'ya ng napasukan na room" tugon sa kanya ng kanyag kalapit.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga footsteps papunta sa silid na ito. Hindi alintana sa akin ang kanilang mga ingay, naririnig ko ang lahat ng mga malalapit sa akin. 'Clairaudience' , iyan ang aking pschic ability. Hindi pa nga lang perpekto at akin pang hinahasa. Hindi lahat ng mga tao ay may kaniya kaniyang psychic ability. Kalangan mo munang daanan ang mga mahihirap na pag eensayo at maniwala sa sarili.Bumungad sa pintuan ang isang imahe ng babae, kahit na hindi makita ang mukha nya dahil sa liwanag mula sa sikat ng araw ay napatahimik ang aking mga kaklase. Kanina ko pa ito hinihintay, ang tumahimik sila.
Tuluyan na siyang pumasok sa aming silid at unti unti ay nasilayan ko ang kanyang maamong mukha. Di ko kayang tumitig pa ng matagal sa kanya. Parangbako ay nawawala sa sarili wisyo o kaya ay parang hinihigop niya ang aking isipan. Agad kong inilayo ang aking paningin sa kanya tila nauungkat niya ang nilalaman ng aking nakaraan.
"Pardon me, everyone. Nagkaroon ng biglaang meeting sa office kaya umalis ako sa faculty room at dumaretso doon sa halip na dito." Ang kanyang boses na para bang nagsasalaysay dahilan para makinig ang lahat sa amin. Iniiwasan ko pa rin ang ang mga titig niya.
Tahimik ang lahat at nawala ang galit ng iilan dahil sa delay na delay ang pagdating ni Ms."Ako nga pala si Ms. Carla Torre" natigil siya at ilang segundo ang lumipas matapos mabasag ang katahimikan sa pamamagitan ng mga bulong bulongan. "Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Carla, bumagay sa kanyang maamong mukha" bulong ng isang lalaki sa may bandang likuran sa kanyang mga kalapit.
"Ako nga pala ang inyong homeroom teacher ngayong taon at ako rin ang guro nyo sa History Class." Pagpapatuloy ni Ms. Carla, balik na naman sila sa pagiging tahimik tila maamong tupa na nakikinig o sumusunod sa kanilang amo.
***
Introduction pa lamang ang itinuro ni Ms. Carla kanina sa History. Nagbotohan na rin kung sino ang magiging pasimuno o presidente para sa buong taon.
Nagpakilala lang kami kanina gamit ang pangalan sa kanya at sa isa't isa. Yun lang, pangalan lang at wala na. Ang weird masyado, pangalan lang pag introduce sa sarli namin. Usually kasi sinasabi pa kungsaan ka nakatira, ilang taon ka na, may motto in life pa yung iilan. Gaya ng napapanood ko sa anime na school yung genre.
Ang alam lang namin o ng bawat isa sa amin ay mga pangalan maliban na lamang sa ibang naging magkakakilala na gaya ng pitong lalaki at yung mga grupo kanina habang wala pa si Ms.
Wala namang nagyaring kakaiba sa ngayon. Normal ang daloy ng lahat. Tila may sinusundang pattern ang bawat isa o ang world line. Nakatadhana ang mga dapat mangyari kaya wala dapat akong ikabahala, dahil may kanya kanya kaming patutunguhan at anong pake ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Affiliation
Mystery / ThrillerLet's find out how Demea will find her comrades/allies to stop the regime of the city Imper.