Prologue: The White Room's Visitor

28 2 0
                                    

"NO MATTER how many times you tell me this story, I can't see the sense of your lies." Napanganga na lang ako. Bakit ba pinipilit ko pa silang paniwalain? Hindi na dapat ako umaasa pa na maniniwala sila. Pero iniisip ko kasing ina ko ang taong ito, na balang araw maniniwala rin siya dahil kadugo niya ako--hindi parin pala. I give up.

"Tingin nyo ho talaga nagsisinungaling ako?" Mahinahon kong tugon sa babaeng kaharap ko ngayon na napapahawak na sa kanyang sintido marahil dahil sa stress na dulot ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng diretso at saka bumuntong hininga.

"I'm really sorry, Chase." Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa mesa. "Mas mabuti naring nandito ka para hindi ka masaktan sa labas dahil sa mga--" Hindi na niya naituloy ang mga dapat pa niyang sabihin dahil biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa kanyang bag. Tila importanteng tao ang tumawag sa kanya dahil may concern sa mga mata niya nang makita niya ang screen. Tumayo siya kaagad.

"I'm sorry, son. I have to go." Sabi ni mama at dirediretso nang umalis. Pinagmamasdan ko lang habang naglalakad siya palayo. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay hinayaan kong sumandal ang aking likuran sa sandalan ng upuan. Bumuntong hininga ako at saka pumikit.

Alam ko naman na napakahirap paniwalaan ang mga nangyari. Bakit ba kasi umaasa parin akong may maniniwala sa akin? Iyong mga taong inaasahan kong magpapatunay na totoo ang lahat ni minsan hindi man lang ako dinalaw. Dumilat akong muli at muling bumuntong hininga.

"Mr. Gonzales," nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko, "kailangan niyo nang bumalik sa kwarto niyo." Bumuntong hininga akong muli bago ako tumayo. Pinagmasdan ko muna ang buong waiting room. Ako lang pala ang may bisita ngayon.

"Mr. Gonzales?" Ani ng babaeng na-assign para bantayan ako. Hindi pa ganoon katanda ang itsura niya pero masasabi kong nasa mid 30's na siya. Nandito na rin siya mula ng ipinasok ako rito.

"Susunod ho ako." Tugon ko na lang at saka ngumiti na sinuklian rin naman niya. Gaya nga ng sinabi ko ay sinundan ko siya. Maingat siyang maglakad at walang ingay ang bawat yapak niya. Tuwing may kakalabog sa mga pintuang bakal ng bawat quarantine ay lilinga-linga siya habang ako naman ay nasanay na at hindi na nagugulat o naiistorbo sa ingay nila. Matagal na ang babaeng ito rito kaya tingin ko'y instinct na lang ang paglinga niya tuwing may ingay sa napakatahimik na pasilyong dinaraanan namin ngayon.

Nang marating namin ang harapan ng kwarto ko, nagsimula nang pumindot sa keypad ang babae. Nawalan na ako ng interes para silipin pa ang passcode. Ano pang silbi non? Sarili ko ngang ina hindi ako pinaniniwalaan eh. Wala na ring kwenta kung tatakas pa ako. Nang mabuksan na niya ang pinto ay kaagad akong pumasok sa loob at umupo sa kama ko.

"Alam mo, hijo, parang wala ka namang sakit sa pag-iisip." Biglang nagsalita ang babae na siya namang nakakuha ng aking atensyon. "Kaya nagtataka ako kung bakit nandito ka." Mahina lang ang pagkakasabi niya. Natuwa naman ako dahil iba ang naiisip niya sa akin. Pero iyon siguro ay dahil hindi pa niya alam ang kwento ko kaya mukha akong matino. Hindi naman kasi ako nagwawala gaya ng ibang mga pasyente. Nginitian ko na lamang siya.

"O siya sige. Ihahatid ko na lang ang pagkain mo mamaya." Sabi niya at nag-iwan ng matamis na ngiti bago niya tuluyang isinara ang pinto. Naiwan akong nakatunganga parin sa bakal na pintuan, iniisip kung darating man lang ba ang araw na may dadalaw sakin na maniniwala na sa mga sasabihin ko. Napabuntung hininga na lang ako.

Humiga na muna ako at napagpasyang matulog. Unti-unti na akong niyayakap ng antok nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Maingay ang tunog na nilikha nito kaya naman dalidaling nawala ang antok ko. Umupo kaagad ako at pinagmasdan ang taong nasa pintuan. Yung babae ulit, pero ngayon...

May tao na sa likod niya. Kahinahinala siya kung titingnan dahil sa suot niya. Naka-itim na sumbrero, itim na mask, itim na jagger at long sleeves, kahit ang sapatos niya ay itim rin at pati na rin ang salamin niya. Maaari ko nang isipin na si Kamatayan ang taong ito eh kahit hindi naman ako naniniwala sa ganoong elemento.

"Hi-hinahanap ka ng taong ito. May permit siya para makausap ka ng pribado." Ani ng babae. Halata sa mukha niya ang pagdududa sa lalaking kasama niya. Nginitian ko siya at tumango. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa bago tuluyang pumasok ang lalaki. Nang isasara na niya ang pintuan ay nakita ko sa mata niya ang pag-aalala para sa akin.

Nakapagtataka dahil kahit kaming dalawa na lang ng lalaking ito sa loob ng kwarto ko ay walang tensyon na namumuo sa amin. Siguro sa akin lang dahil napag-aralan ka nang maging kalmado simula ng mapunta ako rito.

"Baka gusto mong umupo?" Tanong ko sa kanya dahil kanina pa siya nakatayo doon simula ng maisara ang pinto. Umupo siya sa kabilang panig ng higaan.

"Sino ka?" Nagsimula akong magtanong muli. "Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ko dinalaw?" Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Para talaga siyang sugo ng kadiliman. Siya lang kasi ang nakaitim dito. Biro mo lahat ng gamit rito sa loob ng kwarto ko at kahit mga damit ko puti, siya lang talaga ang all black.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng mahina. "Actually, imposibleng hindi mo ako kilala eh." Tugon niya. Parang narinig ko na ang boses niya dati pa. Pamilyar eh. Nagsimula siyang magtanggal ng mga kagamitan na nakakatakip sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang ginagawa niya iyon. Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil medyo nakatalikod siya sakin.

"Sigurado akong kilala mo ako." Tinanggal na niya ang sumbrero niya at dahan-dahang humarap sa akin. Teka...

"Tama ba, Chase?" Ani ng pamilyar na mukhang ito. "Ako lang naman ang taong nailigtas ng 'kabaliwan' mo, ika nga."

Diary Of TimeWhere stories live. Discover now