Chapter 2: Odyssey: The new perishing road

18 1 0
                                    

(A/N: May mga lugar na mababanggit ritong nag-eexist talaga. Gayunpaman, ginagamit ko lang ito para naman alam na alam ko ang settings. Ang mga pangyayaring nagaganap rito ay kathang isip lamang.)
******

HINDI KO inakalang napakalayo pala ng school ko. Bukod sa aabot ito ng lagpas sampung kilometro mula sa subdivision na tinitirhan namin, pa-probinsya pa ang dating nito--ang layo sa kabihasnan.

Masaya naman ang biyahe. Gaya rin ng inaasahan ay nawala na ang interes ko sa pinoproblema ko kanina. Naglaro na lang ako sa cellphone ko buong oras samantalang si mama, hayun at nagbabasa pa rin ng libro, bagay na ikinatutuwa ko't di ko namana. Matatapos ko na sana ang level 80 ng nilalaro ko nang biglang umakyat ang sasakyan. Sumilip ako sa bintana at napansin ang dalawang building na may mga 'Y' bilang mga poste sa second floor. May nakita rin akong covered court. Ito na ba ang school ko? Parang wala namang tao.

"Game over." Nabigla ako ng magsalita ang cellphone. Talo na pala ako. Bihira lang mangyari 'yan kaya ayos lang, inuulit-ulit ko na lang naman ang game eh. Tumigil ang kotse sa harap ng isa pang daanan. Akala ko talaga diretso lang ang kalyeng tinatahak namin ngayon, hindi pala. Hinablot ko ang bag ko at saka lumabas ng sasakyan. Sumunod naman si mama.

Pagpasok ko sa--siguro naman ito na ang Ansci, napansin ko ang three-storey building na nasa kaliwa ko ngayon. Nasa kanan ko naman ang one-storey building at tanaw ko ang isang two-storey building. Mayroon pang ginagawang isa na malapit doon.

Mapuno rin dito at di hamak na mas malawak ito kung ikukumpara sa MariSci. Kung tama ako, apat na taon pa lang na nag-eexist ang school na 'to at dahil malawak ang lugar, inaasahan kong madami pang ipapatayong istruktura rito. Pansin ko rin na may mga tirahan dito. Marahil para sa mga construction worker.

Kinalabit ako ni mama, dahilan para maputol ang obserbasyon ko. Dumiretso siya ng lakad papunta sa one-storey building at sinundan ko naman siya. Pumasok kami sa isang room na nasa gitna nito at dito namin na-meet ang TIC raw ng Ansci. Kinausap niya si mama at nagtanong ng ilang mga bagay sa akin. Ito pala ang dahilan kung bakit binigyan ako ng test sa school. Para pala iyon sa paglipat ko rito. Akala ko may kung anong programa akong papasukan, iyon na pala ang daan sa panibagong journey ng highschool life ko.

******

Sa wakas, natapos na ang usapan. Napagdesisyunan na rin pala kung anong section ko. Leibniz daw. Sinamahan ako ni Ma'am Danmal na TIC ng school sa room ko.

Nang makita ko na ang magiging mga kaklase ko, haluhalo ang naramdaman ko.

Kinakabahan ba ako? Oo. May pake ba ako sa kanila? Wala. Hindi ko naman kilala ang mga taong ito. At saka magsasama-sama lang naman kami sa loob ng ilang buwan, hindi ko kailangan na makihalubilo palagi sa kanila. Kinakabahan ako para sa sarili ko dahil panibagong environment na naman. Kailangan ko na namang mag-adjust.

Nilapitan ng teacher na nagtuturo si ma'am Danmal at nag-usap sila ng tungkol marahil sa akin na isang transfer student. Tinawag ako ni ma'am kasabay ng pagturo niya sa daraanan ko. Nang makapasok na ako sa loob ay umalis na siya kaagad.

"Okay, class," sabi ng teacher na lalaki, "aba, bigla kayong tumahimik ah."

May mga narinig akong nagsabi ng 'eh kasi sir,' at kung anu-ano pa. May mga nakikita rin akong tititig sa akin sabay makipag-dadaldalan sa katabi para sabihin ang salitang 'oppa' na may kasama pang pagdikit ng mga hintuturo sa hinlalaki nila.

"Class. Class, sshhhh." Ani ng guro na halatang medyo nahihirapan sa pagpapatahimik sa kanila, "Ay, grabe na 'yan. Sobra na. Hayaan muna nating magsalita yung bago niyong kaklase." Pagkasabing-pagkasabi niya non ay parang alon sila na humampas sa dalampasigan at naglaho ang inga. Nalipat nang lahat ang atensyon nila sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary Of TimeWhere stories live. Discover now