two * groupings?

1.7K 22 4
                                    

Nakita ko ang tinext nya...

 "Jan-jan! Punta ka dito sa canteen. :* -Gabby"

Si Janine, ang bestfriend ko...



Baket ganon? Nagseselos ako pati sa bestfriend ko *sigh* Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon. Pati sa bestfriend ko, nagseselos ako.. Pero, baket hindi mo masabi sakanya? :( Anong pwde kong gawin? *one huge sigh for them* 

"WAAAAAAAAAAAAH!"

Aray  *tears* *tears* *tears*



Huhuhu. :'( Natumba nanaman ako. Nakabungguan ko pala si Jake. Ayun, tinayo nya ako. Tapos binalik nya na saken yung  wallet ko. Tapos naglakad na kami pabalik sa room. Natahimik ako.

"Uy Alex."

"Hmm?"

"Bakit ang tahimik mo?"

"Ah-eh. Wala"

"Nakita mo nanaman si Gabby at si Janine kaya ka ganyan noh?"

Okay. Hindi ko lang siya basta-bastang classmate. Bestfriend ko 'tong si Jake. Dalawa lang kase sila... Si Jake at si Janine. Alam ni Jake lahat ng secrets ko. Pero si Janine, yung iba lang. Naniniwala kase ako na mas mapagkakatiwalaan mo ang lalaki mong bestfriend kesa sa babae. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ako ganon.

"Mind reader ka rin noh? *sigh*"

"Sus, yan na nanaman eh! Ayokong ganyan ang bestfriend ko, diba? Gusto ko lagi kang nakaSMIIIIIILE!"

Tapos kinorte nya yung bibig ko ng smile. Napangiti naman ako dun. Hahaha. Siya lang kase yung nagpapangiti saken ever. Siya yung laging nanjan pag may problema kami ni Janine. Siya yung nagcocomfort saken pag may love problems ako... etc

Andito na kami ngayon sa room. Katabi ko ulet si Jace. Then, nagklase na ulet. Ayon, nganga ako sa klase. Tapos....

"Ms. Alviz!"

"hmmmmmm.."

"Ms. Alviz!!"

Nakatulog pala ako! Hala. Nakakahiya naman!!! 

"Oh, sorry ma'am"

"Tumayo ka na jan at mag-uusap na ang bawat group"

May groupings kase, eh hindi ako nakikinig kase, nakatulog kase ako. Then, pumunta na ako sa group ko. Kagroup ko si Seatmate (Jace) at si... GABBY! *Blush. Blush. Blush.* After mag-usap usap, ako ang naassign na bibili ng mga gamit para sa report.

"Jace"

"Yes, alex?"

"Pwde mo ba akong samahan mamaya sa bookstore mamaya?"

"Uhm, anjan naman si Janine ah?"

"Ah-eh, baka busy kase siya eh"

Biglang may sumingit...

"Ako, pwde ako mamaya"


Lubdub. Lubdub.

Lubdub. Lubdub.

Lubdub. Lubdub.




Eto nanaman siya.

"Ah - Ha?"

"Sabi ko, pwde ako mamaya. Sasamahan kita."

"Ah. Hahaha. Wala yun. Joke lang yun. Trip ko lang yun. Wala yon, ge."

"Anong wala? Eh sinabi mo na kanina eh."

Boom, wala na akong lusot neto. Papayag ba ako? Papasamahin ko ba siya? Magpapasama ba ako? WAAH. Naguguluhan ako. Magpaparaya nalang ba ako para sa bestfriend ko o magpapakasaya muna ako baka ang iba? ANONG GAGAWIN KO?! Ako na praning.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello Readers c: Thank you sa inyo. Basa-basa lang! :) Thanks ulet :*

Sorry, waley 'tong update na 'to. Hahahaha.

READ. COMMENT. VOTE.


-Bj :*

Bestfriend or Boyfriend? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon