seven * move on.

1.4K 17 4
                                    

NANDITO SI MOMMY?! Kelan pa sila dumating? Walang pasabi?

Kinausap ko si Yaya Pearls.

"Ya, kelan pa dumating sila mommy?"

"Kanina lang po..."

"Ha? Bakit hindi mo sinabi saken?"

"Eh, Alex.. Hindi rin nila sinabi sa amin eh."

Doon naputol ang pag-uusap namin. Nasa dining table na kami at parating na sila mommy. Mukhang may problema sila..  Pag dumadating kase sila, nagpapasabi; naghahanda kami ng food; dumadating yung buong pamilya namin; etc.

"Hi Mommy..."

Matamlay kong sabi tapos i hugged and kissed them. Tapos sila...

"Hi Baby."

They said. Bakit ganon? Wala sa mood? Hay, pagod lang yan.

"Mommy, Daddy. Nandun na po sa dining area si Jake. Nakahanda na po ang pagkain. Kain na po tayo."

"Alex. Tulungan mo sila Yaya Pearls sa pag-aakyat ng gamit namin ng daddy mo."

"Sige Ma."

Inakyat na namin. Bakit ganito?!?!?! Nakakainis ha, sabihin nila kung may problema. Wag yung ganito. Muka akong tangang nanghuhula kung ano ang problema. Nako, mag-aaway na 'to mamaya.

Pagkatapos namin umakyat. Kumain na kami sa Dining Area. Walang nagsasalita. Lahat kumakain lang... Sa kalagitnaan ng pagkain namin, hinila ko na si Jake papuntang garden. Hindi nila kami pinansin. Tumingin lang sila pero, wala parin. Walang imik. Nung nakarating na kami ni Jake sa garden...

"Jake. May sinabi ba sa'yo sila Mommy nung inakyat ko yung gamit nila?"

"Ang totoo kase nyan Alex --- "

"Ano? Sabihin mo."

"Sabi ni TIta --- "

"Alex, Jake. Pumasok kayo"

Biglang narinig namin si Mommy. Ambagal kase magsalita ni Jake eh! Kaynis. Ayun, pumasok na kami sa loob ng bahay. Ano kayang mangyayari?

"Alex. Chill. Wag kang kabahan."

Jake told me. Om, mamamatay ako neto sa nerbyos eh. Umupo na kami sa sala.

"Alex. Dito na titira si Janine."

Ah... HA?!?!?!?! ANO?! BAKIT? ANONG MERON?! Paano nila nalaman? Kaya ba sila umuwi?

"Ha? Mommy, okay ka lang? May bahay naman sila ah? Ang yaman yaman nila, bat dito siya titira?"

"Nalaman ko kase ang pag-aaway nyong tatlo."

"Mom - Tita"

Sabay naming sabi namin ni Jake. Hay.

"Mamaya, pupunta na siya dito."

"......"

Speechless kami ni Jake.

(a/n: wala lang talaga akong maisip na sasabihin nila. haha. sorry readers.)

"Saan siya matutulog? Sa kwarto ko ba?"

"Oo. Magpapalagay ako ng dalawa pang kama sa kwarto mo."

"Dalawa?"

"Si Jake, dito na rin matutulog. Dahil gabi na. Sinabi ko na 'to sa parents mo kaya wag ka na mag-alala, pumayag na dn sila."

"Sige po, tita."

Baka pagtulungan lang namin ni Jake 'tong si Janine. Hahaha, ang sama naman. Bestfriend ko parin siya kahit papaano.

Bestfriend or Boyfriend? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon