Manananggal encounter (one shot)

240 7 5
                                    

(True story)

Laki akong maynila kaya hndi ako naniniwala sa mga Aswang, Manananggal , Engkanto and other Entities kaya d ko malilimutan ung experience ko sa bhay ng tita kong buntis nun.

Bakasyon non nung magpasya akong sumama sa tito ko (Kapatid ng tita kong buntis) na magpunta sa probinsya (ayoko na banggitin kase ayaw ko naman siraan probinsya ng mama ko) uuwi kase c tito para sa pamilya nya at dahil fiesta rin ng bayan .

Masaya, Makulay at talaang nakakatuwa ang fiesta sa bayan.

Hindi ko aakalain na dun sa masasayang mga taga bayan ay may isang aswang na nakatago.

Mga ilang araw na rin akong nasa probinsya nang mangyari ang insidente na d nagpatulog saken.

Isang palapag lang ung bahay ng tita ko malaki naman ito kahet kanya kanya kame ng kwarto ay divider na plywood lng ang pagitan ng bawat isa yung kita ung kisame(bubong na agad) ng kabilang kwarto ni tita (gets nyo?)

Isang Gabi ang tao lang sa bahay ay c tita , pamangkin ko na 5yrs old c tito (isang kapatid ni tita) at ako .9pm pa lang nasa kwarto na ko kase wala talagang magagawa .madilim na kalye walang tao , wala nang mapapanuod sa t.v. kaya't napagpasyahan kong mag music at magtext. hindi ko namalayan ang oras at inabot na ko ng 1am .

Natulog na ko at dahil madalas ako naaalimpungatan dun nagising ako ng 2am gising pa din ang katext ko kaya't nagtext uli ako maya maya may Biglang may malakas hangin at parang lipad ng malaking ibon ang naririnig ko nung una hinayaan ko na lang . wala pa sa isip ko kung anu ba tlga un kaya tuloy sa text lang . maya maya may kung anung ingay ang lumapag sa bubong nagTikTikTik at nagkukutkot ng bubong . aaminin ko natakot na ko nun kaya nagtulakbong na ako ng kumot . Saka pumasok sa isip ko na buntis pala c tita at baka aswang yun dahil to see is to believe ako lumabas ako para tignan kung meron ngang aswang napadilat ang mata ko sa takot nang may pakpak na malaki akong nakita sa bubong pumasok agad ako sa baha. tinignan ko ung kisama nila tita at nagulat ako kase may mahabang linya na bumaba (which is dila ata yun)

Nagpanic ako pinagbubuksan ko lahat ng ilaw sa bahay at dumiretso sa kwarto ni tita pagpasok ko paangat na ung dila niya ginising ko c tita pati na din c tito.

inaya ko c tito na lumabas at magdala ng baril at itak kahit takang taka sumama pa rin siya.

pagkalabas namen wala na ang aswang .hangin at parang lipad ng kalapati na lang naririnig namen.

dahil sa takot ko Saka lang ako nakapagkwento kila tita at tito pagkapasok sa bahay .

Hindi sila naniniwala at sinasabing mga dahon ng puno lang ung ingay ng kutkot .pero alam kong natakot c tita kaya tnwagan nya ung asawa nya kinabukasan umuwi ung asawa ni tita na sundalo .

naikwento ko sa asawa ni tita ang nangyari natawa din siya pero nagpasalamat saken .

Tinawagan ko c mama at pumayag na siyang umuwi na ko .dahil tapos na din naman ang fiesta at alam kong mggng okay na c tita kc madami nang tao sa bhay nila di ko na dn kaya matulog mag isa pa dun.

maayos namang naipagbuntis ni tita ung pamangkin ko .

to see is to believe and now i believe;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manananggal encounter (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon