PARANOIA chap. 17

34 0 1
                                    

Chapter 17

Keena's POV

-Flashback-

'Tsk. Naiwan ko yung libro ko sa locker! Anubayan!'

Naglalakad ako ngayon pabalik ng school, wala kaming practice ngayon eh, so maaga-aga akong lumayas. Papalapit na ako sa locker ko nang nakita ko si Jaz at Sean. Mukhang pareho silang masaya. Ayoko silang istorbohin kaya hindi ako nagpakita sa kanila.

'Ay! Yung libro!'

Anubayan muntikan ko pa malimutan!

-9:00 pm-

"Ako na po bahala, dad. Opo, wag po kayong mag-alala kaya ko po 'to. Sige po, bye."

Kausap ko ang tatay ko, mukhang nalimutan niya na friday pala ngayon. At tuwing friday, dapat maayos ang club namin, kasama na dun ang mga paperworks na kukunin ko. Ewan ko kung pano yun napunta dun, office works ni papa yun.

Ayaw niya sana ako papuntahin dun, syempre club yun eh. Tapos friday pa, maraming tao kasi tuwing, friday laging may mga gigs dun. Marami ang gusto mag-gig dun sa club namin kasi sikat at kapag sinwerte ka ng 

audience, baka may mag-alok sayo ng record label.

-sa club-

Ugh. Ayoko talaga ng pumupunta dito. Ang daming taaooooo. Dapat dito sila Rynn eh. Oo, kahit baby namin yun, party animal yun.

Nakita ko ang mga tao; enjoy na enjoy sa pagsasayaw. Inaayos na din ang stage para dun sa mga magpe-perform.

Hindi ko kayang tumambay dito, pakiramdam ko sinasakal ako. Agad akong dumeretso sa office at kinuha ang mga papeles ng tatay ko.

Nang pagkalabas ko, hindi na nagsasayawan ang mga tao. Lahat sila nakatutok sa stage. Mukhang inaabangan talaga nila ang bandang 'to ah.

Kahit gaano ko man kaayaw sa lugar na ito, mananatili muna ako ng ilang saglit para panoorin ang bandang 'to. Sumiksik ako sa gitna ng mga audience para makakuha ng magandang view. Nawala na din ang pop music at pinatay bigla ang mga ilaw at nag-sigawan at palakpakan ang mga tao

Ang dilim..

"HANDA NA BA KAYOOO?!!" Sabi nung medyo pamilyar na boses sa gitna ng madilim sa club na puro laser lights lang ang liwanag makikita mo.

"YEEEAAAH!!!" Sigaw ng mga tao.

"This song is called, Scandal Baby." Sabi uli nung boses at nagsigawan ang mga tao na para bang naging concert 'to imbis na club.

Maya maya pa ay narinig ko na ang gitara..

..pumasok bigla ang drums.

..at pagkatapos bass.

"Let's go!" Sigaw ng vocalist.

-lights on-

[guitar solo]

"There is no choice but to do it

I tried to say with my mouth

Although my small thoughts

Well, they won't change the world

Perhaps every day isn't only fun things

But still I want to have a smiling face

I believed that myself"

Nagsimula na silang tumugtog at nagsigawan na ang mga tao. Hindi ko makita ng maayos ang mga mukha nila, against the light kasi. Pero parang nakita ko kanina si Vincent. Oh, namalik mata lang ata ako? 'Bat naman siya mapupunta dito?

PARANOIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon