Chapter 12

497 12 5
                                    

(click niyo yung VOTE kakanta si Bree ng Twinkle Twinkle :))))

Myrtle:

after lunch

History ang subject namin ngayon, mahilig akong mag-aral pero inaantok talaga ako sa subject ngayon.

Halos lahat kami mga nakatunganga kay Sir Lauren.

Itong si Alec na active hikab ang hikab.

May kumuhit sa akin,

si Tyra. . . .

"hoy bakla kaya mo pa ba?" pabulong niyang aya sa akin.

Umiling ako, hindi ko na kaya antok na ako.

"tara labas tayo." aya niya sa akin.

Humarap sa amin si Jai,

" bakla ang B.I. mo naman kay beyb."

kumunot ng noo si Tyra

"bakit ikaw, enjoy mo?" ang taray niya no?

"hindi, kung pede lang kainin na ako ng lupa makaalis lang dito" Jai

"aba kung nakakamatay ang boredom, baka kanina pa nanghihingi ng abuloy ang lola ko." hahaha, napatawa ako dun ah. Nagtawanan din sila.

Nakakatawa talaga siyang mag-deliver ng line.

"Psst!! quiet!!" saway sa amin ni Sir.

Napalakas yata ang tawanan namin.

Tumayo na ako at nagpaalam kay sir na magsi CR lang. Totoo naman maiihi na ako.

Tumakbo ako papunta sa CR.

Nasa cubicle pa lang ako narinig ko na kaagad ang tawa ni Tyra.

Lumabas na ako ng cubicle, nagreretouch sila (Tyra, Jai at Joj).

"bakit kayo nadito?" tanong ko sa kanila.

"bakit bawal kami dito? Pag-aari mo? Nakaregister na so'yo? May pangalan mo? Nasan ang sedula?" tyra.

aww, bakit ba nagtanong pa ako. Hindi pa nga ako nakakabangon sa unang banat niya may kasunod na kaagad.

T____T

"nganga na lang bakla? tara sa foodcourt" aya ni Tyra.

"may klase pa tayo ah" sabi ko sa kanya.

"oo nga, lalafang lang tayo. Kinakain na ng Large intestine ko si Small intestine eh." tyra.

Blink Of An Eye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon