Chapter 21

350 8 10
                                    

Nakahiga ako sa kama ngayon, hindi ako makaget-over sa pinag gagagawa ni Kit sa akin. Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang electricity ng kilig mula kanina.

Pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya, ano kaya yun? Hmmm, ahh basta ang mahalaga masaya ako, masaya siya, gwapo siya HAHAHA masaya kami.

Namimiss ko na siya kaagad. Ganito ba talaga ang feeling pag-inlove? kakakita niyo pa lang miss mo na kaagad??

---

"MMYYYRRRTTTTEEEELLLLL!!!! gumising ka, nandito ang love of your life mo" nawindang naman ang buong pagkatao ko sa sigaw ng Mommy ko. Lagi na lang nakasigaw. >.<

Napalakad-takbo naman ako dahil ayaw kong pag-intayin si Kit ng buhay ko.

Pagkababa ko ng bahay, ngiti kaagad niya ang nakita which refreshes my soul. Ang sarap sa pakiramdam na mukha ng taong mahal mo ang makikita mo, buo na agad ang araw ko.

"Baby, kumain ka na ba ng breakfast?" tanong ni mommy kay Kit.

Umiling lang siya "hindi pa po, balak ko nga po na dito na kumain ng breakfast" napangiti naman ako kasi feel at home na siya sa bahay namin. Kaloka pero I love it.

"hala sige, sumabay ka na pagkain namin." humarap sa akin si Mommy "at ikaw babae ka, maligo ka na habang nagluluto ako, nung kabataan ko hindi ako haharap sa lalaki ng hindi ligo" Mommy talaga, nagpout ako ng lips then tumawa ng mahina si Kit.

Padabog akong pumasok sa C.R. arte ko lang HAHAHA.

napatingin sa akin si Kit. "wag mong intindihin iyan, arte lang yan HIHIHI" bumulong pa si Mommy eh narinig ko naman. Tumawa ulit ng mahina si Kit.

Ang cute lang kasi parang ang tagal na nilang magkakilala ng mommy ko.

Pagkatapos kong maligo nakita kong tinutulungan ni Kit si Mommy sa pag-aayos ng plato at pagkain sa lamesa. Napangiti naman ako sa akit ko ang bait talaga ni Kit ang sweet niya. Nagmadali ako sa pagbibihis. Pagbaba ko ng hagdan, nakaupo na sina Mommy at Kit. Tumabi ako sa kanya at kumain na kami.

Never ko talaga inimagine ang sarili ko na magiging ganito kainlove. Ang priority ko kasi ay pag-aaral at hindi, hindi talaga pumasok sa isipan ko ang pagbo-boyfriend.

Every weekends yayayain niya akong gumala, pero pag may assignment or project kami magstay na lang siya sa bahay namin at magtutulungan kami sa gawain. Kahit walang occasion binibigyan niya ako ng flower, chocolates at kahit anong maisipan niya ibigay sa akin.

Sweet ba siya? oo, pero unpredictable mas lalo ko pa siyang nakilala, mabango siya pero hindi siya vain magaling lang talaga siyang magdala ng damit.

>>>after school<<<<

*beep*

[from BebKit : Hoy! magandang panget, I Miss You]

tae lang, nikikilig naman daw ako.

kakauwi pa lang namin miss na niya ako, agad- agad :">

[to BebKit: agad-agad?? ilang minuto palang tayong hindi nagkikita eh, pahinga ka na]

adik lang kasi...ang lakas ng trip. kakahatid lang niya sa akin eh

[from BebKit: ayaw gusto pa kita katext]

[to BebKit: pahinga na. pahinga muna ako :) kakapagod eh]

pagod naman talaga kasi ako, nakahiga na nga ako sa bed ah.

*tsu-tsurut-tsurut*

adi talaga nito tumawag pa. Inlove na inlove sa'kin ng todo, :">

"Yow?!" sagot ko sa tawag niya

["kakantahan kita"]

"talaga? sige ba" kakanta siya YEY, naexcite naman daw ako.

[" joke lang po, love you"]

tss, nakakaasar naman. Ang taas ng expectation ko eh tapos joke lang pala nakakayamot lang.

"ok, uhh" nakakayamot, asang-asa pa naman akong maririnig ko na naman siyang kumanta tapos joke lang pala >.<

["tampo na siya, wag ka na tampo miss ko lang boses mo"]

" hmm, papahinga na ako"

pinatay ko na yung tawag niya, arte ko lang HAHA

*tsu-tsurut-tsurut*

tumatawag na naman siya, syempre sasagutin ko. Matitiis ko ba naman yun? eh Beb ko yun haha

"oh?" kunyari nawala ako sa mood para lambingin niya ako haha >:D

["wag ka na magtampo, namiss ko lang talaga boses mo"] aww, ang sinscere ng boses niya nakakaasar kinikilig ako sa tono nung boses niya ang hinahon na ewan >////<

"kanta ka muna"

["sige, pero gusto ko duet tayo"]

wow naman nagrequest pa ng duet

"sige" medyo nagkaenergy ang boses ko

["ehem! ehem"]

kulit lang may paganun-ganun pang nalalaman

["twinkle, twinkle little star"]

"......" hindi ako nakapagsalita, seriously? twinkle twinkle ang kinakanta niya??

>////<

["HUY, ikaw na ang kakanta..."]

kung hindi ka lang si Kit, matagal ko nang binaba itong tawag

"......how I wonder what you are"

["ehem,.....up above the world so high"]

"like a diamond in the sky....."

["YEY, ang galing natin !!"]

parang bata ah HAHAHA

"bakit yun ba ag kinanta natin?"

["kasi favorite yun ni Bree"]

aww, ka-sweet na kuya ito. Sana naging kuya ko na lang siya, pero hindi eh boyfriend ko siya.

"ahh, sweet kuya"

["nakikinig kaya sa atin si Bree, siya nagrequest nung kanta eh"]

hala, hahah kaya pala yun eh.

"uhh, mana talaga sa'yo yan"

["eh mana lang naman ako sa'yo"]

"haha sige, pahinga na tayo. Antok na ako eh, love you po"

[" ingat ka ha? love you much much more po"]

OMG, nakakakilig lang >////< talaga naman magpapahinga na lang ako at papatayin yung phone papakiligin pa ako :"""">

*too too toot*

-------------------------------------------------------------------------------------

pashensha na kung walang masyadong kaganapan ang chapter na ire HAHAHA

^_____^V

Blink Of An Eye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon