CHAPTER 1 "he is back again"

5 0 0
                                    

AKI'S POV

Nandito ako ngayon sa school ng Valdimore University  dahil nag prapractice kami ng sayaw malapit na kasi ang anniversary ng school at ako ang representative ng section one na isa sa sasayaw kasama si amy para sa pageant kasali kasi siya  at heto kami ngayon nag preprepare para bukas.

May grupo akong binuo na sikat dito sa campus. Yun ang grupo naming sumasayaw habang kumakanta.

At ako rin ang ssg presedent ng school na ito. Madami ang takot sa aking studiyante dahil alam nilang wala akong kinatatakutang tao kahit teacher pa yan.

Bali apat kami at iyon ay sina

AMETHYST KIM-color Violette  hair.
:isang IT student

SHEENA CHEN- Color gray hair.
:Nursing student

SKY  CRAGE-Color blonde hair.
:accountant

KHYRA AKISHA ELESTINE PEREZ -Color sky blue hair.
:Criminology

Ako nga pala si Khyra Akisha  Elistine Perez 18 years old at may kapatid akong nag ngangalang KHYRO AKIRO ELIJA PEREZ 19 Years old siya. Nasa korea siya ngayon kasama ang mga magulang namin..

Di nila ako kasama dahil may hindi kami pagkakaintindihan.

May color coding kami at ang face ng group ay ako at ang rapper ay si amythist. Ang maknae ay si Sheena.dancer si sky

Sana makita ni kuya ang gagawin naming kanta. Kaya lang nandito ako sa philipinas at siya ay nasa korea.

Baka matagal pa siyang bumalik dito. Baka sa concert pa nila yun makapunta dito.

Kakanta na kami ngayon kakantahin namin yung kanta nila kuya na pretty woman.

At pagkatapos nun ay uuwi na kami. Baka sa bahay ko sila matutulog ngayon dahil yun ang plano nila para sa araw na to.

Kada araw may plano sila kung ano ang gagawin o saan matutulog, kakain, at papasyal.

"Aki, san tayo bibili ng kakainin natin? "nagtatanong nanaman tong si sky.

"Hindi na madami na naman akong pinamiling pagkain sa bahay tsaka mag movie marathon nalang tayo." sabi ko para naman hindi na  nila ako kulitin.

Fast forward ....🍄🍄🍄

Naghahanda na ako ng makakain namin habang yung mga kasama ko ay nasa kuwarto ko na alas sais na ng gabi at excited na silang manood ng Anabelle yun daw ang gusto nilang panoorin e.

Habang papaakyat na ako ng hagdan ng biglang tumunog yung doorbell.

"wait for a second." sigaw ko at inuna ng ilagay ang  mga pagkain sa kuwarto ko.

"guys hintayin niyo ako ah may tao kasi sa labas titignan ko lang" sabi ko at tsaka lumabas ng kuwarto.

"aaaaaaaaaahhhh" oh here we go again ang ingay talaga nila.

Binuksan ko agad ang pintuan at.......

Akala ko ba mag tatagal siya sa korea?  Akala ko ba hindi pa siya uuwi?

"hayst. Bat ang ingay sa taas? May kasama ka? " agad na tanong ni kuya.

Tumingin ako sa likod niya at nakita ang lima na lalaking nakangiti at isang naksimangot . Sila Kevin Santos, kyle Torres, John Gray, Blake Rigor, Kurt Labasan ang nakangiti at si DREXI VALDIMORE  na nakasimangot

 Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon