Childhood Love [ short story ]

192 10 0
                                    

Note:

Naisip ko lang po gumawa ng short story. Sana po ay magustuhan niyo. =D

READ, VOTE and COMMENT din po kayo. ^o^  Salamat! :*

-------------------------------------------------------------------------

Naniniwala ka ba sa sinasabi nilang LOVE AT FIRST SIGHT?

Marahil ang iba sa inyo ay OO at iba naman sa inyo ay HINDI . .

Sa bagay, iba-iba naman kasi ang mga pananaw natin pagdating sa LOVE.

Pero ako, naniniwala ako sa LOVE AT FIRST SIGHT . . .

Ewan ko ba at bakit nasabi ko yun, pero ang alam ko yun ang naramdaman ko.

Ako nga pala si John Nick Flores. Nick ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko at ganun din sa family namin. Siya nga pala, kaya ko nasabing naniniwala ako sa " LOVE AT FIRST SIGHT "  dahil 8 years ago meron akong nakikilala na batang babae sa park. Mahilig kasi akong magbike kaya sa park ako laging pumupunta.

Habang nagba-bike kasi ako, may nakita akong isang batang babae. Hmm, maganda, cute, maputi at sa tingin ko mahilig din syang magbike tulad ko. May bike kasi siyang dala-dala eh. :))

Simula nung araw na nakita ko siya, hindi na siya kailan pa man nawala sa isipan ko. Lagi akong pumupunta sa park at nagbabasakaling makita ko siya. Di naman ako nabigo. Andun nga siya at nagba-bike.

Ewan ko ba, crush ko na ata siya eh .  hindi lang ata basta crush lang kundi na love at first sight na ata ako. >,<

Oo, alam kung bata pa ako at bawal pa ang love. Pero di ba nga sabi nila " ang taong walng crush ay abnormal " Syempre ayaw kong maging abnormal. ^_^

Gusto ko sanang lapitan at maging kaibigan si cute girl, kaya lang nahihiya ako. Baka kasi ayaw niya akong mging kaibigan.

Pero isang araw hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako.

Habang nagba-bike kasi ako di ko namalayan na may bato pa lang nakaharang. Ang tanga ko kasi eh kung saan-saan ako tumitingin, kaya yan tuloy napala ko. >_<

" Araaaay! Ang sakit! >.< "  Ang laki ng sugat ko at ang dami ring dugo.

Hindi ako makatayo dahil sa sobrang sakit. Maya-maya may tumali ng panyo sa tuhod ko at nung ini-angat ko yung ulo ko para tignan kung sino yun . . ..

.

.

.

.

.

.

.

.

..

.

O_____O

Talagang napa-speechless ako sa nakita ko. Yung puso ko nararamdaman ko na napaka-bilis ng tibok niya. >///<   Hindi ko aakalain na ang batang babae na lagi kung tinitignan at pinapngrap na sana man lang ay makilala ko ay nasa harapan ko ngayon.

Habang tinatali niya yung panyo sa tuhod ko, pakiramdam ko nagiging slow motion ang nasa paligid ko. Ewan ko ba pero yung puso ko daig pa kung nakikipagkarera sa kabayo. >_<

Nabalik ako sa katotohanan nung magsalita siya. .

" Oh, ayan wala ng dugo =) "  tapos nagsmile siya sa akin.

Childhood Love [ short story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon