[ This chapter is dedicated to my favorite Author. Sya ang dahilan kaya ako nahilig sa mga Fantasy Stories lalo na sa mga Obra nya, para kay Sir Idol Ai_Tenshi. I love you po, Sir Ai! 💕😘 ]
📖 Jian: The Book Bearer 📖
*****
New Classmates
*****
"Ang ganda ng sitting arrangement no? Nasa dulo tayo, walang nakakapansin.. pwedeng-pwede kong gawin ang mga gusto ko."=====••
'JIAN LOUIS MADRIGAL'
Halos buong maghapon akong di lumabas ng bahay kahapon. Matapos ko kasing umuwe nong gabing gumala kami ni Ellie ay nawalan na ako ng ganang gumala kaya nanatili na lang ako sa bahay at nanood na lang ako ng anime maghapon.
Tinanong nga rin ako ni Nanay kung kamusta ang naging lakad namin ni Ellie at kung saan kami pumunta pero di ko na sinabi yung nangyari, ang sinabi ko na lang ay nagpunta kami sa isang Party. Mas maaga lang akong umuwi dahil antok na ako.
Sa maghapong iyon ay pinuntahan naman ako ni Ellie at humingi ng sorry sa nangyari, syempre tinalakan ko muna bago ko sya pinatawad. Kweninto ko rin sa kanya yung buong nangyari doon sa Club at ang loka kinilig pa na ewan. Ang sabi nya nakakilala daw ako ng tatlong lalake sa isang gabi kaya ayon nabatukan nga.. umuwe syang may dugo sa ulo.
Matapos naming magkwentuhan ni Ellie ay naging ayos na rin ang pakiramdam ko dahil kahit papaano ay nakwento ko sa kanya ang nangyari at nakinig naman sya kahit na kung ano-anong kagagahan ang pumasok sa isip nya.
Ngayon nga ay magkasabay kaming naglalakad sa loob ng Campus, wala pa namang time kaya naggala-gala muna kami pero nang makaramdam na ako ng pagod ay sinabihan ko na sya na bumalik na kami sa room.
"Tara na kasi! Halos libutin na natin itong buong Campus, di ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya. Nag-aaya pa kasi syang pumunta sa Cafeteria eh sa pagod na talaga ako at hindi ko na kaya, mamaya lalakad na naman kami pabalik sa room baka gumapang na ako non.
"Eh!? Kasi naman hirap talaga kapag tumatanda na." kutos ang inabot nya kapalit ng sinabi nya.
"Pasmado yang bibig mo ah! Tara na kasi, pudpod na itong suwelas ng sapatos ko kalalakad!" sabi ko sa kanya.
"Oo na, Besh sige na! Pero mauna ka na, punta muna ako ng Cr. Babosh!" Paalam nya at di na ako hinitay pang magsalita, tinalikuran na ako kaagad. Bastos!
Nang maka-alis na sya ay nagsimula na akong bumalik sa classroom namin. Hayyss, tulad ng dati.. andyan parin yung mga dakilang tambay sa hallway. Tsk! Na-try nyo na ba yun? Yung everytime na dadaan kayo ng hallway may mga pampasikip na tambay.. kaloka diba! Tyaka makatingin pa ang iba, nakuu bahala sila!
Pagkarating sa Room ay naupo na ako kaagad, di ko na pinansin yung mga kaklase kong naghaharutan at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagma-massage ng binti ko. May napansin rin akong upuan sa likuran ko pero di ko na rin pinagtuonan ng pinansin, nong nakaraan pa yun eh.
Matapos e-massage ang binti ko ay inilabaa ko ang Phone ko sa bag para pinagpatuloy yung binabasa ko sa Wattpad.
Mga ilang sandali lang din ay dumating na si Ellie na humahangos ulit. Ano bang problema ng babaeng to? Tuwing papasok dito lagi nalang tumatakbo na akala mo hinahabol ng Tokhang!
BINABASA MO ANG
Jian: The Book Bearer (BxB)
Fantasy🌈 Rainbow Deck 🌈 📖 Bearer's Series I "The First Installment of Bearer Series.." ===ו×=== Si Jian Louis Madrigal. Isang simple at butihing anak, kwelang kaibigan at mahusay na estudyante. Lahat ay nasa ayos na hanggang sa... ...."Ikaw ang pi...