Chapter 1

91 3 0
                                    

~*~*~*~

"Wait for me, susunduin kita dyan!"

Pagka bukas na pagka bukas ko sa Iphone ko eh sumalubong kaagad saakin ang text na galing kay James. Atsaka si James lang naman ang bukod 'tanging naka phonebook sa phone ko. Paano kase, siya may pakana. Para daw siya lang ang bibigyan ko ng time na reply'an. Ang cheezy noh?

Hindi na ako nagreply at hinayaan nalang siya, paniguradong nagdadrive pa yun kaya di ko na siya iistorbohin. Bumaba na lamang ako sa sala at magpapaalam kanila mama at papa.

"Ma, Pa! Susunduin daw ako ni James, may pupuntahan kami. Pwede pa ba akong lumabas?"

"No!" Sagot ng tatlo kong kuya. And yep, ako lang ang nagiisang babae sa magkakapatid. Kasalukuyang nagba-barbell si Kuya Rayver. Nagxbox naman si Kuya Railey at nagbabasa naman ng libro si Kuya Ralf. Mga naka half naked sila at syempre asahan mo nang may mga abs. Kung hindi lang siguro nila ako kapatid eh kanina pa ako naghahalumpasay sa sobrang kilig.

"Kuya naman!" Pagmamaktol ko. Bakit sila pag may date pinapayagan? Bakit ako hindi? Besides wala namang mangyayaring masama. Haler hindi naman ako nagbebenta ng katawan.

"Pinagpaalam ka na samin ni James samin ng daddy mo. Pumayag naman kami besides its your 3rd Aniversary. Were so proud for the both of you dahil nagtagal kayo!" Sabi naman ni mama na kasalukuyan ngayong yakap yakap si daddy habang naka upo silang dalawa sa sofa. Kung wala siguro akong lovelife ngayon, panigurado bitter na bitter ako sakanilang dalawa ni daddy.

"Kuyaaaaa did you hear that? Bleee pinayagan ako ni mommy and daddy!"

"Tsss. Whatever!" Ayun nagsipag irap pa ang mga kuya ko. Hindi lang nangirap, nagwalk out pa ang mga loko. Hays! Ang hirap talaga pag may mga overprotective kuya's.

Beeep! Beeep! Beeep!

"Omg! Mommy , Daddy I gotta go. Magbibihis pa ako!"

Umakyat kaagad ako sa kwarto ko. Its my 3rd Aniversary with James at dapat talaga presentable ako . Ano kaya pwede kong suotin? Hmm? Red or white? Ano ba ang magandang suotin para maattract lalo sakin si James?

Knock knock knock

"Wait lang babe. Nagbibihis pa ako!" 

Pero di parin niya ako sinunod. Kase pumasok parin siya sa loob ng kwarto ko. Buti nalang talaga at nasuot ko na yung dress ko. Dibale yung zipper nalang sa likod ko yung di ko maisara, di ko kase abot eh.

"Ako na magsasara babe!" 

Hinayaan ko naman siyang isara yung zipper na yun sa likod ng dress ko. Unti unti niyang isinara iyon hanggang sa naramdaman kong hinalikan niya ang balikat ko.

"Happy 3rd Anniversary babe. I love you so much!"

"I love you too babe"

Its our 3rd Anniversary. Im so happy kasi tumagal kami. Ang dami na naming napagdaanan at nalagpasan at hanggang ngayon matatag parin kami. May mga nagsasabi na 'walang forever, magbebreak din kayo' may mga nagsasabi din na 3rd Anniversary na namin magbebreak na daw kami. Well,I dont care. Ganun naman talaga pag mahal mo ang tao diba? Wala ka nang paki elam sa mga sinasabi ng iba as long as alam mong mahal mo siya at mahal ka niya.

One Night Stand with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon