38. | Jane's

860 54 6
                                    

Uwian na namin ngayon at hanggang ngayon hinahanap ko parin si Cloud alam ko naman maliit siya kaya nga luging lugi ako kung nagtatago man siya. Charot! Gusto ko kasi bumawi kay Cloud / Sungwoon buti nalang may pupuntahan pa si Minhyun kaya ayun.

Kung saan saan ko siya hinahanap pero di ko naman siya mahanap. Hanggang sa pumunta nalang ako sa may gym ( basketball court ) baka kasi andoon siya eh. Dahan dahan naman ako pumasok at....nakita ko si Sungwoon / Cloud na kausap si JiSun...

“So...ano nang desisyon mo?” tanong ni JiSun kay Cloud. Desisyon? Ito ba yung dahilan kung bakit di niya ako kaya mahalin pabalik?

“Oo payag ako...”

“Talaga???? Salamat Cloud!!!!” tuwang-tuwa na sabi ni JiSun at agad niya niyakap si Cloud. Ewan ko pero...

Unti unti kong naramdaman ang pagiinit ng mata ko at ang pagtulo ng luha ko...

Hindi na kinaya ng nga mata ko na tignan sila kaya tinalikuran ko sila at tumakbo nalang ako palayo sa kanila habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko....

Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Ang sakit...ganun ko na ba talaga siya ka-mahal? Wala eh..Mahal parin ni Cloud ang ex niya.

a/n: bat nagiging madrama...

Cloud | Ha SungwoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon