"What's so funny?" Tanong sakin ni DJ. Jusmiyo anong sasagot ko dito?
"U-uhm. M-may kinekwento kasi ako sakanya! Oo tama! Natawa kasi siya sa kinwento ko! P-pasensya na!" Sagot ni Julia. Phew! Bago pa makasagot si DJ nagbell na bigla.
First time ko tong "Saved by the bell" kuno.
Tumalikod na si DJ at umalis kasama yung mga kaibigan niya.
"Ikaw talaga! Bat ka ba tumawa? Hay nako. Muntik ka na dun ha!" Tinulak ni Julia ng mahina yung noo ko. "Tara na nga."
On our way to our room, nakasalubong namin si Diego mukang may hinahanap kaya siguro hindi niya ko napansin.
"Diego!" Tawag ko sakanya. "Anong hina hanap mo?"
"Keychain ko. Yung kotse. Bigay pa naman sakin ni erpats yun!"
"Ah eto nga pala si-" Pagtingin ko kay Julia nakatulala ito kay Diego. Hahaha! Alam na this! "Ito si Julia. Classmate ko siya sa lahat ng subjects. Julia this is DIEGO, my bestfriend." Diniinan ko talaga yung Diego. If I know may gusto siya kay diegz.
"Hi." Nilahad ni Diego yung kamay niya at inabot yun ni Julia. Nang huhugutin na ni Diego ang kamay niya ay hindi parin ito binibitawan ni Julia. "Uh, Julia?"
"Yes?" Nakangiting sagot ni Julz.
"Okay ka lang?"
"Oo. Ikaw? Okay ka lang?"
"O-oo."
"Ah"
Tinignan ako ni Diego at parang sumenyas na tulungan ko daw siya. Nakakaloka. Hinila ko na si Julia papunta sa room namin. "Diego mamaya nalang!" Sigaw ko sakanya habang naglalakad.
"Ge!"
~
Classroom
"Nakakaloka. Uso pa pala ang love at first sight." Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan si Julia na parang kinikilig na nakangiti na ang lalim ng iniisip.
"Huy" Tawag ko sakanya.
"Oh?"
"Inlove ka kay Diego?"
"H-hindi noh! Inlove agad? Kahit ganito ako di naman ako liberated!" Liberated agad? Lokang to!
"Gwapo?"
"Hindi!"
"Love mo?"
"Hindi!"
"Crush mo?"
"Oo! Ay h-hindi noh! Asa. "
"Sus! Kaya pala nakangiti kalang kanina buong conversation niyo. May patulala epek ka pa. Hahahaha"
"Ewan ko sayo Kath!"
"Goodafternoon class! So since this is our first day, and ritwal na ng lahat ng schools yung pagpapakilala. And since this is a Humanities class meron akong painting dito. I-eexplain niyo in your own opinion the deep meaning of this painting. First year students lang ang mageexplain tutal nagawa na naman to ng mga 2nd year students last year. So, who's 1st year here?"
Itinaas ko ang kamay ko. Shocks. Ako lang first year? Nakakahiya.
"Oh. We only have one first year student here. Come here in front dear."
"S-sigurado kayo ma'am?
"Of course. Bakit naman hindi? There, stand here. Don't be nervous. Lahat sila dito napagdaanan na to. So here's the painting."
Tinanggal niya yung cloth na nakatakip sa painting. Tinignan kong mabuti ito.
It looks like a girl. Parang mannequin. Pero walang ilong, mata, bibig, tenga. May hawak siyang blade at hinihiwa niya ang lugar kung saan dapat nakalagay ang mata natin.
"Katotohanan..." Bulong ko sa sarili ko.
"Yes iha. What's with katotohanan?" Tanong ng prof ko. Tindi naman ng tenga neto. Narinig parin bulong ko.
"Buksan ang mata sa katotohanan kahit masakit. Wala siyang ilong, bibig, tenga, at mata. It says na ayaw niyang makita o marinig ang nangyayari, ayaw nyang makapagsalita dahil alam niyang kapag nagsalita siya, matatapos ang lahat. Pero mas mabuti nang mangyari yun. Mas mabuti nang buksan ang mga mata sa katotohanan at masaktan. Panandalian lang naman ito. Maraming pwedeng magbago. Hindi lahat nagsstay. Kaya kahit masakit, kailangan mong maging matalino, kailangan mong harapin ang katotohanan, para sa mga taong nagmamahal sayo, para sa sarili mo."
"Very well said Miss.."
"Kathryn Bernardo po"
"Yes, miss Bernardo. Mukang may pinaghugutan ka ha?"
Nginitian ko lang siya at bumalik na sa upuan ko. Oo may pinaghugutan ako. Wala na kasi yung Papa ko. Iniwan niya na kami. Sumakabilang buhay na siya. I was only 6 years old back then nang ma-car accident kaming dalawa ni Papa. We're on our way home galing sa mall. Gustong gusto ko kasing balikan yung doll na nakita namin ni Mama dun. Hindi nabili ni mama kasi wala siyang dalang extra money nun. Kaya pinilit ko si Papa na bilhin niya sakin yun.
"Thank you Papa!" Sabay yakap ko sakanya ng mahigpit. Nasa likod ako ng car namin habang si Papa nagddrive.
"Anything for my Princess."
Nagulat nalang kami nang may biglang bumanggang bus sa likod namin. Nasa flyover kami that time kaya sumabit yung bus sa kotse at nasama kaming tumilapon sa baba.
"P-papa!" Duguan si papa nang makita ko siya. May dugo rin ako pero sa noo lang at may mga sugat ako.
"I love you my Princess, don't you ever forget that okay?"
Tumango ako habang umiiyak. "Papa don't leave me please. P-papa!" He held my face and wash out my tears away.
"Sshhh. I love you, okay?" And that was the last words I heard from him.
Hanggang ngayon I still blame myself sa pagkawala ni Papa. Kung hindi ko siya pinilit na bilhin yung doll na yun, Edi sana andito siya ngayon kasama namin.
I'm sorry Papa. I miss you. I love you so much.
BINABASA MO ANG
Man of my Dreams
FanfictionMeet Kathryn Bernardo, ang babaeng nainiwalang makikilala niya ang lalaking laging nasa panaginip niya. Sakanyang paghahanap ay makikilala niya si Daniel Padilla na ubod ng sungit, sobrang isnabero, at mapanakit, hindi literal, mapanakit ng damdamin...