MOMD-4

4 0 0
                                    

Kath's POV

"Hi ma!" Bati ko kay.

Andito ako ngayon sa Flower shop namin. Simula kasi nung mawala si Papa, pinatayo namin to para naman hindi madepress si Mama. Siya yung namamahala dito para naman pampalipas ng araw.

"Oh, kamusta?"

"Ayos naman po." Lumapit ako sa isang bouqet. Ang ganda naman nito. Mukang ready for delivery. Kinuha ko iyon at nagikot-ikot habang sumasayaw.

"Anak, bitawan mo nga yan. Baka mamaya malaglag mo yan. Padating na yung umorder niyan." I pouted, tapos binitawan ko na yung bouqet. Lumapit ako kay mama na kasalukuyang nagaayos ng flowers sa vase, kumuha ako ng isang pirasong rose, pinutol ko yung stem at nilagay sa tenga ko tapos kumuha ulit ako ng isa pa at inamoy amoy ko.

"Alam mo," Pasimula ni mama, "tuwing nandito ako, pakiramdam ko kasama ko ang papa mo." Nakangiti niyang sabi.

"Noong unang araw na niligawan niya ko, dinala niya ko sa isang bundok. Dun sa bundok na yun, punong puno ng makukulay na bulaklak. Ang sabi niya sakin, simula ng dumating ako sa buhay niya naging mas makulay pa sa mga bulaklak na yun ang buhay niya."

"Pffft- hahaha. Ang korni pala ni Papa noh?"

"Naku palibhasa hindi ka pa naiinlove."

"Ha-ha. Dyan ka nagkakamali ma." I smirked.

"Kanino? Kay Diego?"

"Ma! Bestfriend ko lang po yun noh. Yung napapanaginipan ko. Si Mr. Man of My Dreams." Niyakap ko yung bulaklak at tumingala na para bang nangangarap.

"Eh hindi mo pa nga nakikita yun eh."

"Exactly! Hindi ko pa siya nakikita pero inlove na ko sakanya. Diba nga po, hindi naman sa muka ang basehan ng pagmamahal?"

"I got your point pero ang ibig kong sabihin, ay hindi mo pa siya kilala."

"Ehhh- yun na rin yun ma." Tumawa nalang si mama habang umiiling. Biglang bumakas yung pintuan at pumasok ang isang lalaking pagkagwapo-gwapo.

T-teka, si DJ to ah.

"Goodafternoon po." Bati niya kay mama.

"Gwapo noh?" Bulong ni mama sakin kaya natauhan ako bigla sa pagkakatulala.

"Sandali lang iho ha? Kunin ko lang yung bulaklak." Tumango lang ito at naupo sa sofa. Nakita ko siyang tumingin sakin at nagsmirked. Inirapan ko nga siya. Masyado niyang dinadama yung pagiging gwapo niya.

Hmm. Nandito siya para kumuha ng bulaklak? Tinignan ko si mama at inaayos na yung bouqet na hawak ko kanina. Yun yung inorder ni DJ? Para kanino kaya yun? Sa girlfriend niya? May girlfriend pala siya?

Lumapit na si mama sakanya at binigay yung bulaklak sakanya.

"I hope she will like this." Sabi ni mama habang inaabot kay DJ.

"I know she will." Sagot nito at umalis na. Sinilip ko ito, sumakay siya sa isang black car. Ganda kotse ah. Yaman a-tao.

Nang makauwi ako sa bahay, isinabit ko yung maliit kong whiteboard sa labas ng pinto ko sinulatan ko ito ng 'Don't disturb the princess' Oo princess. Princess daw kasi ako ni Papa. Nilock ko ang pinto. Nagpalit agad ako ng damit at nahiga sa kama.

Sino kaya girlfriend niya?

Aish! Ano ba tong mga iniisip ko?

Okay I admit! I'm attracted.

Pero dun parin ako sa Man of my dreams.

Naggwapuhan lang siguro ako kay DJ.

Oo tama! Yun lang yun.

DJ's POV

Ano kayang ginagawa nung babaeng yun sa Bernardo's flower shop?

Ugh, nevermind.

Anyway, nandito ako ngayon sa Holy Cross Cemetery. To visit my Mom. She died when I was seven years old. When she gave birth to my younger brother.

"Hi mom." Inalis ko yung mga dahong nalagas na nahulog sa lapida. Nilagay ko sa gilid yung bouqet na binili ko para sakanya.

"How are you? Buti pa diyan hindi boring. Dito kasi sobrang boring na. Sunod na kaya ako dyan." I laughed at that. "Just kidding."

"I missed you mom. Sana nandito ka ngayon. Daya kasi ni Lord eh. Binawi ka agad niya samin. Di manlang naranasan ni JC magkaron ng Mommy."

A tear fell from my eye. "Ge ma. Kita kits!"

Tumayo na ko at nagsimulang maglakad papuntang kotse ko.

Mom's my weakness. Sa kabila ng kayabangan ko sa school, at the end of the day, iniiyakan ko parin siya. My dad is always out of the country, with my stepmom. Yes, I have a stepmom. They married a year after mom's death. And I hate dad for that. Para bang hinintay niya lang mamatay si mom bago siya magpakasal sa iba. I hate that Carmina he married. Never kaming nagusap. Oh scratch that, never ko siyang kinausap. Simula nang pakasalan siya ng Dad ko nevet na kaming naging in good terms.

*bzzt bzzt*

~~

From: Quen

Dude, shot.

~~

~~

To: Quen

Not in the mood

~~

Pagdating ko sa bahay tinawag ko si manang.

"Yes sir?"

"Tell everyone don't disturb me on my room." Then I went straight to my bathroom. I filled my bathtub. Humiga ako sa bathtub at pumikit.

"S-sorry! H-hindi ko sinasadya! Pasensya na!"

I immediately open my eyes. Bakit ko ba iniisip yung babaeng yun?. I smirked, "Ok, that was nothing."

Man of my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon