I. "PA-TAWAG" (SEQUEL OF PA-TEXT)

1.5K 40 34
                                    

"PA-TAWAG?" (SEQUEL OF PA-TEXT?)

Tumingin ako sa langit..

ang daming stars..

Ang lamig ng hangin..

Star Gazing..

Ito yung bagay na pinangarap naming gawin ng magkasama..

Pero sa isang iglap...

Nawala lahat yun..

...

"Miss? ok ka lang?"

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang gwapong lalaki na may inaabot na panyo sa akin..

Ang alam ko buhay ako, pero bakit parang nasa langit na ako?

Bakit may anghel dito?

Okay. Korny.

Gasgas na to. Alam ko(=___=)

Napabalikwas ako ng bangon at tinakpan ko ang mukha ko para iabsorb ang mga nangyayari..

Shittttssssss..

Nakatulog ako sa damuhan..

Nakahiga ako at ginising lang ako..

Ilang oras na akong tulog??

At bakit parang basa ang pisngi ko?

Umiiyak ba ako habang tulog??

Shiitttt. Nakakahiya(>____<)

Arrrrhhhhggg nakakahiya talaga to!

Lord. Lumubog na sana ako dito sa lupa na kinauupuan ko!

"ok ka lang ba?"

Tanong ulit nung gwapong nilalang..

Ako naman ay nabigla at pinahid ko yung mukha ko ng tatlong beses..

Aarrrhhh Les! Ano bang kabaliwan ang ginagawa mo?

"may pantawag ka ba?"

"ha?..."

Nagtaka ako sa tanong niya

"...pantawag?"

"yup! Nalowbatt kasi ang cellphone ko"

Ito na naman tayo!

di ko na siya pinansin, tumayo agad ako, bumangon at pinagpag ang palda ko na napuno na din ng maliliit na damo ng memorial na ito..

Opo. Memorial Cemetery.

As in..

Libingan.

Nandito ako sa tabi ng isang lapida..

Lapida ng taong minsan ko ng ginustong makasama habang buhay..

Huminga ako ng malalim at pumikit..

Ramdam kong tumayo na din yung lalaking kanina ko pang di kinakausap.

"Miss ok ka lang ba?"

Tanong sa akin nung lalaki habang nakapikit ako..

Eto na naman tayo.

BEYOND BORDERLINE VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon