Mathematics. -______-"

175 3 9
                                    

Parang nagkaron ng sariling flashback yung utak ko pagkatapos ng nangyari ng araw na involve ang kantang yun.

Naalala ko na lang bigla yung mga panahon na kinikilig ako sa kanya kahit hindi ko pa siya crush.

Siguro nga, crush ko na siya, noon pa man.

Hindi ko lang talaga alam sa sarili ko.

At ayun na nga, reminiscing mode tuloy yung diwa ko.

---------

Ayaw ko sa kanya.

Ayaw niya din sakin.

Ayaw namin sa isa’t isa.

Pero wala akong magagawa. Wala naman kasing araw na hindi ko siya nakakasalamuha. Walang araw na hindi nagtatagpo ang mga landas namin.

Ang landas namin ng MATHEMATICS. :|

Sinusumpa ko man ang subject na ‘to, to the point na gusto ko talagang patayin kung sino man ang magaling na nilalang na nag-imbento nito, hindi ko naman na magawa. Dahil bukod sa patay na sila, ang dami na yatang nauna sakin na resbakan sila. O.O

Pero kahit ganun, may isang time na naging masaya para sakin ang isa sa mga mapapait na pagtatagpo ng tadhana namin ng Matematika.

Math Time.

May quiz kami.

15-item quiz.

As usual, wala akong alam. Dahil kahit nga kailan, hindi kami nagkasundo ng subject na ‘to kaya sige, sanay na kong bumagsak.

Wala rin akong mapagtanungan dahil absent ang katabi ko.

Tsk! Pag minamalas ka nga naman!

Nagmumuni-muni pa ko at naghahamon ng matagalang titigan sa masaya kong papel na item number 1 pa lang ang nasasagutan ko.

Nang biglang may tumabi sakin sa upuan.

Pagtingin ko, “Rej, patabi muna ako sayo ha? Hindi ko kasi makita sa likod eh,” sabi ng magiting kong crush na pagkatapos sabihin yun, busyng-busy na sa pagsagot sa mga equations na nasa board.

Hindi ko pa siya crush ng mga panahong yun.

Pero alam ko talaga sa sarili ko na kinikilig ako.

Nagsasagot lang kami ng tahimik.

Strict kasi yung teacher namin sa Math kaya bawal lingon-lingon. ‘Pag may nahuli man na gumagawa ng kakaiba, walang kasiguraduhan na hindi seseryosohin ni Ma’am kung ano man ang ibinanta niya bago magsimula ang quiz.

Pero talagang nahihirapan na ko.

At talaga namang hindi ko kinakaya ang mga ganitong sitwasyon.

Pero dahil crush ko ang katabi ko, ayoko siyang pagtanungan.

At ang katabi ko naman sa kabilang side, hayun! Abalang-abala na sa pakikipag-teamwork sa isa niya pang katabi. =___=

Tapos bigla siyang nagtanong..

Hindi ko na matandaan. XD basta tungkol sa Math yun. XD tapos nasagot ko naman, sure naman ako sa sagot na sinabi ko sa kanya. Formula lang naman yata yun or something. Tapos nagpasalamat siya.

Di pa naman masyadong matagal, bigla ulit siyang nagsalita.

“Rej, kung nahihirapan ka, tingin ka lang sa papel ko. Hindi ako sure dito, pero malay mo tama. Wag ka nga lang pahalata kay Ma’am, baka mahuli tayo,” sabay tingin sakin saka ngumiti. Tapos pinakita din niya na exposed yung papel niya na pwedeng pwede kong makita. Nasa aisle naman siya kaya hindi naman tanaw ng katabi niya. Malayo na.

Ako naman, ngiti din ako. Hindi ko alam kung ano ikinangingiti ko.

Dahil ba willing siyang magshare,

O, dahil ang bait niya sakin ngayon.

Pareho ko na lang pinaniwalaan yung mga naiisip kong dahilan kung bakit medyo kinikilig ako. XD

Pero kahit willing siyang magshare, Math pa din ‘to.

At alam ko sa sarili ko na dapat alam ko na ang mga bagay na ‘to.

Kaya kahit parang suntok sa buwan ang ginagawa ko, hindi talaga ako tumingin sa papel niya at hindi na rin ako nagtanong sa kanya. Pilit kong sinagutan isa-isa yung mga equations na nakikita ko.

 Gollygoodness! Ba’t ba kasi ang bobo ko sa Math? Eh wala naman akong nafifeel na tatama ‘tong mga sagot ko sa mga pesteng alien equations na yun! Nakakabadtrip talaga!

“Rej..”  Napatingin naman ako sa tabi ko. “Hindi mo ba nakikita? O magulo yung sulat ko?”

“Ha?”

Hindi ko naiintindihan kung bakit niya yun tinatanong.

“One minute..” sabi ni Ma’am.

Holy coconut!

Patay na!

Kumusta naman ang mga sagot ko? T.T

Haay, buhaaaaaaaaaaay!

“Let’s check!”

Ayan na nga bang sinasabi ko.

Bagsakan na talaga ng grade ang drama ko sa subject na ‘to.

Two over fifteen lang naman ako.

Ayos lang, di naman nandaya. Pero, waaaaaaaaaaaah! Ang bobo ko! >< T__T

Si ano naman, twelve over fifteen.

Nakalimutan kong sabihin.

Magaling nga pala sa Math ang crush ko. :))

Tapos..

“Oh rej, ba’t two ka lang? Akala ko ba kumopya ka sakin?”

“Sorry naman, ang hirap tumayming eh.”

“Tsk, dapat sinabi mo. Edi sana binulong ko na lang sayo..”

Okay.

Mababaw na pero kinikilig talaga ko. XD

Ba’t ba kasi ang bait ng lalaking ‘to?

Nge, baka gusto lang tumulong. HAHAHAHA.

Pero kahit ganun, kinikilig talaga ako. XD

Kaya hanggang ngayon, kapag napapadpad ang diwa ko sa usapang Math, bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko yung time na yun na naging mabait siya sakin sa larangang magaling siya.

Oo na, mababaw.

Pero try niyo kayang magkacrush!

Humanga!

Alam kong kahit maliit na bagay man yang ginawa niya para sayo, malaki at malakas naman ang magiging dating sayo.

Alam ko yan, experienced ata ‘to! =)))))))))

Akala ko tapos na ang usapang Math..

Pero hindi pa pala.

Nasingit kasi ang Math para magkaron kami ng mapag-uusapan.

At isa dun ay ang mga katagang,

I love you.

Psst.. I have a Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon