Heartache? Nah. Kasama 'to sa paglaki. :)

186 6 7
                                    

Lumipas ang maraming araw, inamin ko na rin sa sarili ko na crush ko siya.

Na may gusto ako sa kanya.

Na ngumingiti ako kapag nakikita ko siya.

Na masaya ako kapag nakakasama ko siya, kahit sandali lang.

Na natutuwa ako kapag nakakausap ko siya, kahit pa walang kabuluhan ang usapan.

At kinikilig ako kapag nginingitian niya ko pabalik,

Kapag tumatawa siya kapag kasama ako,

At kapag kinakausap niya pa rin ako kahit wala ng kwenta ang pinag-uusapan namin.

Lahat ng yan, hindi ko alam kung para saang aspeto ba ng nararamdaman ko ilalagay.

Sa mga bagay na ikalulungkot ko, ikakikilig ko, ikatutuwa ko, ikaiiyak ko..

Hindi ko alam.

Pero sa mga panahong pinag-iisipan ko ang mga yan, nagkaron ako ng pagkakataon na makapagtanong sa kanya ng tungkol sa nararamdaman niya ng hindi niya nalalaman. Ng hindi niya nahahalata, ng hindi siya naghihinala, ng hindi magiging dahilan para lumayo siya.

Nagkaron ako ng pagkakataong malaman ang bagay na gusto ring malaman ng iba. Siguro.

Kung sino ba ang gusto niya.

Sabi nga nila, may mga taong sobra kung magmahal.

Teka, lilinawin ko lang ulit.

HINDI AKO NAGMAMAHAL.

Isang hamak na paghanga lamang para sa kanya ang nararamdaman ko.

PERO, habang sinusulat ko ‘to..

Sumasakit ang ulo ko.

At pati na rin ang puso kong tumitibok-tibok na lalong nagpapagulo sa mga iniisip ko.

TEKA NGAAAAAAA!

 Rejn, ikaw ba yan?! O___O

BAKIT NAPAKADRAMA MO?!?!?!

Wala kayong pakialam. -______- HAHAHAHAHA!

Masakit ang ulo ko, ang puso ko. Wag na sanang pati kamay ko ay sumakit dahil sa pagtatype ng mahabang explanation ng mga nararamdaman ko ngayon.

Dahil kahit anong type ang gawin ko, ikot-ikutin ko man ang lahat ng bagay sa mundo…

Hindi ko pa rin maipapaliwanag sa inyo kung anong nararamdaman ko.

Kaya easy lang at basahin ang mga susunod na sasabihin ko. =))))))

Sabi nga nila, may mga taong sobra kung magmahal.

Na pati ang kasiyahan nila, kaya nilang isakripisyo para lang sumaya ang taong mahal nila.

Pero walang kinalaman yan sa sasabihin ko.

Pero ito, meron.

Kaya mong pakinggan ang pagkukwento ng crush mo ng tungkol sa crush niya.

Kahit masakit.

Okay na? XD

Game na! :)

May gusto siya sa isang babae.

Isang babaeng ang pangalan ay hindi Rejn. :D

Hindi Mireille ang second name.

Hindi Lagalo ang middle name.

At hindi Raton ang surname.

Dahil ang pangalan ng babaeng gusto niya,

Muntik ng maging kapangalan ng aso kong si Roxy. :)))))))))))))))

Nagkukwentuhan lang kami.

Ito rin pala ang mahirap kapag close kayo kahit papano ng crush mo.

Hindi mo siya magawang iwan kapag masayang masaya siya sa pagkukwento sayo ng tungkol sa taong gustong gusto niya.

Parang magkabilaang malalakas na sampal lang sa pisngi yung sakit sayo habang ginagawa niya yun.

At hindi pa dun natatapos.

Pinipilit mo pang maging masaya para sa kanya.

Odiba? Sobrang martir lang. XD

Kwentuhan na umabot sa paglalarawan niya sa sobrang pagkagusto niya dun sa taong yun.

Ang saya saya niya!

Tapos nagtanong siya, “Nagkacrush ka na ba ng ganito?”

Natigilan ako.

Nagkacrush na nga ba ako ng ganun? Ng katulad ng pagkacrush niya sa babaeng yun?

Ahh, hahaha. Oo, pero buti na lang hindi sa kanya. Sa ibang tao naman. Atleast, hindi masakit aminin dun sa taong yun na sa kanya ka nabaliw ng ganun dati. Dahil hindi naman siya ang taong yun. =))))

Sinagot ko, “Oo! Hahaha! Minsan nga sobra pa ko eh!”

Tapos sabi niya, “Nganga siguro ako pagnagka-bf yun.”

Natawa naman ako dun.

Hahahahaha!

Ako kasi, nganga na, wala pa nga siyang girlfriend. XD

Tapos kawawa pa siya pag nabasted.

Madami pa siyang pagdadaanan.

Marami pa siyang gagawin.

Napagod yung utak ko sa pagprocess ng mga bagay na napag-usapan namin.

Saksakan ng ligalig yung mga daliri ko sa pagtatype ng kung anu-ano sa cellphone ko para sa reply ko sa kanya.

Oo nga pala, sa text lang yan. =)))

Asa namang harap-harapan ko yang itatanong sa kanya. XD

Tapos nagpaaalam na siya. Matutulog na daw siya. Um-oo ako. Syempre, para namang may magagawa ako. :D

Pero sa huling text ko,

Sana matupad yung iwiwish mo bago matulog.

At saka ako natulog.

 [May naintidihan ba kayo? XD kung wala, pwes, wag niyo na lang intindihin para okay tayong lahat. :D last chap na nga pala yung susunod dito. =))))) wala na kong mailagay eh kaya tatapusin ko na. XD

Salamat nga pala sa pagbabasa nito. :) after nito, gagawa ako ng isa pang story, at story na talaga yun. XD hindi na diary ko. :P ayun! SALAMAT! ^^ LOVELOVELOVE. :*]

Psst.. I have a Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon