Chapter 16

164 11 1
                                    

Chapter 16
           

Third Person's POV

Nakatingin lang si Jay-Anne at Winie kay Belinda na ngayo'y natutulog na.

"Hindi ba parang ang sama naman n'ong mga sinabi mo sa kanya?" tanong ni Anne kay Winie.

"Hindi naman didibdibin n'yan ang mga sinabi ko, eh. Tingnan mo mamaya pagkagising niya, balik na naman siya sa pagiging abnormal," usal ni Winie.

Nakangiting umiling naman si Anne. Alam niyang gan'on nga si Belinda. "Alam mo ba sa oras na 'to, hindi ko na maramdaman na gusto kong mag-madre."

Tumaas naman ang kilay ni Winie. "Hindi pa naman talaga tayo ganap na madre. Ito naman 'yong sinasabi ni Sister Jean na bago tayo maging tunay na madre, bibigyan tayo ng karapatan lumabas ng kumbento. Kumbaga dito sa mundo ng MG; Kalayaan. Bibigyan ng pansamantalang kalayaan at nasa sa'tin na kung gusto pa nating tumuloy o hindi na."

"Tama ka nga siguro. Napag-isipan mo na ba kung tutuloy ka pa o hindi na?" tanong ni Anne. Sumeryoso naman ang mukha ni Winie.

"Sa totoo lang gusto ko, pero 'yung mga nagawa ko simula ng lumabas tayo napapaisip na ako. Naaalala mo pa ba kung ano ang buhay mo n'ong 'di ka pa pumapasok sa kumbento?" tanong naman ni Winie kay Anne.

"Oo naman. Alagang-alaga ako ng parents ko halos lahat ng gusto ko binibigay nila. Pero ang pagpasok ko sa kumbento ang hindi nila inaasahan sa akin. Dahil wala narin naman sila nagawa, sinuportahan naman na nila ako."

Hindi na iyon lingid sa kaalaman ni Winie. Dahil tuwing dadating ang magulang ni Anne palagi niyang naririnig sa mga magulang nito na kung sigurado na ba ang dalaga sa pagpasok. Bagay na wala siya.

"Eh, si Belinda? Naalala mo laging pinapakita niya sa magulang niya?" natatawang tanong ni Anne kay Winie, tumango naman ang dalaga.

"Itinataas ang kaliwang paa at ipagmamalaki sa nanay at tatay niya gan'on din ang ginagawa niya sa kanan. May idinagdag pa siya n'ong huling dalaw ng magulang niya." nakangising sabi ni Winie at hindi na mapigilan pa ni Anne na malakas na tumawa.

"Hahaha! Tumalon siya n'on tapos sinigaw niya 'No feet!' Hahaha! Gulat na gulat 'yung reaksyon ng magulang niya," tumatawang sabi ni Anne. Hindi na din mapigilan ni Winie ang tumawa dahil kay Belinda.

Masaya silang nagkukwentuhan ng tungkol sa tulog na si Belinda. Bagay na ngayon lang nila nagawa. Hindi maiwasan na humanga ni Anne dahil nakikita niya ang ibang side ni Winie. Gan'on din naman si Winie para kay Anne.

"Naaalala mo pa ba n'ong minsan na kinumutan mo si Belinda?" tanong ni Anne sa dalaga. Tumango naman ito bilang tugon. "Sobrang init pa naman n'ong gabing 'yon, kinumutan mo siya kaya pagkagising niya naliligo na siya sa pawis. Hahaha!"

"Paano? Hindi man lang niya inalis 'yong kumot. Mas itinaklob niya pa sa katawan niya," natatawang sabi ni Winie. "Ikaw nga, eh. Sa inis mo n'on kay Belinda sa tagal ng pagligo at sinabayan niya pa ng pagkanta, itinago mo lahat ng underwear niya sa ilalim ng kama niya. Hahaha!"

"Naalala ko 'yan! Hahaha.. Ang mas nakakatawa pa d'on, hindi man lang niya naisip sa ilalim ko lang ng kama niya itinago. Doon pa niya pilit hinahanap sa ibabaw ng cabinet na hindi naman niya abot!" sabi niya at malakas na tumawa.

"Eh, n'ong kumanta siya ng minsan may misa tayo? Hahaha.. Hindi ko makakalimutan ang itsura niya n'on! Feel na feel niya ang pagkanta," tumatawang sabi ni Winie.

"Akala ko nga talaga n'on may balyenang kumakanta, y'on pala si Belinda. Hahahaha!" naiiyak na sa sobrang pagtawa si Jay-Anne. "Nagtatawanan na lahat ng nakikinig ng misa n'on tapos si Sistsr Jean pilit hinahanap kung kaninong boses 'yon! Hahaha!"

Ang Tatlong Maria (On-going)Where stories live. Discover now