CHAPTER SEVEN:

6.9K 164 3
                                    

THE PROMISE

Jinky Tomas

Masayang hinihintay ni Alicia ang pagbubukas ng pinto ng bahay nila Jeric. She is pretty sure na wala na ang babaeng pinapangambahan niyang muling umagaw sa kanyang pag-ibig. Napansin niya ang kakaibang sigla ng binata sa mga nagdaang araw. Kilala niya ang ganoong reaksiyon ng binata. Ganito rin kasi siya kasaya noong sila na ng matalik na kaibigan. At ayaw niyang ang isang yaya lang ang magiging karibal niya sa lalake.

Masigla siyang pumasok sa loob pagkatapos buksan ni Kibing ang pintuan. Ngunit biglang nawala ang mga ngiting iyun ng madatnan niya sina Jeric kasama ang anak nito at si Ann na pinapanood ang poem delivery ng bata. aba at hindi yata nasindak ang babaeng ito sa ginawa niyang pananakot.

Hindi maaari! Protesta ng isip nito. By hook or by crook ay dapat na mawala sa landas niya si Anala.

“Hi guys!” pilit niyang pinasigla ang boses nito.

“Alicia!”

Lumapit sa kanya ang binata at akmang hahalikan nito sa pisngi ng dalaga pero ipinilig ni Alicia ang mukha kaya sa mga labi niya dumapo ang labi ng binata.

Nagbababa ng tingin ang dalaga sa nakita.

Ano kaba? May karapatan ka ba para magalit?

Lumapit din ang bagong dating sa kinaroroonan ng bata at hinalikan niya ito sa pisngi. Tumingin din ito sa kanya. Nilabanan niya ang mga mababangis nitong titig.

Nagpaalam ang dalaga na doon muna sila sa itaas pero sinabi ni Jeric na doon lang sila. Maluwang naman daw ang sala.

“Huwag ka ng sumimangot.” Pansin ng dalaga kay Alex. Kilala na niya ang bawat kilos ng bata. Alam niya na tulad niya ayaw niyang naroon ang dalaga. Pero ano nga bang magagawa nila. Hayun nga at hinalikan pa niya ito kahit may nakatinging ibang tao, paingos nito.

“Miss Ann, ayaw ko lang kasi kay Tita Alicia.”

“Bakit mo naman ayaw?”

“Ewan ko. Hindi tulad mo, friend kita agad.” At ngumiti ito sa kanya.

“Binola mo na naman ako. Sandali at ikukuha kita ng juice.”

Ang pagtayo ng dalaga ang sinamantala ni Alicia at agad din itong tumayo rpara at sinundan ang dalaga.

“Ang lakas din pala ng loob mo.”

Nagulat siya sa sinabi ni Alicia. Pero wala ang takot.

Itinuloy niya ang pagtitmpla ng juice para sa alaga. Nilapitan siya nito.

“I just wonder kung bakit mo ipinagsisiksikan mo ang sarili mo dito.”

“Ano bang problema mo Alicia. At bakit parang nabigla ka pa yata dahil nandito ako?” mapanuri nitong tanong sa dalaga.

Sandaling natahimik si Alicia.

“Well, we will be marrying soon. I just hate your presence here. I’m not comfortable.”

Akala siguro ng babaeng ito hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Akala mo kung sino. Tinapos muna niya ang tinitimpla bago sumagot sa dalaga.

“Really? Your not comfortable or you are just insecure Alicia.”

Si Alicia naman ang napatigil sa pag-inom dahil sa sinabi nito. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. Sinamantala naman iyun ni Anala para muling sagutin ang dalaga.

“If you’re the wife-to-be, then be confident enough kahit sino pang babae ang nandito sa bahay na ito.”

“Matapang ka rin pala ha. Tingnan ko lang kung hindi ka rin agad aalis dito.”

“In your dreams…” pabulong nito at kininditan pa niya ang naiwang dalaga.

Stupid! Napamura si Alicia. Nakakita rin siya ng katapat. Pero hindi siya papayag. Mismong matalik niyang kaibigan ay kaya niyang alisin sa landas nila ng binata, kaya niya rin kahit na sinong babae pa. Ngumisi ito. Kung kailangang may buhay ulit na mawawala….

Narinig ni Jeric ang pagtigil ng makina ng sasakyan. Tinotoo nga ng kaibigan niya sa kanila didiretso pagkatapos ng mahabang bakasyon niya sa probinsiya.

“Brod!” anang guwapong bisita.

Mabilis na nagyakapan ang dalawa. Kilala rin niya tiyak si Alicia dahil masaya ring itong yumakap sa kanya.

Nagsimulang magkuwento si Emman ng napadako ang tingin niya kina Ann at Alex habang nanonood ang mga ito sa isang bahagi ng malaking salon.

“Sino ang babaeng iyun, pare?”

“Si Ann.”

Nangunot ang noo nito. Paanong napadpad ang ganito kagandang dilag para lamang mag-alaga ng bata. Gusto niyang makausap ito. Aalamin niya ang tunay na dahilan kung bakit naroon ang dalaga.

“Interesado ka agad sa kanya ha?” sumilay ang ngiti nin Alicia kay Emman.

Ipinagpaalam ng binata na gusto niyang makausap ang dalaga at makilala.

“Huwag mo siyang ibilang sa listahan mo pare.” Paalala ni Jeric. Kilala niya ang kaibigan, tuwing may kursanada ay hindi niya ito titigilan.

“Good boy na ito, pare.”

Nagulat si Anala ng biglang lumapit sa kanila ang kararting lang na bisita. Lumapit ito sa kinaroroonan niya. Napansin niyakanina itong dumating pero hindi niya pinagtuunan ng pansin, feeling niya kasi masyadong bilib sa sarili.

“Pwede bang makipag-usap sa iyo, Ann.”

Guwapo pero hindi man lang humanga ang dalaga dito. Ang presko kasi ng tingin njiya dito. Akala mo kung sining makatingin, akala mo matagal na siya nitong kilala at ganoon na lamang ang mga ngiting ipinupukol sa kanya.

“ Pasensiya na pero kawawa naman ang alaga ko kapag makikipagdaldalan lang ako.”

“Alex, baby. Hiramin ko muna ang yaya ha?” magiliw nitong pamamaalam sa bata.

“Oo naman po, Papa Emman.”

“Alex dito ka na lang,” pansin naman ni Anala sa alaga.

“Okay lang po sa akin. Doon na lang ako kay Daddy.” At tumakbo na ang bata sa kinaroroonan ng ama nito.

Sinundan niya ng tingin ang bata. Tumingin siya kay Jeric. Sumenyas ito na parang sinasabing ayos lang. Pati si Alicia ay parang natutuwa rin dahil sa paglapit sa kanya ng binata.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon