CHAPTER THREE:

7.8K 183 4
                                    

THE PROMISE

Jinky Tomas

WANTED:YAYA. Ngumiti si Anala. Kahit papaano agad pala siyang makatagpo ng trabaho. Ipapakita niya sa Mama niya ang galit na nararamdaman niya. Ayun at wala pang isang taong namatay ang ama at may kapalit na agad ito sa buhay niya. Lalo tuloy nalukot ang kanyang mukha ng maalala ang nadatnang tagpo.

Masayang masaya siya sa pag-uwi dahil katatapos ng reunion nilang magkaklase noong high school. Maraming mga kuwentong pinagsaluhan. At ang mabubungaran lang pala niya ay may ibang kayakap ang ina. A certain Renato Guerrero. Kaedad lang ng kanyang ama. At parang proud pa ang ina na sabihin sa kanya that they were lovers before at gusto nilang hingin ang pahintulot niya na kung pwede ay ituloy nila ang kanilang relasyon. At ang kapal ng lalakeng iyun to tell na pakakasalan niya ang kanyang ina at ituturing siyang anak.

“I don’t need you and I don’t want you. You will never my Dad!” Paasik nito sa lalake ng lapitan siya.

Hindi naman niya inaasahan na dahil sa kanyang sinabi ay nasampal siya ng kanyang Mama.

“Mildred, hayaan mo na muna ang anak mo. Nabigla lang siguro sa bilis ng mga pangyayari.”

Huh! At kunwari ay inawat naman siya ng lalake. Malay ba naman niya kung anong pag-uugaling mayroon ang kaharap.

“Anala, I’m sorry anak, hindi ko sinasadya.”

Sumimangot ang dalaga. For the first time, ngayon lang niya naranasan na makatikim ng sampal mula sa ina dahil lamang sa lalakeng ito. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng galit kay Renato.

She blackmailed her Mommy. Pinapili niya ang kanyang ina. At lalo siyang nabuwisit dahil sa sagot ng kanyang ina. Ipinamukha tuloy sa kanya na kaya siyang tikisin ng ina makasal lamang sa dati nitong kasintahan. The nerve!

“Don’t let me choose Anala. I need and love you both.”

“Well Mommy. This is it! Forget me then.” Matapang niyang hamon sa ina.

“Anala, anak intindihin mo naman ako. Mag-usap tayo hindi natin kailangan ng mahabang pagtatampuhan.”

“And what do you want, Mommy?”

“Let’s make this matter a simple one anak.”

“Okay Mommy. To make it simple, let Renato leave us alone..forever!”

“Hija, hindi mo ako naiintindihan, eh.”

“Well, Mommy. Tapos na ang usapang ito. I’ve given you a chance and still you don’t accept nmy deal.” At tinungo na ng dalaga ang kanyang kuwarto para maghanda ng ilang pirasong mga damit para sa kanyang pag-alis.

Pinigilan siya ng ina atmuli itong nakikiusap na intindihin siya. But she is deaf in that matter. Kung ayaw ng ina na pumayag sa kanya, then it’s over. Bahala na ang kanyang ina kung anong gusto niya. Pinal na rina ng kanyang pasya na hindi kailanman aapak ang kanyang mga paa sa kanilang bahay kapag nandoon ang Renatong iyun. Walanng pwedeng ibang lalakeng pumalit sa puwesto ng kanyang ama sa buhay nilang mag-ama. Lalong hindi ang Renatong iyun.

Hindi siya babalik sa piling niya kapag patuloy ang relasyon nila lalo na ang ituloy ang kasal na binabalak ng mga ito. Gusto pa naman niyang maging close sila ng ina, and yet a disaster will just appear between them.

‘Ginagawa mo akong bratenila, Mommy…Oh Dad!’

Wala naman siyang dapat ikatakot. Malaki ang ipinamana sa kanya ng ama. Sa kanya nakapangalan ang ilan nilang malalaking negosyo. Pati ang Montesorri na pinagtuturuan niya ay sa kanya rin nakapangalan. Noon pa man hilig na niya ang pagtuturo sa mga bata. Kaya nga nag-aral pa siya ng child psychology para lalong mahasa ang kanyang kaalaman sa pakikipag-ugnayan niya sa mga bata.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon