"Hoy teka, san mo ko dadalhin" kanina pa ako kakatanong sa lalaking to pero mukhang hindi niya ako naririnig
bingi ba siya? aishh
"pwede na tayo dito" nakangiti niyang sabi pagkatigil namin sa harap ng
"Music Room? anong gagawin natin dito?" yun nalang natanong ko bago niya ulit ako hilahin papasok ng Music Room
well, ngayon palang ako nakapasok dito, since wala naman akong talent sa kahit anong music instrument, at pamatay este pambasag naman ang boses ko
"tatambay :) samahan mo ko ah" parang bata niyang sabi sabay upo at cross legs niya dun sa may Rectangular Box
tapos nakaharap naman ako sakanya
"okay ka lang? hinila mo ko dito para samahan kita?"
"yup :)"
'abnoy ata to ah >_>' yun nalang naibulong ko sa sarili ko
"ah, pasensha ka na ah, hindi kasi tayo close? alam mo yun? tapos hindi din ako nakikisama sa mga taong hindi close? something like that? kaya maiwan na kita ah, uuwi narin kasi ako, baka kung ano pang isipin ng ibang tao kapag nadatnan tayong dalawa dito" prangkahan kong sabi sakanya, totoo naman e
baka kasi machismis pa ako, medjo may itsura pa naman tong lalaking to kaya sigurado my mga stalker to.
medjo naalala ko lang kasi yung girl na pinagtulung-tulungan dahil daw isang pokpok, porket nakitang kasama yung isang sikat na guy dito sa school. di ko lang alam kung sinong sikat na guy yun.
oh well. aalis na ako
pahakbang na ako para lumabas ng music room ng bigla niya akong hawakan sa kamay na naaging dahilan para tumigil at mapalingon ako sakanya
"dito ka lang :) bawal lumabas, may sunog sa labas at madaming mumu"
"ehh?"
"dito ka lang :)"
"wala akong panahon sakyan mga trip mo -.-"
"edi wag kang sumakay, kumapit kanalang :)"
"very funny" sarkastiko kong sagot sakanya.
"ahh!" medjo napasigaw ako ng hilahin niya ako na naging dahilan para matumba ako sakanya
tapos nakasubsub ang mukha ko sa ano niya >///<
"ano ba! >///<" dali dali akong tumayo at damang dama ko ang pamumula ng aking mukha.
wahh, sheyt! nakakahiya, ito na siguro ang pinaka-nakakahiyang aksidenteng nangyari saakin.
pero kalma lang ley, kunwari no malice, since aksidente lang naman yun
"bawal nga kasing lumabas :)" sabi niya na parang wala lang siyang ginawang katarantaduhan >//<
nakangiti parin kasi siya at cool na cool lang siya sa pagkaka-upo
"argh!" yun nalang nasabi ko tsaka na ako dali daling pumunta ng pinto
pero, bat naka-lock? kelan niya pa na-lock yung pinto? sabay lang kasi kaming pumasok e
"asan yung susi?" nilingon ko ulit siya with matching taas kilay pa
"wala yang susi, lock na talaga yan, nakalimutan kong wag isara ^^ sorry"

YOU ARE READING
MY USELESS BEDMATE
Roman pour Adolescentsdo i need to pursue this feelings of mine kahit isang USELESS BEDMATE lang ang tingin at turing niya saakin? :(