chapter 1: The Twins

11 1 0
                                    


18 years ago..

"Dapat mailayo ang mga bata dito.. Hindi sila ligtas dito."

"San natin sila dadalhin? Baka maabutan tayo!!"

"Mag-isip kayo!! Hindi nya pwedeng malaman kung saan dahil masisira ang nasa propesiya. Sila nalang ang pag-asa natin."

"Hindi sila maaaring mamatay. Sila nalang ang natira sa kanilang lahi."

"Umalis na kayo.!!iligtas nyo sila! Nandiyan na ang mga kalaban.!!"

++++++++++++++++++++++++++++

After 18 years..

Leilanie's POV:

"Leilanie! Leilanie! Nasan kana ba?!!"

Ayan na naman ang momy ko. Adoptive mother ko lang siya, sa ampunan kasi ako lumaki. Nung magten years old ako, inampon nila ako. Tuwang tuwa ako kasi sa wakas magkakaroon na ako nang pamilya.

Pero hindi pala..dahil parang bangungot ang lahat. Mula nang kunin nila ako sa ampunan, wala silang ibang ginawa kundi alilain at saktan ako. May kaya naman sila, may pera, pero para silang mga baliw. Hindi makukumpleto ang araw nila nang hindi ako sinasaktan.

"Nandito ka lang palang punyeta ka!! (Batok) Kanina pa kita hinahanap hindi ka nasagot!! Hala sige maghain kana!!"

Sabi Ni momy habang tinutulak-tulak pa ako. Nandito lang naman ako sa kusina eh. Kasalanan ko ba kung hindi sila maalam maghanap. *pout*

Anyway.. Ako nga pala si Leilanie Blue Kinera. Weird nang pangalan ko di ba? Nakaburda daw yan sa lampin ko nung baby pa ako. Blue din ang mga mata ko, kaya sabi nina sister bagay na bagay daw sa akin ang pangalan kong Blue. Yun din ang tawag nila sa akin sa ampunan.

Malapit na akong mag18 mamayang hatinggabi. Excited na nga ako eh. Pwede na kasi akong umalis dito once na mag18 ako, kasi Hindi naman legal yung pagampon sa akin nang mga baliw Kong magulang nayon eh. Tinakas lang nila ako kasi hindi pumayag sila sister na ampunin ako kasi nga may kukuha daw sa akin sa tamang panahon. Dati hindi ko sila maintindihan pero ngayon alam ko na ang ibig nilang sabihin.

Tapos na silang kumain kaya nagligpit na ako. Hindi na ako kumain kasi excited ako para mamaya. Oras kasi na makaalis ako dito wala na silang habol sa akin dahil nasa tamang edad na ako at wala silang papeles na magsasabing sa kanila ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko na maidsquarter. Nakakaloka di ba, parang kumuha sila nang instant katulong.

Kung magtatanong kayo if nag-aaral ako. Guess what? Hindi.. Pasalamat nalang ako at natuto akong magbasa at magsulat sa ampunan kaya nung napunta ako dito, wala akong ibang ginawa pag wala sila kundi magbasa nang magbasa nang mga libro sa library nila kaya marami din akong natutunan.

Mag-aalas onse na pala kailangan ko nang ihanda ang mga gamit ko. Maliit na bag pack lang dala ko, kaunting damit lang. Balak ko kasing bumalik sa ampunan, may naipon na naman akong one thousand pesos mula sa pagkupit kupit ko sa mga tira-tira nilang pera sa mga damit noh.. Hindi ako lumalabas nang bahay o mas   magandang sabihin na hindi nila ako pinapalabas nang bahay.

Twins DestinyWhere stories live. Discover now