Chapter 1

16 1 0
                                    


Napakamarikit na mga kulay ang bumabalot sa paligid. Kinakain ng ingay ang buong paligid na tila ang kasiyahan ay walang katapusan. Makikita mo ang galak sa mukha ng bawat isa na naririto ngayon.

"Ako'y nagagalak sa inyong pagdalo rito, mga katoto, ko. Ako'y inyong pinasaya muli sa araw na ito, kaya sana'y kayo ay magsaya rin ngayon." Boses anghel na tinig na nanggagaling sa kan'ya. "Isa ito sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan. Kaya ipagpatuloy natin ang pagdiriwang!"

Maya-maya'y ibinaba n'ya ang mikropono't bumaba sa entablado. Muling lumakas ang tugtugan matapos ang kan'yang pagtatalumpati. Maraming bumabati sa kanila ng kan'yang kapareho ngayon dahil sa ang araw na ito'y ika-apat na anibersaryo ng kanilang kasal. Lumapit na ang dalawang ito sa pinapupwestuhan namin kaya ako'y napangiti.

"Congratulation sa inyong dalawa. Ako'y lubos ding nasasayahan at muli'y nadagdagan na naman ng taon ng inyong pagmamahalan." Pagbabati ko sa aking pinakamatalik na kaibigan na may ngiting nakaguhit sa aking mukha.

"Salamat sa iyo kaibigan. Alam kong kayo rin ng iyong kapares ay tatagal pa ng matagal na panahon." Agad uminit ang aking pisngi't napatingin kay Paul Hernandez, ang aking kapareho sa pagmamahalan.

"Uy, ayan na naman s'ya namumula na."

"Ano ka ba! Baka marinig n'ya, 'wag ka masyadong maingay."

"Sus! Gusto mo naman." Sabay tawa nito.

"Hindi a!"

"O, s'ya sige na't magsaya ka muna d'yan. Kakausapin ko muna ang iba kong mga bisita."

"Sige." Sabay beso namin sa kaliwa't kanang pisnge.

"Sige, bye~" Sabay lakad nito palayo.

Ilang minuto ang lumipas sa panood sa mga tao, biglang dumating si Paul Hernandez at agad nitong niyakap ang aking bewang. Parang kuryente ang ang aking nararamdam nang ako'y kan'yang niyakap.

"Miss na ulit kita, mahal kong Kate Fernando." Ramdam ko ang init ng kan'yang paghinga habang siya'y nagsasalita kaya muli'y nag init ang aking pisnge.

"Nagbibiro ka na naman, e. Ilang minuto ka nga lang umalis para makipag-usap sa kaibigan mo, miss mo na agad ako? Aba'y bolero ka pala."

"Alam mo naman, Kate, ayaw kong mawalay ka sa tabi ko. Kapag nga sa oras na ika'y wala sa aking paligid ubod ng pagalala aking nararamdaman."

"Heh! Pabibo ka talaga, Paul." Matapos sabihin ang mga katagang iyon, mas hinigpitan pa ni Paul ang pagkakayakap sa 'kin.

"Tara na nga samahan mo akong ipakilala sa mga kaibigan ko noon na 'di mo pa nakilala."

"Wag na, ikaw na. Nakakahiya na sa mga kaibigan mo."

"Haay, 'wag ka nang mahiya kaibigan ko naman 'yon e."

"Wag na kasi."

"Tara na kasi."

"Nako, Paul, h'wag na."

"A, ayaw mo pala. Sige, matitikman mo ito." Laking gulat ko nang ako'y biglang binuhat ni Paul.

"Teka, Paul. Ibaba mo na ako, Paul." Pagmamakawa ko. "Paul, isa na talaga." Pero hindi ako pinansin.

"Sige 'pag 'di ka pa rin sasama hahagkan kita rito." Kaya sobrang nagulat ako sa kan'yang sinabi.

"Paul, ibaba mo na ako, sasama na talaga ako."

"O, iyon naman pala't sasama ka rin e." Kaya ibinaba na ako nito.

"Nakakahiya ka talaga, Paul."

Hiram Na KasiyahanWhere stories live. Discover now