Malamig ang simoy ng hangin, sakto lang para sa nalalapit na kapaskuhan. Bilang lamang ang mga bituwin sa kalangitan dahil sa makapal na mga ulap na bumabalot dito. Masarap magmasid kasama ang mahal mo ngunit mas masarap kung matatanaw mo ang hindi mabilang na mga bagay na kumikinang sa kalawakan.
"Mahal kong prinsesa, alam kong walang bagay ang natatapos sa walang hanggan kaya kung sakali mang dumating ang oras na mawala ako sa tabi mo, lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal na mahal kita, Kate." Nagulantang ako sa biglaang pagsasalita ni Paul, ngunit agad din akong nakabawi. Anong ibig niyang sabihin? "Kate, huwag mo akong kalilimutan anuman ang mangyari."
"Te-teka, Paul, anong ibig mong sabihin? A-ano 'to?"
Nginitian niya lamang ako. Nagsitaas ang mga balahibo ko sa katawan. Kinikilabutan ako sa bawat pagkilos na ginagawa niya na tila ba may pinapahiwatig ito.
Ngunit mas tinakot ako ng sumunod na mga nangyari. Tumayo siya sa aking tabi at naglakad palayo patungo sa malalaking alon ng dagat.
"Paul! Ano bang ginagawa mo?!!! Umalis ka diyan!!!" Sigaw ko ngunit tila hindi niya ako naririnig.
Humarap siya sa akin at malungkot na ngumiti. May mga sinabi siya ngunit hindi ko marinig dahil nabibingi ako sa tunog ng mga alon sa dagat.
"Paul, anong gagawin mo?!!!"
Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tumakbo palapit sa kaniya upang ilayo siya sa alon na natatangkang lumamon sa kaniya ngunit hindi ko man lang magawang igalaw ang mga paa ko.
Rumaragasa na ang mainit na likido sa pisngi ko ngunit tanging pagsigaw lang ang nagagawa ko.
Paul, huwag namang ganito. Hindi ko alam ang gagawin ko sakaling mawala ka sa akin.
At nangyari nga ang inaaasahan kong pangyayari. Inagos ng tubig ang katawan ni Paul. Napapikit na lamang ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit pa? Kung kailan malapit na kaming ikasal. Paul, nasaan ka na?
Nagulat ako nang bigla kong nagalaw ang mga paa ko at nagawa ko pa itong iangat mula sa buhangin na inaapakan ko ngayon.
"Paul!!! Paul!!! Nasaan ka?!!!" Basang-basa na ang mukha ko dahil sa luhang nagkakalat dito, sumasakit na rin ang aking mga mata sa tindi ng ginagawa kong pag-iyak. "Paul..," huling salitang binigkas ko bago ako maramdam ng pagkahilo at panghihina ng mga tuhod.
"Kate? Kate! Pare, gising na siya!" Rinig kong sigaw ng isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha.
"A-anong nangyari?"
"Kate..."
"Kate? Kate! Jusko! Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo."
Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ko ang mukha ni Paul na bakas sa mata ang pag-aalala. Totoo ba 'to o dinadaya lang ako ng aking paningin?
Dahan-dahan kong iniangat ang kamay kong nanginginig sa kaba. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at hindi ko mapigilang yumakap sa kaniya nang masiguro kong totoo siya.
"Ikaw nga, Paul!" Naiiyak kong tugon habang halos mapunit na ang aking labi dahil sa todong pagkakangiti nito. 'Di na rin nag-alinlangang tumulo ang mga luha ko dahil sa sayang aking nararamdam.
"Te-teka, Kate, may nangyari ba? Sumagot ka, bakit ka umiiyak at... nanginginig?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya nang mga oras na iyon. Ngunit hindi ko siya sinagot, sa halip ay mas hinigpitan ko pa ang ginagawa kong pagyakap.
Ghad! 'Di niya alam kung gaanong sakit ang naramdaman ko nang akalain kong totoo ang mga pangyayaring iyon. Para akong hinampas ng sampung makakapal na bakal sa ulo.
"Buhay ka, Paul, buhay ka."
"H-huh? Kate, ano bang nangyari? Buhay ako, heto ako nasa harapan mo." Aniyang aligaga dahil sa ginagawa kong pag-iyak.
"Ang akala ko mawawala ka na sa akin. Ang akala ko iiwan mo na ako. Paul, hindi ko kaya 'yon, hindi ko maka—"
"Shhh... Tahan na, baby, huminahon ka muna, ito ang tubig." Iniabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at dali-dali ko naman itong nilagok.
Inhale.... Exhale....
Inhale.... Exhale....Dumilat na ako nang masiguro kong kalmado na ang aking loob. Ikinuwento ko sa kaniya ang laman ng aking panaginip. Dali-dali naman siyang umiling at nangakong hindi niya ako iiwan anuman ang mangyari... kahit na ikamatay niya pa ito.
Pagkatapos kong maayos ang aking sarili ay bumaba na kami at pumunta sa kusina upang sumabay na sa aming mga kaibigan sa pagkain.
Maya-maya lang ay pumunta kami sa kalapit na simbahan upang doon ay humingi ng gabay mula sa itaas. Mamaya lang kasi ay paalis na kami at babalik na kami sa syudad. Balik sa dating buhay, trabaho, trabaho, trabaho.
"Handa na ba ang lahat? Wala na ba kayong naiwan?" Paninigurado ni Hazel habang kami ay abala sa pagpasok ng mga gamit sa kani-kaniya naming mga sasakyan.
"Ang sa amin ay narito na, Hazel." Sambit ko habang papalapit sa kaniya. Mami-miss ko ang ganitong bonding namin.
"Mabuti naman. Mag-ingat kayo, Kate, a? Hoy, Paul! Alagaan mong mabuti itong kaibigan ko at huwag na huwag mo itong sasaktan, kung hindi ay lagot ka sa akin!!"
Natawa naman ako sa sinabing ito ni Hazel. Parang dati lang si Jeoh pa ang sinasabihan ko nito, a. Haha!
"Ano ka ba naman, Hazel? Syempre aalagaan at mamahalin ko itong si Kate. Ha? 'Di ba, Kate? Lalo pa't pinaplano na namin ang nalalapit naming kasal." Agad akong napatingin sa singsing na nakasuot sa aking daliri. Tama, malapit na kaming ikasal ni Paul, at malapit ko nang matawag na akin ang kaniyang puso at buhay.
"Siguraduhin mo lang."
"Oo. Hahaha! So, paano? Kita na lang tayo sa Engangement Party namin, a? Ingat din kayo! Guys, ingat sa biyahe!!!"
Sumakay na kami ng kotse ni Paul, at gaya ng lagi niyang ginagawa ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Napaka-sweet talaga.
Bumiyahe na kami upang makarating agad kami sa bahay bago sumapit ang umaga.
Agad kong pinatay ang aircon ng kotse nang makaramdam ako ng ginaw. Umuulan sa labas at napakalakas nito. Makikita mo rin ang pagguhit ng liwanag sa kalangitan. Panigurado ay may bagyo.
"Paul, dahan-dahan lang sa pagmamaneho, baka madisgrasya tayo."
Napansin kong hindi mapakali si Paul sa kaniyang inuupuan at halatang wala sa pagmamaneho ang kaniyang konsentrasyon. Nakaramdam naman ako ng pag-aalala kaya minabuti ko na rin na siya ay tanungin.
"Paul, may problema ba?"
"K-kate, ayaw gumana ng break." A, kaya pala mabilis pa rin ang— what?!!!
"Ano?!! Sigurado ka ba diyan?" Kung kanina'y siya lang ang nakakunot ang noo, ngayon ay nadamay na rin ako.
"Nagcheck naman ako ng makina kanina, gumagana pa ito, e."
Hindi ko siya pinansin at mas pinili ko na lamang na kunin ang cellphone ko para humingi ng tulong sa iba.
"The number that you have dialed..."
Shocks! Anong gagawin ko? Namin?
At biglang nanlaki ang mata ko nang makita kong bubunggo na kami sa malapad na pader.
"Paul!!!!"
Gumana na ang break ngunit huli na ang lahat. Dahil sa madulas ang daan ay nagpatuloy ang sasakyan namin hanggang sa bumangga ito.
YOU ARE READING
Hiram Na Kasiyahan
Teen FictionPaano kung paulit-ulit niyang malimutan ang nakaraan? Ilang beses mong kayang ipaglaban ang pag-ibig na ikaw na lang ang nakakaalam? Maituturing bang hiram na kasiyahan lamang ang lahat ng alaalang unti-unti niya nang nalimutan? Kate Fernando, the g...