Chapter 12- She is his fiancee!

92 1 0
                                    

"Nothing's permanent except change."

Chapter 11: She is his fiancée!

Rina POV

I don't know what happened but Yuni is really all over Arjay! Ang masakit pa nun sila na ang seatmate. Angsakit yung panghuling taon kong katabi si Arjay ay nasira dahil sa babaeng to! Asan na yung "Ahh~ Prince Raijin" niyang banat? Akala ko pa naman ay di siya interesado na pakasalan si Arjay pagkatapos.. tch!

"Ay naku hubby you're so cold talaga. Sige ka magkakawrinkles ka niyan.."

Inis akong napatingin sa katabi ko na noo'y nakatalikod sakin at kinukulit ng kinukulit si Arjay na noo'y hindi manlang siya tinapunan ng tingin. Ha! Nakakatawa.

'Mapagkunwari! Bruha!'

"Can't you just shut you're fucking mouth?"

Natigil ang lahat sa kanikanilang ginagawa ng bigla na lang lumamig ang paligid. Kahit ang mga nag-uusap ay napatigil, ang mga nagsusulat or nagtetxt ay naestatwa. He is mad.. he is definitely mad.

"Eiishh c Hubby talaga~" malanding ani ni Yuni at kumapit pa sa braso ni Arjay! Hanep tibay!

Kahapon nga ay official na naming naging classmate si Yuni Fuentes a.k.a ang blondeng fiancée ni Arjay slash na akala ko'y walang gusto sa kaniya slash na love at first sight sa kababata ko slash na magkasundo dapat kami slash turns out na bruha pala! Urghh.

Maya maya pa'y natanaw ko ang kababata ko na naglalakad na papasok ng room naming. Oo nga pala wala siya kahapon. Hmm.. Tinignan ko ang katabi ko na mukhang hindi alam na papasok na ang prince niya sa room dahil kinukulit parin niya ang Arjay ko. Tignan nga natin.

"Rai~ Ohayou~" Malakas na sabi ko na dinig na dinig sa buong kwarto.

Pero mukhang pinagsisihan ko naman agad dahil bumakas ang sobrang tuwa sa mukha ni Rain g ginawa ko yun. Syempre ako ang unang namansin. Urghh magiging clingy na naman to all day for sure pero..

Tinignan ko ang katabi ko at halatang natigilan siya at napatingin sa nakangiting si Rain a papalapit sakin. Nakita ko ang halong saya at lungkot sa mga mata niya. Oh? Hmm..

"R-rin! Ohayou~ eh?" natitigilang ani ni Rai ng makita ang panibagong pwesto naming apat dito sa likod.

"Oh goodmorning Mr. Alferez.." nakatayo na ang bruha ngayon at nakangiting nakaharap kay Rai.. "kilala mo na ako diba? I officially transferred here yesterday and as you can see gusto kong katabi ang hubby ko so I changed the seat arrangement." Sabi niya. Tch.

"Oh? Well I don't really mind as long as si Rin parin katabi ko.." sabi naman ng kababata ko na naupo na sa tabi ko with a sparkly puppy eyes at nakatingin sakin. Aish kainis.

Mukhang napahiya si Yuni dun at binalingan niya ako ng may masamang tingin.

'anong titnitingin tingin mo jan bruha ka! Don't tell me balak mong sulutin si Arjay at Raijin ng sabay? Abah! Malandi din.'

Padabog siyang umupo at binalingan na lang ulit si Arjay at kinulit. Hmp! Good thing di ka pinapansin ng Arjay ko.

Napatingin ako kay Arjay at nanlaki ang mga mata ko ng nakatingin din pala siya sakin! Di ko mabasa ang expression sa mga mata niya pero sobrang lakas ng impact ng tingin niya sakin. Naputol lang ang titigan namin ng dumating na si Sir Gomez at magsisimula na ang klase.

Napahawak ako sa dibdib ko at ang init din ng mukha ko.

'shet ba't siya tumitig sakin?'

****

Nasa library kami ngayon dahil may pinagawa si sir na research sa amin at kailangang ipasa agad within this day. Napabuntong hininga ako at naghanap ng libro about sa topic na napili ko dito sa pinaka dulong part ng library. Nang nakita ko amg librong hinahanap ko ay sinubukan ko yong abutin kaso masyado iyong mataas. Mas tumingkayad pa ako ngunit napatigil ako ng may umabot noon.

Sa pag-aakalang si Rai yun ay agad akong humarap kaso bumilis ang tibok ng puso ko ng ang seryosong mga mata ni Arjay na nakatingin sakin ang sumalubong sakin. I am now locked in between his arms. I can't breathe. Feeling ko ay masososphocate ako sa pwesto naming ngayon. Mataas siya kung kaya nakayuko siya sa akin at nakatingala naman ako sa kaniya. Pero hindi iyon ang kaso dito! Napakalapit naming sa isa't-isa!

"A-ah ano.. yung libro.." napalunok ako dahil feeling ko may nagbara na kung ano sa lalamunan ko. Feeling ko din ay lalabas na ang puso ko any moment.

Yumuko siya ng bahagya para mag level ang mga mukha namin at nanlaki ang mata ko sa move niyang yun!

'a-anong ginagawa niya?!'

"Are you ok with that?" his voice sounds so serious.

"Ha? A-anong ibig mong sabihin?" I manage to ask.

Halos magdikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit niya. I can also feel his warm breathing and his breath smells like mentol.

"You and me ... not being seatmate?" he said

Napatigil yata ang pagana ng utak ko sa sinabi niya. Tila nagpaulit ulit iyon sa utak ko na tila ba hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ngayon ngayon lang.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya pero I saw a hint of sadness in his eyes. Pero pinipilit kong isipin na b aka guni guni ko lang ang nakikita kong lungkot sa mga mata niya.

"What are you two doing?"

Nagulat ako ng marinig ko ang boses na iyon ni Yuni sa gilid namin. Napayuko si Arjay at natakpan ng buhok niya ang mga mata niya kung kaya't di ko na iyon nakita. Tumuwid siya sa pagkakatayo at nilagay ang librong hawak niya sa ulo ko kung kaya't dali-dali ko yung kinuha para hindi mahulog.

Tumalikod na siya at nakapamulsang umalis at nilagpasan pa si Yuni na noo'y may sasabihin pa yata sa kaniya. Agad namang humarap si Yuni sa akin na may talas na paningin.

"Let me remind you that I am his fiancé and Arjay is already off limits so back-off." Mataray niyang ani at umalis din.

My jaw literary drop sa sinabi niya! Asan na yung "ayaw ko sa kaniya cause his ugali is not so nice" na linya niya at "ayaw kong pakasal sa kaniya" na banat niya? Akala ko ba ay na love at first sight siya kay Rai? Nagjojoke lang ba siya sakin ng sinabi niyang ayaw niya pakasal kay Arjay? Ba't ngayon ay parang bet na bet na niya ang fiancée role?

At isa pa kelan pa nag level up ng ganoon ang story namin ni Arjay? Gusto niya ba akong seatmate? Diba wala siyang paki sakin? He only see me as a seatmate so why is he concern kung ok lang ba na hindi na kami seatmate? OMG! G-gusto niya rin ba ako????

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartBeat Per SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon