Part 11 :: Demented Patient

2.8K 95 9
                                    

Wondering, Hazen nibbled her lower lip. Her brow also furrowed intently. Hindi niya maiwaksi ang nakita niyang lalaki na tumakbo pataas ng hagdanan.

Who the hell was he?!

Alas syete na ng gabi, may iba pang estudyante rito? Wala namang panggabi na klase sa Sanchi Senior High, ah?

Sabagay baka tulad nila ay may mga nagpra-practice rin. Puwedeng sa ibang bagay naman, at baka sa ibang school building din.

Ang tanong lang ulit sa isip ni Hazen ay bakit ito umakto ng strange? Na para bang mayroon itong kinatatakutan o tinatakbuhan. Medyo ang weird niyon.

Saglit lamang ay namalayan na lang ni Hazen na maingat ang hakbang niyang tinatahak na ang tinungo ng lalaki. Nawala na sa isip niya si Mieko na nagpapaantay.

She hurried up the stairs to where the man had climbed. Gasping for breath, she reached the top and leaned against the wall to catch her breath. After a moment, she scanned her surroundings but saw nothing unusual. Tanging ang tugtog mula sa kinaroroonan na classroom nina Je Em, Harvey at Prince ang kanyang naririnig.

"Huh?!" Until, she heard a sudden thud from a nearby classroom that startled her. Awang ang mga labi niya at takot ang hitsura niya na biglang-tingin siya sa bandang iyon.

She stood frozen for a moment, her body trembling from the pounding of her heart. Nga lang ay namalayan na lang niya ulit ang kanyang sarili na patungo roon. Ewan niya kung nababaliw na ba siya o ano.

At napalunok siya ng ilang beses nang nasa tapat na siya ng pinto. Nakailang kurap din siya ng mga mata. Sa isip-isip niya'y what the hell she's doing? Ano bang pakialam niya kung bakit nagtatago o may pinagtataguan ang lalaking 'yon?

'Hazen, curiosity can kill you!' She heard a warning from a corner of her mind. Dahilan para mapahakbang siya paatras ng dalawang beses. Oo nga naman, mamaya ay masamang tao nga pala ang lalaki at kung anong gawin sa kanya kapag nakita siya.

'That's exactly it, Hazen. What if he's truly a dangerous person? What if he has ill intentions being here at the school, especially since he seems to be hiding? You should investigate!' But opposed of another part of her mind.

Hindi alam ang gagawain, nakagat-kagat ni Hazen ang kanyang pang-ibabang labi. Ano ang dapat niyang gawin?

Hanggang sa isang pasya ang nabuo niya sa kanyang isipan. Naisip niya na mas tama ang huling bahagi ng isip niya. Tama na dapat lang niyang alamin ang motibo ng lalaki at kapag nakita niyang may masamang balak nga ang lalaki ay isusumbong niya agad.

She again took two steps back when she made her decision. At lakas-loob na niyang hinawakan ang doorknob ng pinto. Maingat niya iyon na pinihit. Napakislot pa siya dahil hindi niya inaasahang bukas iyon.

Bakit gano'n? Hindi ba dapat ay naka-lock ang pinto dahil nagtatago ang lalaki sa loob?

Ah, baka nagmamadali. Nakalimutan sa pagkataranta. Malamang hindi nito inakala o naisip na may mga estudyante pa ngayon sa school at hindi lang mga guwardya.

Kaso parang mali talaga. Parang tanga lang kasi kung gano'n dahil kapag gagawa ng masama ang isang tao, eh, dapat pag-isipan lahat ang posibilidad at mas dapat na maging maingat.

By that, Hazen became even more curious. Naging buo na ang loob niya na itinulak ang pinto.

"Huh?!" But suddenly, a hand gripped her wrist, preventing her from carrying out her plan. The extreme shock and fear almost caused her to lose consciousness.

"What are you doing?" Pero nang marinig niya na boses ni Prince ang nagsalita ay napabuga na siya ng hangin sa bunganga niya kasabay nang pagdakma niya sa sariling dibdib. Oh, God! Akala niya kung sino na!

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon