Chapter 1

39 2 0
                                    

Cling!!!!!!

"aray ko" ayan na lang ang nasabi ko nang batuhin ako nang tita ko nang kaldero sa ulo

" gumising ka na dyan at magluto ko nang agahan, nagugutom na ako, bilisan mo baka di na kita papasukin sa eskwelahan mo" sabi ni tita

bigla akong napatayo, dahil kahit nasa mahirap na sitwasyon ako kapag nakapagtapos ako, trabaho na mismo ang lalapit sakin

mayaman sila tita, kaya nag papasalamat parin ako dahil nakakapag aral ako kung saan nag aaral ang mga pinsan ko

di ko alam kung bakit iisa lang ang maid nila dito? bale dalawa pala isama mo na ako, di nila ako sinuswelduhan nang salapi pero may sarili akong kwarto, pasalamat na lang ako dahil malaki ang hagdan nila tita. OO. sa ilalim nang hagdan ang kwarto ko lakas nga maka harry potter eh, nasa kusina ang pinto.

Nasaan ang magulang ko? wala na si papa pero si mama? ewan ko ba dun lumalandi nanaman pero mahal ko yun, dati sa tuwing uwian nang school, lagi siyang nasa labas nag aabang tapos linilibre ako nang fishball. kwek-kwek marami pa

nakakamiss din siya, limang taon na rin kami di nag kikita

"Ing-ing Bilisan mo dyan! gutom na rin mga pinsan mo! bilisan mo rin dahil may pasok ka rin, Mahiya ka naman! first day of school tapos malelate ka!" sigaw ni tita

"eto na tita!" binuhat ko yung tray at nag lakad papunta sa mahaba nilang mesa

nang makita ko nanaman ang nakakatakot na mukha nang Tres Maria's kong pinsan, di naman talaga nakakatakot pero, sa tuwing nakikita nila ako isa isang tumataas yung kilay nila.

nang malapag ko ang tray na pinag lalagyan nang niluto kong pang agahan agad akong umalis at dumeretso sa banyo at nag madaling maligo mabilisang ligo, hilod, ang ginagawa ko dahil mabibwisit nanaman ang tres maria

pag labas ko nang banyo, nakita ko ang nakapamewang na tres maria na may nakapatong na towel sa kaNilang balikat, ewan ko ba? may sari-sarili silang banyo sa kwarto nila

dumeretso na lang ako sa kwarto ko at di sila pinansin dahil daig pa nila si Gloc 9 kung mag salita

Bakit Tres Maria's? ganito yan sa triplets

Ang pinaka unang lumabas, ay si Joan Marie Marquez, Red lips, 5'5, maputi, laging nakalugay

pangalawa, Angela Marie Marquez, Pink lips, kulot, hanggang siko ang haba nang buhok, 5'6, lagi ring nakalugay

at huli, Princess Marie Marquez, 5'5, kulot din at syempre red lips at lagi rin nakalugay ang buhok

nag bihis na ako at nang humarap ako sa salamin naalala ko lagi ang nang yayari sa school

naalala ko yung binasa nila ako nang walang dahilan, inuubusan nang pag kain sa canteen, pag bibintang nila na nangongopya sila pero ang totoo sila yung nangongopya

lahat yan naaalala ko sa tuwing nakikita ko yung uniform, actuallu exclusive yung school na pinag aaralan ko, ang pinaka sikat dito saamin ang Moffet International School

kaya swerte ko pa rin kasi dito ako pinag aral ni tita

di na ako nag ayos nag suklay lang, kinuha ko ang helmet ko at dumeretso palabas bago pa ako utusan nang tita ko nang kung ano ano

nang makaupo na ako sa scooter ko na pinag ipunan ko, inayos ko kaagad ang side mirror nang mapansin kong hindi ko suot ang eye glass ko, agad kong kinuha iyon sa bag ko

agad ko nang pinaandar ang scooter ko

buti pa yung simoy nang hangin nag paparelax sa aakin, malaki masyado tong Village nila tita, Marami akong nakikitang estudyante na excited na pumasok sa school, buti pa sila naeexcite, sana swerte ang araw na to saakin, kahit ngayon lang talaga walang mambully sa akin

Anything I'm notWhere stories live. Discover now