Isang disaster nanaman ang nangyari sa first day of school ko and for sure mag tutuloy-tuloy parin yun.
kailan kaya magiging tahimik ang buhay ko? yung walang nang gugulo?
dumeretso ako sa aking trabaho. may locker naman ako dun saka may mga damit din
nag tatrabaho ako sa isang Cofee shop, eto lang ang napag applayan ko, pero masaya na rin ako dito..
habang walang costumer ang dumadating, nag gigitara ako, eto talaga ang stress reliever ko
ewan ko kung anong kanta tong ginagawa ko pero maganda naman pakinggan
nagulat ako nang tumunog ang wind chime nang cafe
isa lang ibig sabihin niyan, may customer
"good evening sir, welcome to Heaven Cafe! can I get your order?" bati ko
"One Frappe Cappuccino lang"
"frappe cappucino right away sir" saka ginawa ko na ang dapat na gawin
lumapit ako sa lalaki
"here's your order sir, enjoy your day"
ewan ko, feeling ko sa trabaho lang ako magiging masaya, ako lang ang nasa night shift, saka okay lang dahil di naman ganun karami ang customer saka hanggang 2am lang ako, ang bait talaga nang manager nang cafe na to
dito sa Cafe nagiging payapa ang buhay ko, dahil di nila alam yung katayuan nang buhay ko at nang pamilya ko
8 hours lang ang pasok ko dito sa cafe, 10 hours pasok ko sa school, so may 6 hours ako para makapag-pahinga
hayyss, okay na rin yun, maswerte parin ako dahil may natutuluyan ako, saka may trabaho rin ako
"uhm..... excuse me miss?" sabi nung lalaki kaya agad akong tumayo
"yes sir how may i help you" oh diba taray, call center ang peg
"anong cup cake ba ang best seller nyo dito?" tanong niya nang nakayuko
"Red velvet po sir" sagot ko nang biglang siyang tumingin sa akin
"Ingrid????"
"James???"sabay naming tanong
"anong ginagawa mo dito?" tanong niya
"ahh....ehhh, part time job ko to eh" sabi ko
"ahhh, good may tambayan na rin ako" sabi niya
ang pogi talaga ni James, hindi siya maputi pero pogi siya
"pwede ba kitang maging kaibigan?" ani james
"oo pero, di ka ba naaalangan na makipag kaibigan sakin?" tanong ko
"bakit naman?" nakangiting tanong niya habang ako kinukuha ko naman ang red velvet
"kasi yung mga classmate natin nilalayuan ako dahil sa ano"
"ano?"
"di mo talaga maintindihan"
"di ko maiintindihan kung di mo sasabihin"
"Kasi nga, diba? anak lamang ako sa pag kakamali, saka di maganda trabaho nanay ko, alam mo yun, aware ka ba sa sinasabi nilang malandi ako, yung ganun" sabi ko habang nilapag sa table nya yung order nya
"bakit ganyan ka?!!!" nagulat ako nang sumigaw sya. " bakit mababa tingin mo sa sarili mo, saka bakit, kung ganun tawag nila sayo, totoo ba? hindi naman diba? saka nanay mo naman yun hindi ikaw, wala kang kinalaman dun" sabi niya
YOU ARE READING
Anything I'm not
Novela JuvenilMahirap na kapag may problema ka, wala kang masasandalan. What if never kang nag karoon nang kaibigan because of someone, Lait, sabunot, sampal masakit na maranasan ang mga ganyan lalo na wala ka namang ginawang masama. pero maswerte parin tayo dahi...