part 3

1 1 0
                                    

Celestine

Naghahanda na ako dahil mamaya maya ay susunduin na ako ni Jay. Sabay na daw kasi kaming pupunta sa meeting place namin. Pupunta pala kami sa Star City at syempre excited na ako dahil makakasama ko si Jay sa isang buong araw. 

Simple lang ang sinuot ko. White shirt with denim jacket, rip jeans and white rubber shoes. At syempre onteng make up (灬♥ω♥灬)

"nak, nandyan na yung sundo mo," sabi ni mom na hindi ko man lang namalayang nakapasok na pala ng room ko. "ahh, you look so pretty baby,"

"thank you mommy," at nikiss ko sya sa cheeks.

"hindi mo naman sinabi sa akin na ang pogi ng friend mo," chika ni mommy na parang kinikilig pa.

"ayiee ano ba mommy!,"

"oh sige na nak baka mangawit na kakahintay yung FRIEND mo," pinagkadiinan ba naman yung FRIEND. Maisyu si mommy.

Nag madali na akong bumaba. Hala ayiee nakatalikod palang sya ang pogi pogi nya na. Omy!  Naka denim jacket din sya! 
Kinalabit ko sya at unti unti na syang humarap sa akin.

"ikaw?," bulong ko sa kanya.

"hey Celestine," bati nya sa akin.

"hoy Klein bat ka nandito ah?  Tsaka bat alam mo kung saan ako nakatira? Tsaka nasan si Jay?, " sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"isa isa lang ang tanong,  mahina kalaban," pagbibiro nya. Akala mo naman nakakatawa tsk. "ganito kasi yan,  hindi daw makakapunta si Jay may emergency e nagkataong mag kapitbahay kami at nakisuyo syang sunduin kita baka daw kasi maghintay ka. Pasalamat kayo at mabait akong nilalang," paliwanag nya sa akin.

Ayiee ang sweet talaga ni Jay. Kahit may emergency, iniisip nya pa rin ako.  Enebe....

"tsk, tara na nga, " pag aaya ko sa kanya. Dumiretso ako sa paglalakad,  napansin kong hindi na sya sumusunod sa akin.

"hey! Sakay na," at binuksan nya ang pintuan ng kotse nya. "wear your seatbelt on,"

Huhuhu hindi ko makakasama si Jay ngayong araw tas itong damuhong ito pa ang kasama ko.

Mabilis lang kaming nakarating sa meeting place na sinabi ni Pritssy kahapon.

"nandito na pala kayo tintin," bati ni Pritssy ng makapasok kami sa convenient store.

"oh couple jacket pa kayo ni Klein ah," pang bibiro ni Tim, classmate namin.

"oo nga no! Ayiee!," si Mae, classmate din namin.

"ano ba kayo, coincidence lang to," at inirapan ko sila.

"si Jay nalang kulang, " singit ni Daniel classmate din namin.

"ah hindi daw sya makakapunta,  may emergency, " paliwanag ni Klein.

"ahh sayang naman, " si Pritssy. "tara na guys!,"

Sa sasakyan dapat ako nila Pritssy sasabay kaso puno na sila, kaya pinasabay nalang nila ako kay Klein. Hays mukhang mababadtrip lang ako buong araw!

"mag salita ka naman dyan baka ma stroke ka, " sabi ni Klein. Ang korni talaga mag joke.

"ano naman sasabihin ko sayo? Tsaka maaasar lang ako no kaya wag na, " pag iinarte ko sa kanya.

"ay nagdrama, hindi bagay sayo hoy! Tsaka wag ka na ngang pachoosy, ang pogi pogi na nga ng kumakausap sayo," ang hangin talaga.

"bahala ka jan, pag magsasalita ka hindi kita papansinin, " at nag panggap akong natutulog.

"nako bahala ka din dyan. Hindi ka makakatulog kasi kukulitin kita Bwahahaha!, " tumawa sya ng malademonyo.

"blah blah blah! " at pinikit ko na uli ang mga mata ko.

Klein

Hahaha! Bahala sya sa buhay nya kukulitin ko sya ng kukulitin.

"alam mo ba nung ten years old ako dinala ako ng daddy ko sa harap ng salamin. Hindi ko alam kung bakit ang pogi ko dun sa salamin kaya simula nung araw na yun nagdesisyonan na akong maging tunay na pogi, " sabi ko with matching pogi pose.

Haha! Matibay tong isang to ah. Binuksan ko ang speaker ng kotse ko at niconnect ko sa cellphone ko. Nilakasan ko ang volume, yung sobrang lakas. Bwahaha!

"nang ma inlab ako sayo kala ko pag-ibig mo ay tunay ngunit hindi rin nag tagal lumabas din ang tunay na kulay! Ang iyong kilay mapag mataas laging namimintas pero ang pera ko ang lagi mong winawaldas -," hindi ko na tapos ang kanta dahil pinatay nya yung speaker.  Haha! Bibigay na din to.

Binuksan ko ule yung speaker. Papatugtugin ko yung kanta ng favorite ko'ng  K-pop boy group.

"A yo Ladies n Gentleman jun bi ga dwet ta myon bu rul ke yeah tan nyo sok dul gwa nun da ru ge ne stail lo ne ne ne nes stail lo ay yoh!," pagkanta ko with feelings. Sabi  ng iba bakla lang daw yung lalaking nakikinig ng mga k-pop songs pero wala akong pake. I'm a proud ARMY!

Feel na feel ko pa rin ang pag kanta.

Ayan na chorus na! "So ri cho bwa all right mo mi ta bo ri do rok all night (all night) Cause we got fire (fire) Higher (Higher) I gotta make it gotta gotta make it jo ro!," napatingin ako sa katabi ko. hala gising na gising hahaha! nakikikanta rin sya ah." Go bu nun go bu he, na wol le no mu he mo du da ta ra he (jo ro jo ro jo ro) jo ro go bu nun go bu he jon bu na ye no ye mo du da ta ra he (jo ro jo ro jo ro) jo ro," kumakanta sya with matching pagsayaw hahaha nakakatuwa.

"Army ka din ba??," usisa nya. tumango  lang ako sa kanya. "Hala! omy! fanboy!," hahaha ang cute ng reaksyon nya.

Nagjamming lang kami hanggang sa makarating na kami sa Star City. Tirik na Tirik ang araw, buti nalang at may dala akong cap. Kinuha ko ang cap ko sa back seat at pinagbukasan ko na nang pinto si Celestine. "Hala ang init wala akong cap," sabi nya at nag pout. Buti nalang at may extra cap ako. 

"Hays, pasalamat ka may extra ako," at inabot ko na sa kanya ang extra cap ko.

"Thank you ah," at nginitian nya ako. Ang cute nya. hey, wait, anong nangyayare sa akin? bat nakukyutan ako sa kanya? tss.

________________________________________________

AN: sensya na sa mga di fan ng k-pop especially BTS, but no one can stop me ahaha I'm a proud Army! 

PS: Di lang obvious 

Memories of Celestine CorpuzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon