Part 4

1 1 0
                                    

Celestine

Feeling ko ang tagal tagal ng oras, siguro ganun talaga kapag hindi ka nag eenjoy lalo na sa kasama mo. Buset na Klein kasi yan e! Ang kj ayaw sa mga extreme rides e wala naman akong magagawa. Nag buddy buddy kasi kami at yung mga lokong yun, kay Klein ako pinares. 

"Klein dun tayo sa roller coaster oh! para may thrill naman jusq!," sabi ko habang umaarte na naiinis, actually naiinis na talaga ako. Niyugyog yugyog ko pa ang braso nya. "Dali na kasi! please!," 

"Delikado dyan no! mahirap na baka maaksidente tayo," alam ko namang palusot nya lang iyon kaya hinatak hatak ko parin sya.

"Ang KJ mo naman e!," 

"Wag  nalang dyan," at nagpumiglas. "Doon nalang o,safe pa," turo nya sa isang ride.

 "Ano kaba e carousel naman yan e!,"sigaw ko sa kanya. Mukha na kaming timang na nagsisigawan, pinagtitinginan na din kami ng mga tao pero wala parin akong pake. gusto ko sumakay sa roller coaster!

Napansin kong nag-iba ang mukha nya. Bat mukhang naiiyak tong mokong na to? "May problema ba?," tanong ko sa kanya.

"May naalala lang ako sa carousel," 

"Ano naman yan naaalala mo?," 

"My little sister, yan yung huling ride  na nasakyan namin together," at may tumulong luha sa mga mata nya.

"Hoy!ano ba yan bakit nag emote ka? Shh shh wag ka nang umiyak," hala ano ba to ang  iyakin lalo tuloy kaming pinagtitinginan. "Oo na sasakay na tayo dyan ah tahan na. kalalaking tao ang iyakin," pinunasan nya na ang mga luha sa mukha nya. Ano kayang nangyare sa kapatid nya? Nakakailang naman mag tanong. 

Nakasakay na kami. Mag katabi kami ni Klein. Huhuhuhu siguro kung nandito si Jake ang sweet naming tignan. Nagsimula nang umikot ang mga kabayo. Ano ba yan mukha kaming mga bata. Tahimik lang ako hanggang sa matapos na yung ride. "Tara na?," himala parang ang anghel ng boses nya ngayon. 

"O-oo sige," hala bakit ang awkward naman. Naglakad na kami hanggang sa marating namin ang mga food stalls. "Tara kain tayo," pag aaya ko sa kanya. Sumunod naman sya sa akin. Ang tahimik nya inpernes.  

"Anong oorderin mo?,"

"kung ano nalang yung iyo ganun nalang din yung sa akin," sabi  ko at naupo.  

Bigla akong nakaramdam ng hilo. Umiikot ang paningin ko. Hindi ko namalayang nakaupo na pala si Kleinsa tabi ko. " Anong nangyayare sayo?," 

"Nahihilo ako," at kumapit ako  sa braso nya. Hindi ko na kaya parang babagsak na yung ulo ko. 



Pagdilat nang mata ko ay nasa kwarto ko na ako. anong nangyari? 

"Mom gising na si tintin," si kuya. "Okay ka na ba tin?," may pag-aalala sa boses nya.

"Okay lang ako kuya, ano pa lang nangyari? sinong naghatid sakin dito?," sunod sunod na tanong ko.

"shh, wag ka munang dumaldal ang mahalaga ngayon e okay ka na, sa susunod mag-ingat ka na nako pinag-alala mo kami nila mommy," 

Nacucurious ako kung sino ang nag hatid sakin. Baka si Klein. "Oh darling! buti at gising ka na! pinag-alala mo kami ng daddy mo," at hinalikan ako ni mommy sa ulo.

"Mom sino'ng nag hatid sakin?," dirediretso kong tanong.

"Jay daw pangalan nya e," WHAATTTTT???!! SI JAY????!!! Pero pano?

"Sure ka ba dyan mommy?," paninigurado ko.

"Oo nga! nako ikaw Celestine ah! sa susunod mag-iingat ka na at wag ka nang magpapagod ng sobra," 

"Sorry mom," Napakaswerte ko at may mommy akong katulad ni mom.

"O sya papadalhan nalang kita  ng pagkain mo dito ah," 

Memories of Celestine CorpuzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon