TAYO

110 0 0
                                    

"TAYO"

Sa pagsisimula ko ng tulang ito,
isang salita lamang ang nasa isip ko,
yun ay ang salitang "Tayo"

High school tayo ng magsimula ang salitang TAYO,
Niligawan mo ko, sinagot kita at naging TAYO,
Dumaan ang araw, buwan at taon at nandun pa rin ang TAYO.

Yung TAYO na masaya,
Nandun yung TAYO na malungkot,
yung TAYO na naghiwalay,
at yung TAYO na nagbalikan.

Yung TAYO na naniniwala sa pangalawang pagkakataon,
yung TAYO na sabay humaharap sa mga pagsubok ng panahon,
yung TAYO na walang iniintinding ibang tao,
at yung TAYO na ipinaglalaban ang salitang "TAYO"

Lumipas ang isa't kalahating taon, nawala ang salitang "TAYO",
sa isang iglap, binawi ni destiny ang TAYO
sa pangalawang pagkakamali naglaho ang TAYO,
sa pangatlong pagkakataon, nagbreak TAYO.

Ang sabi mo, "Magbreak na TAYO"
ang tanong ko, "Bakit? Diba okay naman TAYO?"
"Nagbibiro ka lang, diba masaya pa nga TAYO?"
Umiling ka at sinabing, "Tumigil kana! Wala ng TAYO"

Para mo akong sinampal ng katotohanang wala ng TAYO.
Yung katotohanan na ako na lang pala ang naniniwala sa salitang TAYO.
Ilang buwan akong nagkulong sa bahay ng naghiwalay TAYO,
akala ko okay na ko, ngunit paglabas ko, nakita ko KAYO.

Yung KAYO na magkatitigan,
yung KAYO na naglalambingan,
yung KAYO na magkahawak kamay,
at yung KAYO na masaya sa isa't isa.

Bumalik na naman sa isip ko ang salitang TAYO,
bumalik na naman ang alaala nung TAYO,
alaala na kung saan masaya pa TAYO,
yung dating TAYO na napalitan na ngayon ng KAYO.

Spoken Word Poetry of Ate YhesselWhere stories live. Discover now