"KAIBIGAN"
Hi bes! Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako yung kaibigan mo,
Kaibigan mo na laging nasa tabi mo,
Nasa tabi mo, nakasuporta sayo.Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako na unang nakilala mo,
Unang nakilala mo, ngunit ngayo'y binabaliwala mo,
Binabaliwala mo, dahil dumating na siya sa buhay mo.Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako na laging kasama mo,
Kasama mo sa iyong pagbili,
Pagbili ng regalo para sa inyong monthsary.Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako yung taong nasa harap niyo,
Nasa harap niyo habang naglalambingan kayo,
Naglalambingan kayo habang ako, nagbubulag- bulagan sa mga nakikita ko.Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako yung takbuhan mo,
Takbuhan mo kapag nasasaktan ka,
Nasasaktan ka dahil sa kanya.Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako na handang makinig sayo.
Makinig sa mga problema mo,
Problema mo dahil sa mga katangahan mo.Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako yung kaibigan mong may gusto sayo,
May gusto sayo at nasasaktan ako,
Nasasaktan ako dahil iba ang iyong gusto.Naaalala mo pa ba ako?
Ako, ako yung kaibigan mo,
Kaibigan mo na nagmamahal sayo,
Nagmamahal sayo, ngunit pinili mo ay ibang tao.