Chapter 1

267 14 3
                                    

Gunggong ang turing nya sa sarili nya. Sa paaralan na kanyang pinapasukan. Hindi mataas ang mga grades nya. Pasang-awa lagi ang grades nya nakakahiya para sa isang estudyante na nag-aaral sa private school. Hindi sya pogi, matalino, panget, mayabang, maangas at hindi din sya yung nag papatawa sa klase. Sya yung tipong hindi mo ramdam na pumapasok sa klase.   

Iba ang patakaran ng private school na pinapasukan ni Marvin De Asis aka Marv. Bawat papasok ang bagong taon ng klase kailangan mo muna mag exam para malaman mo kung ano ang magiging Class Section mo. A to E lang ang section nila this year. Halos lahat ng estudyante ng Guardian Angel Academy ay naghahanda para sa pagsusulit na ito halos gawin review ang summer nakakahiya sa kanila kung mapupunta ka sa Class E na section. Mahirap talaga ang exam dapat halos lahat ng subject alam mo para makapasok ka sa Section A. 

"Hmmmmm!"

"Sir! Ako nanaman?"

"Oo, umaasa ako na malilipat ka sa ibang section this year!"

"Sir sumisigaw ka nanaman, Bakit sa lahat ng teacher ko ikaw lang ang concern sa akin."

"Dahil teacher mo ako! Eto ang questionnaire at answer sheet mo. Goodluck! Huwag pasaway masungit ang bantay nyo sa loob ng room."

"Thank you! Sir!"

"Go! Gunggong!"

"Hahaha."

Question No.135 "Factor x^2 - 2x -24."

"Mali ata sagot ko, Amp. Wahhhh! Wala na ako pambura!"

"Paano na ito!"

"Sayang ito, Baka tama ang hula ko! - Taranta na si Marv kinakausap na ang sarili nya."

Napatingin sya sa katabi nya. 

"Hindi pa nya nagagamit ang pambura nya sa pencil nya. Hihiram ba ako o hihiram?" - Sa isip ni Marv

"Miss? Pwede ba mahirap yung pambura mo? Saglit lang." 

Pinahiram naman ng magandang babae ang lapis nya na may pambura. Habang nagbubura si Marv. Napatingin ito sa babae dahil ang amo ng mukha bumababa na ang mata ni Marv sa dibdib ng babae at malaki ito. Napansin na ng babae na tinitingnan na ni Marv ang dibdib nito.

"Kuya! Saan po kayo nakatingin?" - Mabait na tono ng maamong babae

"Ay! Wala!" - Marv

"Kuya! yung pencil ko po? pwede paba....."

"Aileen Garcia! You break the rules, Tumingin ka sa hindi mo papel. Please get out! " 

 "But? Ma'am!" 

 "No explanation. Get out!"

Hindi na nakasalita si Marv. Halos natakot sa pangyayari. Naiwan sa kanya ang lapis ng magandang babae. Sising-sisi pero walang nagawa. Natapos nya na ang exam. Hinanap nya ang babae pero hindi nya na nakita. 

Pasukan na tumatakbo na si Marv papunta sa registrar para kunin ang result ng exam nya at makita nya ang class section nya pero nakahintay sa kanya si Sir. Arnel Tomas.

 "De Asis! you're late." 

"Mang Tomas este, Sir. Arnel Tomas. Magandang Umaga po!"

Kitang-kita sa mukha ni Sir. Arnel Tomas ang saya.

"Tinawag mo ako na Mang Tomas?" - Sir Tomas

"Sir, May sira na ata ang pandinig nyo?" - Marv

"Sorry! Medyo maingay lang ata. Pero may sasabihin pala ako sayo kaya hinintay na kita dito." - Sir Tomas

I Love Being GunggongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon