Danger 1

98 10 1
                                    

Chapter 1: Meet Up

Lyza's POV

"Bakit ba kasi kailangan pa nating mag transfer?!" angal ko sa kapatid kong magaling.

"E bakit sakin mo sinasabi yan!?" Oo nga naman bakit sa kanya? E si daddy ang naglipat sa amin. Ah basta!! Wala si daddy e. Edi sa kanya. Hmp!!

"E gusto ko e!!" tiningnan ko sya at napangiwi nang makitang walang ekspresyong mukha nya na seryosong nakatingin sa daan. Kahit kailan talaga. Tsk.

Pinili ko nalang na tumahimik sa buong byahe at dumungaw sa bintana. Hindi ko alam kung anong daan ang tinatahak namin. Masyadong mapuno naman dito. Anong klaseng school ba ang papasukan namin?

Ni katiting na dahilan wala akong alam kung bakit kami inilipat nang school. Basta isang araw nalang sinabi ni daddy na kailangan naming lumipat ng school.

Flashback...

Bakasyon ngayon at imbis na naggagala ako, mas pinili ko nalang na magkulong sa kwarto. Pero syempre hindi lang naman yun ang ginagawa ko.

Syempre hindi mawawala sa isip ko ang malimit kong gawin pag may free time ako. Training. Hindi basta basta ang training nato. Bata pa lang ako sinanay na akong humawak nang patalim. At ito ang hobby ko.

Tanghali nakong nagising kaya pagkatapos kong magayos nang sarili ay dali dali nakong pumunta sa kusina at tumingin nang makakain pero wala nakong naabutan. Namili pa ata.

Palabas na sana ko nang kusina nang pumasok naman sina kuya and dad. Humalik ako kay dad sa pisngi at hindi pinansin si kuya na nakapoker face. Tss.

"Gising kana pala Ally" naupo ako sa harap ni kuya. Nasa gitna naman si daddy.

Pumasok si Ate Alice dala ang mga pinamili nya. Correction lang kasambahay namin sya pero hindi ko sya kadugo. Ate lang talaga ang gusto kong itawag sa kanya dahil parang ate ko na rin sya.

"Alice, coffee" agad namang sinunod ni Ate si Dad.

"Alis muna ko dad." pagpapaalam ko na agad naman nyang tinutulan kaya bumalik ako sa kaninang pwesto ko.

Humigop sya sa kanyang kape na ibinigay ni Ate Alice.

"Bago ka umalis may sasabihin muna ko" umayos ito nang upo "Gusto ko kayong ilipat sa school kung saan ako nagtatrabaho this coming school year." hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi ni dad pero hindi ko pinahalata.

"Reason" malamig na sambit ni kuya na nakatitig sa kanyang kape.

"Tsaka ko na sasabihin kapag nandoon na kayo. Sa ngayon prepare yourself." tanging sabi nito tska lalabas na sana nang kusina nang may pahabol pa ito.

"Devil Dark Academy is waiting" sambit nito na hindi ko maintindihan.

"Shit" malutong na mura ni Kuya bago ako iniwang parang tanga na hindi maintindihan ang mga sinasabi nila.

"Demons" nagulat ako nang nasa harap ko na si Ate Alice. Naka ngisi ito sakin at hindi ko ito nagustuhan. Inilabas ko ang Dark knife ko kung tawagin at itinutok ito sa kanya.

"Whoa!!Easy!!" itinaas nito ang kanyang dalawang kamay at tumalikod na sa akin.

"Tss" lumabas nako sa kusina at pumunta na sa Training Room.

End of Flashback..

Huminto ang sasakyan na ngayon ay nakapark na. Kinuha nito ang bag nya bago bumaba. Bumaba na rin ako, as if namang pagbubuksan ako nito. Nauuna syang maglakad kaya tumakbo ako at sinabayan sya.

Game of The Demons: Danger Death(ON GOING)Where stories live. Discover now