Hi magandang araw sa inyo. Ako nga po pala si Sawi, pwede nyo rin po ako tawaging Tanga. Lahat naman po siguro tayo nakadanas na ng Love at First Sight. I'm sure meron ra ring na First Heartache. Oo aaminin ko, gaya niyo nagpakatanga ako sa pag-ibig, nagbingi-bingihan sa katotohanan, nagbulag-bulagan sa mga totoong mga nangyayari. Wala akong karapatan magalit o magselos dahil hindi naman kami at higit sa lahat, hindi ko siya pagmamay-ari. Gaya ng iba umasa din ako. Yung feeling na parang may meaning lahat ng mga kinikilos niya... pero ang totoo nag-eelusyon lang ako. Ang sama ng lasa ng love life ko... made with paasang crush.
Aaminin ko, pinangarap kong maging tayo,pero alam kong malabo. Gusto kita, gusto mo siya, gusto ka niya.. mahal niyo ang isa't isa. Siguro mag-isa nalang ako, mag-isa ko nalang tutuparin ang mga pangarap ko. Piliting ko mang sumaya pero walang kwenta ang lahat ng pinakakawalan ko ng tawa. Pero pipilitin kong maging masaya para sa inyo... para sayo. Kahit na maging tayo alam kong hindi ka sasaya dahil hindi ako ang kaligayahan mo. But I want you to know, and I want you to hear this three painful words."I Love you!"
God bless!
YOU ARE READING
Three Painful Words ( One Shot)
Short StoryWala naman sigurong masama kung umibig diba? Pero bakit?... Bakit sayo pa ako nahulog ng husto?