5: THE SIBLINGS

2.1K 82 26
                                    

Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang ibang tauhan na magkaron ng POV. Sana po may nagbabasa pa.

Nicole Dunstan

"I was really disgusted. Ang tapang niya pero mukha naman siyang mahina." Padabog akong naglakad papuntang living room at naabutan ko si Kuya Chad na nagbabasa ng libro.

"Don't shout little girl." Saway ni Kuya Chad sa akin. Pabagsak akong umupo sa couch at pinagkrus ang dalawa kong braso.

"C'mon, I'm not a little kid anymore Kuya and I don't like that stupid Elyon." Hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yung mga sinabi ng feelingerang iyon.

"Huwag ka ng mainis maari pa rin naman tayong sumubok ulit hangga't wala pang napipili."

Napatingin ako kay Kuya Chad.

"Tama si Kuya Chad maari pa rin naman lalo pa't nasa pangangalaga na natin ang medalyon." Si Kuya Dicko ang nagsalita. Naglakad siya papunta sa amin together with Kuya Dick. Bahagya niyang inayos ang salamin sa kanyang mata habang nakapasok naman sa magkabilang bulsa ang kamay ni Kuya Dick.

When Lola Margareth died, she command Uncle Luis to keep the medallion in the safest place hanggang mapasakamay na ito ng bagong vessel. Nagpagawa ng especial na silid si Daddy kay Kuya Dicko kung saan walang basta-bastang makakapasok maliban sa nakatakda. "I thought siya ang napili?"

"Papaano nating masasabing siya nga ang napili?" Bigla akong nalito sa sinasabi nila at hindi naman ito nakaligtas kay Kuya Dicko. "Tandaan mong may pagkatuso ang apat na elemento. Pipili sila ng gusto nilang maging vessel it's either maging tagasunod nila or pasusunurin sila."

"She looks weak. Kaya siya pinili ng apat na elemento para maging sunudsunuran sa kanila. Am I right?"

"Or maybe may nakitang potential sa kanya na hindi basta-basta nakikita ng kahit na sino. Huwag niyo ring kalilimutan na kahit pasaway ang apat na elemento hindi lamang sa pisikal na antas sila tumitingin." Si kuya Dick na ang nagsalita. Minsan lang magsalita ito kapag nagiging interesante sa kanya. Nagtataka talaga ako kung bakit hindi siya ang napili gayong sa aming lahat siya ang pinakamalapit sa hayop.

"Kinakampihan mo ba siya?"

"I'm just telling the possibility." Nakapamulsang umalis si Kuya Dick. Madalas tahimik at walang paki-alam sa mundo si Kuya Dick. Mas gusto pa niyang kasama 'yung mga alaga niya o kaya maghorse backriding.

Tumalikod na rin si Kuya Dicko mukhang pupunta na naman siya sa lungga niya.

Elyon

Sa loob ng ilang araw ang buhay ko sa school ay naging makabuluhan. Makikita ko na lang ang locker ko na puno ng vandals, may bigla-biglang titisod sa akin sa daan, may nagkulong din sa akin sa bakanteng room, at marami pang iba.

Same pa rin ang routine ko sa training. Mag-iigib ng tubig, maglalampaso ng sahig, mamumulot ng sanga sa gubat, maglalaba, mag-aayos ng mga kwarto, at magluluto. Halos dalawang linggo nang ganito ang routine ng buhay ko at unti-unti nasasanay na rin ako.

Nakita ko na rin ang improvement sa lahat ng ginagawa kong training. Hindi na ako nahihirapang magbuhat ng dalawang balde, Tantiyado ko na ang pagsisibak ng kahoy, Mabilis na rin akong natatapos maglampaso ng sahig.

"Aray!" Napaso ako dahil nagpapabaga ako ng apoy para sa pagluluto. Ito na lang ang hindi ko mamaster. Hindi ata ako pinanganak sa pagluluto.

"Ayusin mo 'yan, nakakailang sayang na ako ng pagkain dahil sa kapalpakan mo." 'Yung matandang hukluban ang nagsalita. Alam na nga niyang palpak akong magluto ako pa rin ang pinagluluto niya. Badtrip.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon