33: FLED AWAY

1.2K 54 2
                                    


Nagising ako mula sa aking panaginip at nang imulat ko ang aking mga mata kadiliman pa rin ang sumalubong sa akin. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.

Meow...

Naramdaman ko sa aking mukha ang malambot at mabalahibong hayop. "Mun?" kinarga ko ang pusa ni Dick. Nakilala ko siya dahil sa kanyang mga mata na tila half moon sa madilim na kalangitan. "Anong ginagawa mo rito?"

Meow...

Ito lamang ang tangi niyang naitugon. Masyadong layas ang pusang ito. Maging sa lugar na ito ay nakakarating siya. Lumabas ako sa kweba at sumalubong sa akin ang madilim na kalangitan. Tiningnan kong muli si Mun. "Baka hinahanap ka na ni Dick sa mga oras na ito." Hindi sumagot ang pusa kaya naglakad na ako patungo kay Master Hagiza.

Paglapit ko sa bonfire wala akong naabutang matanda. "Saan na naman kaya pumunta --- Aray!" nakaramdam ako ng hapdi sa ulo dahil lintik talaga 'tong matandang hukluban. Hindi ko namalayan na tumalon na pala si Mun sa pagkakakarga ko. "Ano ba?"

"Diba ang sabi ko sa'yo hindi mo tatanggalin ang piring?"

Oo nga pala. Nakalimutan ko dahil masyadong natuon ang isip ko sa mga agam-agam.

Naglakad si Master Hagiza patungo sa bonfire at naglagay ng panggatong. "Ano nang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin.

Lumapit ako sa kanya at sumalampak sa lupa. Itinaas ko ang aking mga kamay upang makapagpa-init sa bonfire. "Sa tingin ko po kakayanin ko na bukas na magpatuloy." Wala akong narinig na kahit anong komento kay Master Hagiza kaya hinayaan ko na lamang ang katahimikan. Ilang minuto lang nang maalala ko si Mun kaya lumingon ako sa paligid. Nagbabakasaling naandun pa ang pusa. "Nakita niyo po si Mun? Yung pusang hawak ko kanina?" tanong ko kay Master Hagiza.

"Wala akong nakitang pusang hawak mo." Iyon lang at inabutan na niya ako ng nalutong isda.

Matapos nito ay nagpahinga na kami.




-------------------------------------------------------




Kinabukasan maaga kaming nagising upang umpisahang muli ang pag-eensayo ng nakapiring ang aking mga mata. Pinapakiramdam ko ang aking paligid. Naririnig ko ang huni ng mga ibon, maging ang ilang hayop at insekto.

Ilang sigundo at naramdaman kong may kumilos sa aking likuran pero hindi muna ako gumalaw dahil tiyak kong medyo may kalayuan pa ito ng kaunti. 

Lapit pa... 

Bulong ko sa aking sarili at hindi naman ako nabigo. Naramdaman ko ang mabilis na hangin banda sa aking ulunan kaya mabilis akong umalis sa aking pwesto. Nasundan ang pag-atakeng iyon kaya hinanda ko ang aking dipensa.

Matapos iyon ay wala na naman akong maramdaman.

Nasaan kaya siya? Sa harap? Sa likod? Hindi... Nasa... Itaas. 


Tumalon ako upang iwasan ang atake niya. Nakarinig ako na parang may nawarak at may tumalsik na bato sa mukha ko. 

Shems... Ang lakas ata n'un ah. 

"Minsan talaga iniisip ko na malaki ang galit mo sa akin." Reklamo ko kay Master Hagiza pero hindi ko narinig ang pagtugon niya.

Hindi ko na naman maramdaman ang prisensya niya pero naging matalas ang aking pandinig. Huli ka balbon... Sa kanan ang sunod niyang atake pero sinalag iyon ng aking kanang kamay. Sumuntok ako pero wala akong nakapa kaya mukhang naka-iwas siya. Naramdaman ko na naman na tumakbo siya kaya sinabayan ko iyon.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon