Maaga akong nagising upang ihanda ang mga kakailanganin ko. I wear my polo and pants sinuot ko din ang isang damit proteksyon upang makaiwas kami sa Valor.
"Ate hindi naba magbabago ang isip mo?"-iisa lang kami ng kwarto ni Trix kaya nagising din sya ng magising ako.
"I'm fine Trix. I know na nag-aalala ka lang."-saad ko at hinawakan ang buhok nya. Kung sakaling magawa namin ito ng tama ay maalala ko ang lahat.
"Ate hindi ako mapakali tuwing iisipin kong sasama ka sakanila. Im scared of what might gonna happen"-saad nya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mata.
"Relax. I just want to know all behind of all of this. Baka sakaling ito ang makapagpaalala saakin ng lahat. I can finally recognize you, our memories"-sagot ko sakanya at inayos na ang aking bag.
"Ate mag iingat ka. I know them, they won't let us win over them. They are experimenting us. All of this is just a test."-saad nya bago kami lumabas at katagpuin ang aking mga kasama.
"Are you ready, Sierra?"-tanong ni Derick nung mag kasalubong kami.
"Yes im ready"-sagot ko at nilubot ang akinh paningin upang hanapin ang lalaking iyon. Natagpuan ko syang nakanguso habang papalapit saamin.
Hindi nya ako pinansin at nagsimula na syang maglakad. Nagkibit balikat lamang ako at sumunod sakanila.
"Be careful ate. I will pray"-sigaw ni Trix habang katabi si Brix na ngayon ay nakasimangot.
Napakapit ako sa strap ng aking bag ng biglang bumukas ang napakalaking pinto. Dahan dahan iyon dahil narin sa bigat nun. Malakas na hangin ang bumulaga saakin. Nang idilat ko na ang aking mata ay bumungad ang tahimik at nakakatakot na lugar. Puro sapot iyon at mga dahon, medyo madilim din iyon.
"Run!!"-sigaw ni Kaiden at nagsimula na kaming tumakbo. Nakita ko ang mga sapot duon na ang lalaki, pati na din ang halaman na sa tagal ay gumapang na paakyat sa matataas na pader.
"Be careful"-saad ni Kaiden. Dahan dahan pa kaming naglalakad habang hawak ang aming mga armas. Magkakatalikod kami upang makita kung saan ang Valor.
Kinilabutan ako ng may marinig akong kaluskos at tunog ng metal na tumatama sa sahig.
"Andito na sila"-pabulong na saad ni Derick at nagtago kami sa malaking bato doon.
Papalapit ng papalapit ang tunog hanggang sa may makita akong kamay ng gagamba kaya halos tumili ako , ngunit nahawakan ni Kaiden ang aking bibig.
Nakakatakot ang itsura non dahil malaki ang mata nun at madaming paa. Napansin ko ang isang malaking injection na nakakabit sa unahang paa non.
Lumapit ako unti upang titigan iyon ng lumingon iyon saakin kaya napaatras ako. Dumungaw sya at pinagtutusok ang kinaroroonan namin.
"Run!! Faster!"-sigaw ni Kaiden at tumakbo kaming tatlo, lumilingon ako sa likod at nakikita ko ang Valor na mabilis ding tumatakbo papunta saamin.
"Dito. Bilis!"-mabilis ang takbo namin dahil ang bilis ding tumakbo nung Valor. Unti unting bumagal ang lahat, may biglang pumasok na alaala sa isipan ko.
"Ate dito."-sigaw ni Trix saakin habang nilalagay ko ang huling sangkap upang mabuo ko na.
"Sandali lang."-sigaw ko sakanya at pagkatingin ko sakanya ay binibitbit sya ng mga nakaitim na lalaki.
"Sierra bilis"-nagulat ako ng narinig ko ang boses ni Kaiden at Derick kaya napalingon ako.
"Faster!!"-sigaw ni Derick habang ako ay dahan dahan lang tumatakbo. Napalingon ako at nakita kong malapit na ang Valor saakin. Kaya binilisan ko ang takbo at unti unti ng sumara ang pinto kaya napakunot na ako ng noo dahil sa pagod at pagmamadaling makaabot.
Nagblanko ang aking paningin at napamulat nalang ako na gumagalaw ang kung ano ang hinihigaan ko.
"Hmmm"-napaungot ako dahil sa pagkamulat.
"Gising kana?"-tanong ni Kaiden at nakita kong buhat buhat nya ako kaya nanlaki ang aking mata at nagpumiglas na bumaba ngunit hindi nya ako binitawan.
"Kaya ko ng bumaba"-saad ko at nag iwas ng tingin upang tingnan ang mga dinaraanan namin. Ilang taon na ba ang maze na ito at ganto na ito ka tanda kung titignan.
"Ilang taon na kayong narito?"-wala sa sariling tanong ko sa kanilang dalawa.
"Matagal na."-tipid na sagot ni Kaiden at walang emosyon ang mukha habang binubuhat ako kaya napanguso na lang ako.
Nakikita na mula rito ang liwanag kaya alam kong nakabalik na kami ng kampo. Nakita ko agad ang aking kapatid na masayang kumakaway ngunit ng makita akong buhay buhay ay hindi na magkamayaw sa pagtakbo upang puntahan ako.
"Gosh. Sabi ko na nga ba at hindi maganda ang pagsama mo. Ang tigas talaga ang ulo mo ate!"-sinermunan ako ni Trix ng makababa ako sa pagkakabuhat ni Kaiden.
"Muntik ng mamatay ang isang iyan dahil sa katigasan ng ulo"-saad ni Kaiden habang pinapagpag ang damit bago umalis.
"What happened?"-tanong saakin ni Kevin ng makarating na din sila.
"We been encounter a Valor."-sagot ni Derick at napansin ko ang sugat sa bandang braso nya.
"Anong nangyare sa braso mo?"-naunahan ako ni Trix sa pagtanong kung anong nangyare sa braso nya.
"Wala sumabit lang to. Ang mas kailangan ng gamot ngayon ay si Captain Kaiden."-sagot sya at lumingon saakin. Kumunot ang noo ko at tiningnan si Trix.
"Anong nangyare sa braso nun?"-tanong ni Trix sakin.
"I don't know."-yun lang ang nasabi ko dahil maski ako ay hindi ko alam kung anong nangyare.
"Ano bang nangyare sayo at maski ang nangyayare sa kasama mo ay hindi mo alam?"-tanong nyang muli at nilingon si Brix na ngayon ay may dalang tubig.
"Hinimatay ako, pero naalala ko pa bago ako himatayin ay nakalabas na kami ng isang section."-saad ko at ininom ang tubig na ibinigay ni Brix saamin.
"Bakit ka bumagal sa pagtakbo kanina Sierra? You look so preoccupied a while ago."-tanong na din ni Derick habang naglalakad kami upang pumuntang healing room.
"May alaalang nag pop up sa isip ko. Hindi ko alam kung konektado ba iyon sa nangyayare sa atin ngayon"-naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano bang nangyayare. Bakit parating lumalabas iyon sa aking panaginip.
Tila ba konektado ang lahat sa iisang panaginip ko.
BINABASA MO ANG
The Controller
ActionWhat will you do if you will wake up one day that you are controlled by someone? Just like what Sierra Dayn experience.