Chapter 25-Fvck off

2.7K 104 0
                                    

[Jerish POV]

Lumabas na ako ng kwarto bago ko inayos ang sarili ko.Hindi pwedeng magpakita ako sa kanila na super haggard ako sa kakaiyak.Kakahiya naman nun.

I smiled bitterly dahil sa mga naiisip ko tungkol  sa mga alaalang ayaw ko ng balikan na tumatak na sa isip ko.

Alam kong iniisip ng iba na parang ang babaw naman ng iniiyakan ng isang Jerish Lopez.Na masyado akong pabebe.Masyadong maarte.

I'll tell you why kung bakit ang hirap i-let go ang alaalang iyan.

Dati kasi nakatira ako sa bahay ng Tita ko after mamatay nila Mommy.Sila ang umampon sakin.Mga 14 years old pa lang ako that time.Let's say na hindi sila gaano kayaman katulad namin noong nabubuhay pa ang parents ko.Kailangan talagang magtrabaho ka ng magtrabaho.

Nang sa kanila na ako nakatira,naging alila nila ako.Ako lagi ang inuutusan,ako lagi ang napagbubuntunan ng galit,ako lagi yung nasasaktan.Yung mga anak ng tita ko ang turing sakin ay isang katulong.Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit sila sakin.Except kay Ate Mikee na napakabait sakin.Siya ang tumayong ate ko tuwing may problema ako dahil tinatakot ako kapag magsusumbong ako.Siya ang pumo-protekta sakin kapag sinasaktan ako ni Tito.Siya ang tanging pag-asa ko.Lagi nya akong inaalagaan kahit na alam kong di namin siya kadugo.Ampon lang sya nila Tita.Kung nandito lang siya......

Dahil hindi pa ako sanay sa gawaing bahay,lagi na lang ako nagkakamali kaya napapagalitan ako.Okay lang sakin yung sigaw-sigawan nila ako,pero yung asawa ni Tita,physical na sya nananakit.Which is hindi naman pinipigilan ni Tita dahil kasalanan ko naman din daw.Pinipilit pa nga nila akong ibenta sa isang foreigner.Sa isang foreigner na hindi ko kilala.Na ang puri ko lang ang kailangan.Buti na lang nakuha na ako ng lola ko sa tita ko.

Dahil dun,nagtakot na ako makarinig ng mga kwentong about sa pananakit.Bumabalik yung mga alaala na yun.Mga alaalang masakit balikan.Mga alaalang sumira ng childhood ko.Nakatatak na sa puso at isipan ko.

Natatakot ako para kay Riku na baka tumatak sa utak nya at sa puso nya ang ginawa ng Tita at Tito nya sa kanya.Pero ang tapang na bata ni Riku.Natiis nya ang bagay na iyon.Samantalang hindi ako makawala sa alaalang iyon.

Natatakot akong baka mamatay ako at yung mga magiging anak ko ay mangyari sa kanya iyon.That kind of fear is hunting me like a criminal.

“Pretty?"napatingin ako sa nagsalita.Nakangiti saking lumapit si Storm.

“Umiyak ka?"agad na tanong nito.Tinakpan ko yung mukha ko para itago ang mugto kong mata.

“Hindi kaya!!"

“Sige nga.Tanggalin mo yang kamay mo.Tignan natin kung hindi ka galing sa pag-iyak."pilit nyang tinatanggal yung kamay ko sa mukha ko.

“Wag!!"naramdaman ko na lang na hindi na nya pinipilit tanggalin yung kamay ko kaya tinanggal ko na to ng dahan dahan.

Nakita ko ang mukha ni Storm na halatang alalang alala.

“Umiyak ka nga."napayuko na lang ako sa sinabi nya.

“Kung gusto mong umiyak,andito lang naman ako.I'll listen to you."he said and smiled.Hinatak nya ako sa labas.May upuan sa labas.Dun kami tumambay.

“Iyak na."tumingin lang ako kay Storm.Nag-aalangan pa kasi ako.Syempre,walang kasiguraduhang maiintindihan nya ako.Dahil maayos ang pagtrato sa kanila ni G.Pops.

“Don't worry.Mapagkakatiwalaan mo ako."he smiled at me to assure that he'll do what he promised.

Nagsimula nang tumulo ang luha ko.

Iniyak ko nga lahat kanina.Nilabas ko lang lahat ng luha ko para wala nang lumabas pero napakataksil nang mata ko.Lumuluha pa rin.

“Bakit kasi ang sakit sa puso eh!!Bakit kasi nawala pa sila Mommy?!Bakit kasi iniwan agad nila ako?!Bakit kasi........ako pa?"naramdaman ko na lang ang mainit na bisig ni Storm.Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Yung takot na baka may ibang tao ang kumuha sakin.Na saktan ako ng ibang tao.Ang sakit!!!Napakasakit sa puso!!!Parang binibiyak sya sa sakit!!

Parang iba't ibang patalim ang tumutusok sa dibdib ko!!

“Iyak mo lang."

“Ang sakit,Storm!!Ang sakit sakit!!"

“I know....I know...."

Unti unti ng humupa ang luha ko.Dahan dahan ng nababawasan ang pumapatak na luha.

“Can you explain it to me what happened?"

In-explain ko sa kanya ang nangyari.Syempre may butil pa rin ng mga luha ang lumulusot kahit na anong pagpipigil ko.

“It's okay.Wala na sila.Maayos na ang buhay mo ngayon.Di ka nila masasaktan."he smiled that made me cry even more.I hugged him and he hugged me back.

“Fvck off!!"we heard cussed from my back.Agad akong humiwalay ng yakap kay Storm at pinunasan ang luha ko.

“Humiwalay ka sa kanya."

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon