Stranger 1- Disaster Morning

1 0 0
                                    

Sunod sunod na kalampag ng pintuan ang nag pabalik sa katawang lupa ko mula sa pag kakahimbing.

Argh! Pinilit kong dumilat upang silipin sa suot kong wristwatch ang oras. Anak ng patola naman oh! Alas syete pa lamang ng umaga, e halos tatlong oras palang ang tulog ko dahil kadarating ko lang mula sa 3 days seminar and workshop sa Cebu kaninang alas kwatro! Ni hindi ko na nga nagawang umakyat sa kwarto ko at dito na lamang ako sa sofa nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Nanatili akong nakapikit at inaantay na umalis ang kumakatok subalit mukhang nananadya ito.

Labag man sa kalooban kong tumayo at pagbuksan ang istorbong kumakatok ay wala akong magawa at nakapikit na nag lakad patungo sa pintuan at walang babalang binuksan ito.

Nabungaran ko naman ang bwisit kong kapitbahay! a.k.a Ang Taong sumpa na pormang porma at mukhang may lakad. Naka V-neck black shirt ito at red jeans and topsider aminado akong simple lang ang suot nito pero nagawa niya pa rin itong bigyan ng hustisya.

Seriously! Wala ba man lang itong bad days o yung haggard day para maipahinga man lang ang taglay nitong kagwapuhan?

Argh! Tsk! Malala ka na Bobbie!

Did I just praise him? Delete! Erase! Erase! Cntrl-H .. Clear History!

Wala na talagang filter ang utak ko bunga ng matinding antok.

Napansin ko ang pagkatigagal niya ng mabungaran ko siya subalit ipinagsawalang bahala ko nalang ito dahil may pagka wirdo naman talaga itong si TS. Pasalamat siya at ayokong maaburido ngayon kung kaya't nagtitimpi akong singhalan siya.

"Anong kailangan mo?" wala sa sariling tanong ko ng nakakunot ang noo habang nakapikit.

"A-Ahhh A-no ahh eto p-pala kasi a-ano-- Fuck!" Utal utal na wika nito at  bago ko narinig ang mahina subalit mariin nitong mura.

"WHAT? Utal ka na ba ngayon? bat ganyan kang magsalita pwede ba bilisan mo dahil sinisira mo ang tulog ko!" Nanggagalaiti kong wika at di na muling nag abala pang mag dilat ng mata.

"A-Ano.. Kasi nag ano ko ng ano--"

Pinutol ko na ang iba niya pang sasabihin dahil sa iritasyon.

"Pinagtritripan mo ba ko? Ayusin mo nga yang salita mo at pag ganitong kulang ako sa tulog baka hatakin ko yang dila mo para madiretso mo yang sasabihin mo." Gigil na angil ko sa kanya at bahagyang nagpakawala ng hikab.

"DILA! Este ano pala nagluto kasi ako ng sopas fuck! Ano naisipan kitang dalan. At pwede ba pumasok ka na sa loob Barbarra ako na ang mag lalagay nito sa mesa mo." naringgan ko ang diin sa salita niya ng makahulma ito.

Tingnan mo tong si TS. kakatok katok sabay papapasukin ako sa loob ng sarili kong bahay, see? ganyan siya ka wirdo.

Naramdaman ko ang mabilis niyang pag kilos at bahagyang paglapit sa direksyon ko marahan niya kong tinulak papasok ng bahay, siya na rin ang nag sarado ng pinto. Sa saglit na pag kakalapit niya sakin ay naramdaman ko agad ang init ng balat niya at ang mabango niyang amoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon