Chapter 1

28 0 0
                                    

Chapter 1

Pasukan nanaman. Dyahe ang dami nanamang tao. Di ko pa alam kung sinu-sino mga kaklase  ko.

 

"hey girl, kamusta?"

 

"oy gumanda ka ata. Hiyang sa bakasyon?"

 

"tara hanapin na natin classroom natin."

 

Kanya kanyang usapan ang mga estudyante sa paligid ko. Halatang mga namiss ang isa't isa.

 

Nasaan na ba yung lukaret na yun. Wala tuloy ako kasama.

 

"Sissy!" rinig kong sabi ng babae at sigurado ako kung sino yun.

"Sis, ang tagal mo nakakaloka dito wala akong kasama." maktol ko sa kanya.

"sorry na, na-trafic ako eh. Tara tignan natin kung anu section natin" sabi nya.

 

Hinila niya na ako papunta sa bulliteen board kung saan nakalagay ang listahan ng sections ng mga 3rd year.

Tinignan namin yun isa-isa. Sana magkakLase kami, sana sana sana.

 

"Allison M. Macatangay, III-Lanete,Rm. 305 yan sis nahanap ko na pangalan mo kaso mukang di tayo magkakLaxe." dama ko ang tamlay sa boses niya.

 

Oo nga, di ko nakita sa list yung name nya. Ang malas ko talaga sa ganito. Lagi akong nahihiwalay sa mga barkada ko. At ngayon sa best friend ko naman.

 

"Janina E. Pangilinan. Sis eto name mo oh. III- Acacia ka Rm. 203" sabi ko sa kanya.

 

"nakakainis naman, di tayo classmates." tantrums ng kaibgan ko.

"Okay lang yan, nako pag ako kinalimutan mo bruha ka. Sabay tayo palagi uuwi ah." sabi ko.

"Oo naman no." tugon niya.

 

"All students proceed to your assigned room for your orientation" rinig kong sabi ng isang teacher . Di ko kilala sa pangalan pero sa mukha oo.

 

"Tara akyat na tayo. Hahanapin pa natin room natin tsaka baka andun na advisers natin." sabi nya.

"kung makasabi ka naman ng hanap diyan akala mo di ka nsg 1st and 2nd year dito. 2nd floor  po iyo at 3rd floor  po akin. Tara na nga." sabi ko sabay sukbit ng kamay ko sa kanya.

 

"Bye sis. Sabay tayo mamaya ah." sabi ko sa kanya.

"Sige text nalang kita" sabi niya sabay takbo sa room niya. Mukhang late na ata.

 

Umakyat na ko sa 3rd floor. Kanya kanyang lakad nadin ang iba. Nung mahanap ko ang room ko ay pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase ko. May mga kaklase ako nung 1st year ako pero di ko naman mga close.  Mukang mapipilitan pa ko makipag close sa kanila.

 

Umupo ako sa bandang likod.

 

Pumasok na ang teacher namin at sinabi na ang mga requirements. At isa lang ang pumukaw ng atensyon ko.

 

"introduced yourself one by one mag umpisa tau sa unahan." sabi ni maam cruz.

 

Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat tsk. Bukod sa nahihiya ako na natural lang namang maramdaman ay napupuno din ng insecurities ang katawan ko kasi di kagandahan ay mali di pla talaga maganda kasi mataba ako.

"Hi! I'm Allison M. Macatangay 14 yrs old. Please be nice to me." sabi ko at umupo agad.

 

Sa dami na nagpakilala isa lang pumukaw ng atensyon ko.

 

"Im Gilliant M. Aquino 15 yrs old. " pagkasabi niya nun ay umupo agad siya. Kaapelyido niya yung kaklase ko last year kaya naagaw niya ang pansin ko.

"Baka kapangalan lang" kibit-balikat kong sabi.

"Okay class we're going to arrange your seat plan, tayo muna kayo." sabi ni maam.

 

Sinunod namin ang sinabi niya at ang ginawa nya sa arrangement ay girl boy alternation. Tinamaan ng magaling to si maam kainis.

Sa di ko malamang dahilan ay napunta ko sa unahan. Malapit pa sa pinto. Katabi ko si Aquino.

 

Walang imikan samin. Ang awkward super. 

 

Di na ko nakatiis kaya nag initiate na ko ng talk. madaldal kasi talaga ako.

"Ah hi! Allison nga pala call me Ally " sabi ko.

At walang imik yung katabi ko. Medyo pahiya tsk.

Di ko nalang pinansin.

 

*kringgggggg*

 

"okay that's for now you can go." ani maam.

 

Buti maaga uwian ngayon.

 

Makakauwi na ako at pwede pa ako matulog. Dinaanan ko na si janina sa classroom nila at saktong palabas na din siya.

"Alam mo sissy, yung clasmate ko, akala mo pogi. Ang hangin ng aura. Akala mo lahat magkakagusto sa kanya." sabi ko.

"Huh? sino ? anong pangalan?"

"Actually Ka apelyido ni Luke, at mukhang mahangin din  pareho sila. Di talaga ko magkakagusto dun."

 

Nagulat ako ng biglang sumulpoit sa harap ko si  Aquino at may sinabi pa siya.

"Di pala ah tignan natin."

Itutuloy..

 

This Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon