<[ Chapter - 8 ]>

173 17 1
                                    

Guys I just want to ask noh?

What do you think should I make the following Quests? make it into parts or should I give it in one go but Consider this as a Chain Quest?

Comment down please need your response about this AHAHAH

Para mapadali yung pagimagine nung apocalyptic ambiance, nasa taas yung pic

Kuha ko lang yan sa pinterest eh...Haha

~=~=~=~=~=~
Chapter 8 -  The Tombstone
~=~=~=~=~=~

Lumabas kami ni Aling Bellen ng Pharmacy ni Gloria at nagliwaliw sa may Plaza.

Si Aling Bellen na laging nakangiti ng malumanay at may taglay na natural na saya, ngayon ay ubod ng lungkot ang ngiti na kanyang pinapakita

Naging tahimik ang aming paglalakad hanggang sa magumpisang magsalita si Aling Bellen ng hindi man lang sya tumitingin sa akin

"Crane, pagpasensyahan mo na ang batang iyon ha? Nabalik lang siguro ang ilang masasamang ala-ala sa kanya."

Ah, mukhang start na nung back story nung Quest

"Nako wala po iyon! Naganon narin po ako kahapon! Kaya inaasahan ko narin ho..."

Hindi na sumagot pang muli si Aling Bellen

Tumahimik sya panandalian at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod lang dahil hindi ko kontrolado ang katawan ko

Oo ngayon ko lang din napansin, gusto ko huminto maglakad pero ayaw huminto ng mga paa ko

Kontrolado ko ang boses at bibig ko pero ang mga binti ko hindi

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Aling Bellen. Hindi na rin ako nagtanong kung saan kami pupunta mukhang hindi nya rin kasi ako tatanungin

Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa Southern Gate ng Settlement

"Magandang Gabi Aling Bellen! Doon parin ho ba ang punta nyo?"

Isang lalaki na may malaking ngiti sa labi at nakamilitary uniform ang bumungad sa amin ni Aling Bellen ng malapit kami sa Gate. Tumingin ito sa akin habang nakangiti

<[Ting!]>
<[Kiko of Lotus Seed Favorability down!]>
<[Favorability Status : Hostile!]>

Huh? Bakit anong ginawa ko sa kanya?

Dibale base sa itsura ay kasing edad nya si Gloria, at isa pa isa syang gwardya. Hindi naman nya ako kinakanti kaya wala ako dapat gawin

"Magandang Gabi rin Kiko! Oo doon parin."

Sagot naman ni Aling Bellen sa tanong ng Gwardya.

Parang nagiba ang ngiti ni Kiko ng marinig nya iyon ngunit tumango naman ito na animo'y naiintindihan nya at naglakad ito papunta sa Gate

Sa Gilid ng napakalaking Gate ay may maliit na pinto na gawa rin sa makapal na bakal

May iniswipe yung Gwardya na Si Kiko doon at nang makarinig ako ng tunog na *click* ay agad na binuksan ni Kiko ang Bakal na pinto

MIDGARD ONLINE(Paused)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon