<[ Chapter - 9 ]>

192 18 2
                                    

Hi! Hello! Mabuhay! Ronneth is here again!

Bitin po ba? Sorry na, sadya

Kidding aside, nahihirapan po ba kayo na iimagine yung itsura ni Niko? Search the name Yang Tingdong sa google hehe

Sya naiimagine ko nung ginagawa ko yung visuals ni Niko

Picture nya yung nasa taas, kuha ko lang yan kay pareng pinterest

And again, if you have read the chapter 8, reread it again before this chapter

I have tweaked it a bit to fix some errors

~=~=~=~=~=~
Chapter 9 - The Past
~=~=~=~=~=~

Napatingin nalang sa kawalan si Aling Bellen matapos kong sabihin iyon. Akala ko nga ay masyado pang mababa ang Favorability ko at hindi sya magkwekwento

Pero ilang saglit lang ay nagumpisa na syang Magkwento

"Nagumpisa ang lahat bago pa magumpisang magbago ang mundo.

Isang taon bago ang lahat ng ito, isa lang kaming ordinaryong pamilya, well, masasabi mo kahit papaano na normal..."

Bakit po? Aswang po ba kayo kaya hindi kayo normal?

"...Galing sa isang kilalang pamilya ng mga Engineer ang Asawa ko, ako naman ay galing sa pamilyang sikat sa industriya ng fashion designing..."

Ay wow, ang ganda ng family background.

"...Ipinagkasundo kaming dalawa at nagkaroon ng Tatlong Anak, ang panganay ko na Si Jonas, ang nagiisa kong anak na babae na si Gloria, at ang bunso na si Jerry.

Masaya at buo kami noon hanggang sa dumating ang pagbabagong ito.

Napuno ng mga Halimaw ang dating tinitirhan namin kaya naman sinubukan naming Lumikas.

sa Paglikas na ginawa namin ay may nakilala kaming Isang binatang lalaki, nagmakaawa ito na sumama sa amin at dahil sa awa ay isinama namin sya papaalis.

Nakarating kami rito sa Lotus Seed at dito na namuhay, hindi sa pagmamayabang, ngunit matipuno at mahusay sa pakikipaglaban ang asawa ko kung kaya't isinama sya sa mga sibilyan na kayang lumaban.

Ang binatang nakasama namin, sinabi nya ang pangalan nya ay Miguel, hangang-hanga sya sa asawa ko, lagi nya syang kinukulit kung maaari daw bang maging personal na estudyante sya ng asawa ko..."

Sa parte na iyon ay parang may bumalik muli na masasakit na ala-ala kay Aling Bellen at nagumpisa na syang umiyak

"...Ang bata na iyon, hindi namin lubos maisip na gagawin nya ang bagay na iyon!"

Aling Bellen wag mong putulin! Andoon na eh!

"...Isang araw ay may umusbong na dungeon malapit sa settlement, bilang isa sa mga tagaprotekta ng settlement ay sumama sa pakikipaglaban ang asawa ko.

MIDGARD ONLINE(Paused)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon