Paunang Hiwatig
Sa buhay, may mga manggagamit at mga nagpapagamit.
Sa dalawang tao, ang isa ay laging lamang sa isa. Hindi pwedeng pantay.
Ganyan kaming dalawa ng ate ko. Mas siya sakin sa lahat ng bagay.
She's my sister that turns everyone on. And that everyone used me to get close to her.
Wala naman akong sakit ng loob sa kanila e, lalong lalo na sa ate ko. Bata pa lang ako noon, walang dapat ipag- alala.
Unang Kabanata
Nasa CR lang si Ate ng may lumapit saking isang grupo ng mga babae. Anim silang lahat nang binilang ko.
"Hi." Sabay- sabay na sabi nila. Magaganda silang lahat at nakangiti. Sa tantya ko, dalawang taon ang tanda nila sa akin. Siguro nasa labing anim hanggang labing pito na ang gulang nila. Fourteen na kasi ako ngayon.
Ngumiti din ako sa kanila at bumati. Tinanong ko sila kung anong gusto nila sa akin, kung bakit sila lumapit.
"Tanong lang namin kung anong pangalan nung kasama mo kanina? Nakikita kasi namin siya sa school kaya lang hindi naman siya palakaibigan. You know, we just want to be her friend."
Tiningnan ko sila isa- isa. Siguro dahil maganda ang ate ko kaya gusto nila siyang maging kaibigan? Dahil gusto nilang mabilang sa mga grupo na magaganda lang ang mga myembro? Siguro ganun nga.
Nagkibit balikat nalang ako at sinagot sila.
"Aina Fernandez po yung pangalan niya. Ate ko siya."
Nakita kong ngumiti ang apat sa kanila. Nagtanong ang katabi nung nagsalita kanina.
"Pakilala mo naman kami sa kanya o." Kumurap siya ng isang beses at ngumiti. Napansin ko ang mga bibilugin niyang mata.
May tumapik sa balikat ko kaya napatingin ako sa likod ko. Dun ko nakita ang kapatid ko na kababalik lang. Nakatingin siya sa mga babae sa harap ko gamit ang mapanuring mata.
Nilingon ko naman ang mga babae, nakangiti silang lahat at nakatutok ang tingin sa ate ko.
"Chloe, sino sila?" tanong niya sakin. Nakatingin pa rin siya sa mga babae. "Kaibigan mo?" dugtong niya pa.
"Ahm,ate.Gusto ka kasi nilang makilala."
Naglahad ng kamay ang babaeng huling nagtanong sakin kanina sa ate ko.
"I'm Shaina." Nakipag- handshake si ate sa babae at nagsisunuran ang iba pa. Nakatingin lang ako sa kanila.
"We're just asking her about you. Schoolmates tayo." Sabi ni Anica, siya yung may pinaka maikling buhok sa kanila.
Sila ang natatandaan kong unang mga tao na lumalapit muna sa akin para mapalapit sa ate ko.
Sa school, may mga nakikita pa 'kong mga regalo sa upuan ko at kapag titingnan ko naman kung kanino galing makikita ko nalang ang pangalan ni ate. Hindi dahil sa kanya galing kung hindi dahil para sa kanya.
Mapa- babae o lalaki, mas matanda o mas bata, kahit sino siguradong lalapitan lang ako para sa ate ko.
Dahil sa mga nangyayari sakin, itinatak ko na sa isip ko na wala akong magiging kaibigan. Yung ako ang gusto nilang makilala, yung ako yung pagkakainteresan nilang kilalanin.
Pero lahat ng ito binasag ng una kong naging kaibigan.
2nd year college, 17 years old na 'ko sa mga panahong yon, Civil Engineering ang kinuha kong degree. Ganun din ang kinuha ni ate Aina, nasa pang- apat na taon na siya.
BINABASA MO ANG
Chloe (Short Story)
Short Story"Chloe, I know your sister turns everyone on. But you're the one I want."- Emblem3 Chloe (You're the One I Want) is the debut single of Emblem3. Paunang Hiwatig Sa buhay, may mga manggagamit at mga nagpapagamit. Sa dalawang tao, ang isa ay laging l...