Ikalawang Kabanata (On Third Person's Point of View)
Nagkibit- balikat lang lahat ng kaibigan niya sa kanyang tanong. Anong meron sa mundo at parang wala siyang alam sa mga nangyayari?
Si Chloe ay isang napaka- inosenteng tao or should I say manhid? Iba siyang mag- isip. Kung ang iba ay agad maghihinala na may pagtingin ang isang taong nakatingin sa kanya, siya hindi. Agad niyang iisiping dahil may nais na namang makipag lapit sa kapatid niya - sa pamamagitan niya.
Ilang sandali pa ay may biglang sumigaw.
"Kuya!" si Cristel na tumayo pa at nilapitan ang tinatawag niyang kuya. May sinasabi ito at hinihila habang hawak ang dalawang kamay ng lalaki.
Hindi naman nabigo ang bestfriend niya, nagtagumpay ito at mabilis na hinigit o kinaladkad ang lalaki papunta sa pwesto nila.
Nakatingin lang silang magkakasama sa kanila sa buong pangyayari. Ang mga kaibigan niya ay parang mga insektong malilikot kaya lagi siyang tinatamaan at siya naman ay tahimik lang at kapag nasasaktan ay nagrereklamo.
Ilang pulgada na lang ang layo ng dalawa nang biglang itulak ng malakas ni Cristel ang kanyang pinsan sa kanya. Napasubsob tuloy ito at buti na lang ay nasuportahan nito ang sarili at kung hindi siguradong may gasgas na ang lalaki sa mukha.
Umiwas si Chloe ng mangyari iyon, kung hindi ay mapapasama siya sa pagbagsak nito.
"Sayang!" sigaw ng mga kasama niya. Napatingin siya sa kanila. Anong sayang? Sayang dahil hindi siya nasamang nasaktan?
She glared at her friends sabay sabing,
"Mga walang hiya kayo! Sayang pa talaga ah!"
Humalakhak lamang sila. Ang lalaki naman sa kanyang tabi ay pulang- pula habang inaayos ang sarili.
Pumunta si Cristel sa kanyang tabi at yumuko para kunin ang bag niya. Kinuha din ng iba ang mga gamit nila at tumayo, kaya ganun din ang ginawa niya.
"Ep- ep! Diyan ka muna, may sasabihin daw si Kuya Justin. Bili lang kami ng tubig, kita na lang tayo mamaya sa room." Pigil sa kanya ni Cristel. Wala na siyang nagawa dahil mabilis na nakalayo na ang mga
kaibigan niya sa kinaroroonan nila. Nakasimangot ang kanyang mukha habang nakatingin sa mga kaibigan niyang nagpapaalam sa kanya na may halong panloloko.
"Uy Tel! Teka lang! Wala sa usapan to!" Malakas na sigaw ng lalaki sa kabilang banda niya. Tumingin siya rito.
Malapit silang dalawa sa isa't- isa, parang napaso namang umiwas ng tingin ang lalaki at mabilis na lumayo sa kanya. Tinanong niya ang lalaki gamit ang singkit na mata,
"Paano mo naging pinsan si Cristel?" tanong ni Chloe.
Nabigla si Justin ng magtanong sa kanya ang babae. Nag- iisip kasi siya kung paano niya sisimulan ang usapan nila at maalis ang awkward atmosphere sa pagitan nila. Akward ba talaga? Parang siya lamang ata ang nakakaramdam ng ganito dahil ang babae ay kalmado lang na nakaupo.
"H-ha?" nauutal na saad niya. Naniningkit pa rin ang mga mata nito, tila ba naghahanap na sagot mula sa kanya.
"Sabi ko, paano mo naging pinsan si Cristel?" napalunok siya. Grabe, bakit ganon? Kahit mataray ito ay nagmumukha pa rin siyang inosente.
"Ano, magkapatid yung mga mama namin." He almost stuttered again when he said that. Yun lang naman ang tanong bakit pa siya nauutal? Kahit bata masasagot ang tanong na yon.
Nakita niyang nagtaas ng kilay si Chloe, na lalong nagpakaba sa kanya. Para siyang isang estudyante na swerteng nabunot sa isang surprise recitation.
"So first cousin kayo?" Nakikipagtitigan pa rin ito sa kanya. Ayaw ko siyang tingnan dahil kinakabahan ako, pero grabe talaga, hindi nakakasawa ang ganda niya. Sabi niya sa kanyang isip.
Nakipaglaban din ito ng titig bago sagutin ang dalaga. Nililibot niya ang kanyang paningin sa buong mukha nito habang tumatango.
"First cousin kayo so ibig sabihin your relationship is on the fourth degree. Anong course mo? Wala ba kayong Law o kaya Taxation man lang? Hindi mo ba alam na hindi pwedeng ikasal ang mga nasa fourth degree?...."
Lahat ng gustong sabihin ni Chloe ay sinabi niya. Grabe! Kabilang ba ang lalaking ito sa mga taong may gusto sa mga kadugo niya, incest ba ang trip nito? Wala naman siyang pakialam sa mga tang ganoon, pero bestfriend niya ang gusto ng lalaki!
Dahil sa dami ng sinabi ni Chloe, laging bumubuka ang bibig nito, rason kung bakit doon napatingin si Justin. Buka ito ng buka at nakikita niya ang mga bahagyang sumisilip na ngipin. Ang mga labi niya ay maninipis at may natural na kulay pink. Natural dahil kitang- kita nitong wala siyang lipstick.
Hindi na niya napapansin ang sinasabi ng babae. Nakatuon lang doon ang mga mata niya. Biglang tumigil sa pagbuka ang bibig niya. Bumuntong hininga ito kasabay ng pagdila niya sa pang- ibabaw na labi niya.
Napagod si Chloe sa pagsasalita dahilan kaya naubusan siya ng hininga at natuyo ang bibig niya. Napansin niyang nakatitig sa kanya ang lalaki at parang hindi naman nakikinig. Pumalakpak siya sa harap nito, para namang nabalik sa reyalidad ang lalaki.
"Hoy! Naiintindihan mo ba 'ko?" Tanong ni Chloe kay Justin.
"Ha?" parang bangag lang siya ng sinagot siya nito. Lalong nainis si Chloe kaya kumunot ang kanyang noo. Bumibilis ang kanyang paghinga. Bwisit, kapag talaga meron ako madali akong mainis.
Yes, PMS lang ang dahilan ng mga katarayan niya. Bakit kasi ang samang tumayming ng nangyaring ito? Ts!
She composed herself. Pumikit siya at nag- inhale-exhale sa isip niya. Inhale, exhale, inhale, exhale. Be calm, be calm Chloe. Huwag kang masyandong masungit, baka masapak ka ng lalaking iyan.
Halos isang minuto rin siyang nakapikit. Nakatitig lamang ang lalaki sa kanyang mukha, grabe talaga, kahit walang make- up ang ganda pa rin. Pula ang pisngi nito kaya lalo siyang gumanda. Unti- unting humupa ang pagkapula ng pisngi nito, kasabay ng pagbukas nito ng mata.
Nakatitig na naman sila sa isa't- isa.
"Ang sabi ko, hindi mo pwedeng magustuhan ang pinsan mo." Mahinahong pahayag nito. Wala sa sariling tumango lamang siya at dahan- dahang pinroseso sa utak niya ang sinabi ng dalaga.
Nang mapagtanto niya ang ibig nitong sabihin ay nanlaki ang mata niya sabay sigaw ng,
"Ano?!"
BINABASA MO ANG
Chloe (Short Story)
Cerita Pendek"Chloe, I know your sister turns everyone on. But you're the one I want."- Emblem3 Chloe (You're the One I Want) is the debut single of Emblem3. Paunang Hiwatig Sa buhay, may mga manggagamit at mga nagpapagamit. Sa dalawang tao, ang isa ay laging l...